UsEd To Be My PLaYgRoUnD

    deserted playground

    Deserted Playground
    Water Color on Paper
    16″x12″
    2006
    Photographer: master

    Deserted Playground - An abstract painting. The bench alone and the green background represents the playground. A baloon tied on a tiny thread flies away together with the games (we used to play) inside it, until disappears beyond the dark skies but to be cherished in our hearts forever.

    Why i used the pink color for the baloon? Because it’s one of the artists and interior designers choice color for 2006 spring… favorite na kulay ni manay ethel.

    Hindi dapat ganito ang subject ko pero habang pinaglalaruan ko ang water colors at brush ay naaalala ko ang aking kabataan para akong bumalik sa pag-gamit ng guitar water color na pang elementary habang nagpipinta. :)

    ***************
    Nasaan na nga ba ang mga larong pinoy? Naaalala ninyo pa ba ang tumbang-preso? shato? piko? bahay-bahayan o lutu-lutuan? titser-titseran? chinese garter? luksong-baka? luksong tinik? taguan-pung o tagu-taguan? patintero? habulan-taya? laruang sumpit? tirador na nakasukbit sa mga leeg ng mga bata?

    Alam pa kaya ng mga makabagong kabataan ang mga larong ito? Sa palagay ko kung meron mang nakakapaglaro sa ngayon nito ay hindi na kasing-saya kesa dati.

    Malaki na talaga ang pinagkaiba noon at ngayon. Noon, ang mga laro ay isang paraan ng pag-eehersisyo ng mga bata dahil pinagpapawisan sila tuwing tumatakbo at kadalasan ay madungis na uuwi ng bahay dahil sa punas dito, punas sa kahit saang parte ng katawan.

    Ngayon, moderno na at mabilis ang pagbabago ng buhay, kabilang na ang mga uri ng laro o laruan na makapaglibang sa mga bata. Andyan ang nintendo, gameboy, playstation at iba pang computer games na kinahuhumalingan ng mga bata. Masarap silang pagmasdan habang masayang naglalaro sa paraang sila lamang ang higit na nakakaunawa. Mainam nga naman dahil hindi na lalabas at hagilapin sa kalsada ng kani-kanilang mga magulang sa pagtawag sa kanila sa oras ng pagkain o may importanteng kailangan dahil nasa loob lamang sila bahay.

    Ngunit, sa tingin ninyo alin ang mas mainam na mga klase ng laro para sa mga bata… noon o ngayon?

    Naalala ko noon middle man ang pwesto ko sa patintero - ang laro ng maliliksi, mabilis, listo at madiskarte. Tuwing hapon kapag araw ng sabado o linggo kami ay nagkikita-kita sa kalsada at sabay-sabay na tutungo sa playground na malapit sa eskwelahan namin at kung ano ang napagkasunduan ng nakakarami ay yaon ang lalaruin.

    Kung sino ang may gustong maglaro ng mga larong kinamulatan noon sumunod lang sa munting playground ko. Magbalik-tanaw sa mga sigawan at mumunting halakhak natin noon.

    This used to be my playground
    by Madonna

33 Responses to “UsEd To Be My PLaYgRoUnD”

  1. misty Says:

    syempre mas masarap ang laro noon kesa ngayon. pagod nga tayo pero malusog naman katawan natin. nakakamiz nga…gus2 ko ng bumalik sa pagkabata. lol!

    tara laro tayo ng patintero at chinese garter!

    ikaw muna ang taya…

  2. mmy-lei Says:

    may kulang ka naman eh! yung kalog-tansan, moro-moro at jolens! nyahahaha!

    napaparami na yan, aba dapat lang ng sa pag-uwi mo may exhibit ka na!

    may good news!!!

  3. Pipay Says:

    Sali ako jan. Noon ang laro ko ay puro panlalaki rin. Marami pa..lupa-impyerno (lam nyo ba yun?), text, tanching, saga-sagalahan..ay ang saya!

    Lagi akong burot non sa mataya-taya kasi nga hikain ako noon.
    Masaya kami ng mga kuya ko, gumagawa kme ng sariling laruan, latang truck, lutu-lutuan.

    Nakakamiss…taya!

  4. didi Says:

    1st time ko dito..hehehe..kakamiss yung mga larong yan..patintero,tagu taguan saka mga piko gnaun..grabe..

  5. ghee Says:

    uuy,magaling ako sa mga larong yun,hindi ako nababalagoong hehe..

    Baldo,may napansin ko,mukhang inspired ka yata at panay ang pakitang gilas mo? uuyyy,hahahaha! wala lang…hinihintay ko kasi yung “lubid”,at wala pa sa king mga kamay hehe

    at talagang madonna ang music mo rito ha? :)

  6. ethel Says:

    naks naman may kamay ka talaga hehhe ganda ng resulta, pede turuan mo ko? tuturuan din kita pano gumawa ng pixels hahaha gusto ko yang lobo kulay fink sya!

    Uy, alam ko ang mga larong yan, pati na rin yong baril barilan - kaya nga hanggang ngayon takot yang si mommylei sa bazooka ko!

    Teka kyuryos lang ire, baket Baldo? anong alamat na naman yan :)

    Yala habibi ana ro!

  7. inaanak mo Says:

    *kanta mode* ako ay may lobo.. lumipad sa langit… teka, lobo yan diba? :)

    kakamiss talaga ninong ung mga laro dati.. pinagpapawisan talaga… siguro kaya ang papayat ng mga bata.. hehehe.. kaya siguro payat pa ko noon…

    ganda ng painting ninong…

  8. didi Says:

    oy kneeko..hehehe.. anong name mo? weh pasensya na di ko alam eh…friends na tau ha…:p di ako mataray sa work ang bait ko na nga eh…hahaha..kahit asar na asar na ako minsan tinitiis ko sila noh…:P anyway portugal ka? brazil din ako eh..hahaha..ano ba yan paiba iba ako ng team..bastah happy ako na di nakapasok ang england..:P ikaw ba?:P salamat pala sa pag visit sa site ko..:P

  9. didi Says:

    hahah cge cge ask ko si neigbour mamaya..wehehe..:p

    dto sa redditch..whelps..

    oo papalit palit ako ng team ikaw ba?? taga san ka kuya??:P hehehe kinuya na kita…kahit di ko alam age mo..hahaha..:p

    both nalang..link kita teka..:p

  10. ethel Says:

    Hahahha.. andito pala si neighbor, pukpukin mo kaya ng chicken wings ‘tong si baldo.

  11. ethel Says:

    HAhahhaha.. bumalik ako kase ngayon ko lang nabasa yong alamat ni Baldo , uy di ako tumawa ha labas ngala ngala ko pero alang sound!

  12. didi Says:

    oo nga neighbour dito din ako..hahaha..grabe naman pala toh daming names…hahaha.. baldo nalang din tawag ko sknya…

    yuhho kuya baldo..wahahha..:P

  13. jlois Says:

    o sya sige mag-chinese garter na lang tayo ayain mo yang mga tsiks na frend natin na kalabanin natin kay lang dapat mag palsa sila :)

  14. jlois Says:

    wrong spelling pa! palda pala he he he. :)

  15. laureen Says:

    nice painting :)

    i remember those games we used to play. syempre mas maganda parin yung mga laro nuon kasi nga nasisikatan ka pa ng araw (or buwan, haha) then may exercise ka pa. ngayon, lagi nalang nakaharap sa tv or computer at nagpapalapad ng pwet. muahaha. ahhh, gusto kong maglaro ng taguan o kaya chinese garter. hehe.

  16. yen Says:

    life is easier back then kya ang mga bata lahat nasa kalye, pwisan at naglalaro (isa na ko dun hehe).. kc ngyn hitech na kya anhg laro ng mga bata computer games kaya naman ang tataba na nla hehe.. kc mga tamad at ayw ng tumayo.. smantalang ako malnourished noon kc laman ng kalye hehe…

  17. micah Says:

    very nice! naalala ko tuloy noong una ako bilhan ng nanay ko ng lobo.. tapos lumipad sa langit. ^_^ ganda kuya! apir nga tau… apir!

  18. Naktubi Says:

    Nag reminisce na nman ang aking Ama… miss mo na tlga nung bata kapa at walang alam sa mundo kundi ang laro hindi ba? Signus daw yan e! sign na kelangan mo ng bata… mag asawa kana Ama para me laruin ka ng iba…. hehe!!!

    Masarap mag laro ng shato.. pero lagi nman akong talo… pero sa jackstone magaling ako lalo na sa Pick-up-sticks.. heheh

  19. kathy Says:

    lol! @jlois..hehe gusto nakapalda pa kalaban mo ha ;) me…i love sungka ..pang indoors ako eh medyo lampa ^_^ , lagi akong may sugat sa tuhod kase lagi akong nadadapa haha…exempted nga ako sa P.E. kase inuubos ko lang daw yung band-aid sa clinic :P

    …u love green kneeks don’t u? hmm…eh laging may color green painting mo eh ^_^ anyway, walang buhay pag walang green in all aspect of life..agree?? hehe..u dun have to answer, i know ^_^
    …nice painting, keep it up!

    cheers,
    -kathy-

  20. Lir Says:

    nice work..banik!! hay ang bitsoy pa…kag ang ik-ik, ay sus!! regards!!

  21. didi Says:

    oo naman noh kuya..sobrang ayos..sinabi lahat ng names mo..grabe ang dami ha…:P kumusta kuya baldo??:)

  22. Jolina Magdayao Says:

    ninong.. di ako makapagpost sa shoutbox mo.. nong nangyari sa post mo?

  23. din-din Says:

    pangit mga laro ngayon.. barkada ng pamangkin ko mag-10 yrs. old pa lang nakasalamin na agad kaka-video games… bukod dun masyado pa magastos mga laro nila… sus! samantalang kami nuon libre ang mag-laro o kaya piso-piso lang ang mga jolen, lastik, teks o kaya yung bola pang sipa bola! hahaha..

  24. jane Says:

    napakanta tuloy ako dahil sa post mo, he he

    chinese garter lang ang nilaro ko, sa loob pa ng bahay…bawal akong maglaro sa labas eh :(

  25. didi Says:

    kuya baldo mustana??:)) baka naglalaro kayo ng shatong jan ha..hehehe..kaya busy ka..:P

  26. ethel Says:

    Baldo punta ka sa bahay at basahin mo yong latest post ko ha! Tandaan mo yong mga ibinilin ko sayo.
    happy weekend sa inyo jan habibi

  27. ev Says:

    ah ic..nagrecollection ka pala…muzta naman ang pamumuni-muni natin dong?hehehe…mas masarap laruin ang noon…ewan ko ba..iba talaga ang tatak classic…

  28. ev Says:

    i mean…kahit pinagpapawisan sa init ng araw, kasama exercise na yun..ngayon, ang mga kids parang mga robot sa harap ng computer..lalong nagiging tamad kasi sanay na nakaupo lang..mmmm..tama bang mag-xplain akoh?hehehe..la lang..medyo nacarried-away looking back..ang saya maglaro ng chinese garter tapos pagtalon kita panty!hehehe…tawanan naman mga batang lalaki!;)..syempre mga walang muwang!hehe

  29. kneeko Says:
      @misty, me tama ka.. pede naman balikan wag mo lang ipakita sa mga bata hehehe..

      tara na.. pano sa chinese garter kelangan pa ng isa..

      @mmy-lei, honga marami pa pala hahaha.. jolens yan ok yan..

      napaparami na ba? baka nag-exhibit ako mga kamag-anak ko lang manood hahaha

      @pipay, sige at ng makarami.. kaya pala per eh puro panlalaki laro mo hehe.. alam ko yan langit-lupa-impyerno m m m pyerno.. ako at un ah hehe

      dami tlga magagawa ng bata pa ano! sariling diskarte din…

      pag kaw ang taya di ka na makakabawi hikain :)

      @didi, elo… di ka naman ba nasaktan? 1st time kamo, i mean sa paglalaro hehehe… baka magsgasan tuhod mo sa patintero :)

      @ghee, woow tlga magaling ka hehe… eh bat noon kalaro kita di ka nga makatakbo hahahaha

      inspired ba? kasi po andyan kayo na tumatangkilik sa kakayahan ko… :) hmmm anong lubid? wala akong alam dyan huh hehehe

      ayos ba music? hehe

      @ethel, may kamay ka rin naman ah hehe… ganito lang yan.. tapos ganito.. hawakan mo ng maayos tapos ganyan .. ano kuha mo? hehehe.. hiram ko nga sau agn kulay fink na lobo :)

      baril-barilan pala gusto mo hehe… ambigat naman ng bazooka mo..

      nasagot ko na ang alamat na yan. :)

      @inaanak, hahaha.. sige kanta pa.

      oo naman kakamis tlga… di ka ba payat ngayon? hmmm

      @didi, alam mo na names ko eh :) ok friends… cool ka alng pagdating sa work.. paiba-iba ka nga ng team.. salamat din sa pagbisita. :)

      @didi, ulit? okies… di ko lam lugar na yan ah hehe.. ok lang kuya tawag mo sa akin.. san? sa pinas ba? ok linky-x done. :)

      @ethel, ethel ulit din? sasaluhin ko ng bibig pag pinukpok ako ng chicken wings :) fav part ko pa naman.

      @ethel, at bumalik pa..hmmmm sigurado ka huh!

      @didi, kayo lang ata ang andito ni neybor mo ah. okies…

      @jlois, hahahaha ayos dre papalsahin este papaldahin natin sila pag chinese garter hehehe.

      @laureen, thanks.. honga lalo na pag may buwan hehe.. ganun pala pag nagpapalapad ng pwet hehe.. chinese garter ba? kaya lang dapat nakapalda sabi ni jlois daw hehehe :)

      @yen, taongkal ka rin pala… hahaha patinging nga ng pic mo ng mga 9yo ka pa lang hehe..

      @micah, hahaha dapt kinanta mo na lang… apir? ooops bukas na lng sis para makarami hehe :)

      @naktubi, oo naman nakakamis.. malapit na mag-asawa.. bka nga pag-uwi ko na eh hehehe

      sa jakstone mahina ako dyn…

      @kathy, ayos nga suggestion ni jlois eh hahaha… sungka.. hukay lang kami sa lupa ayos na.. lampa ka pala eh… lamapa si kathy lampa si kathy… iyak ka na hehe

      yup green is nature… malamig sa mata… yup agree hehe… when u love green, u do love nature also… nature will love u bak as well..

      thanks..

      @lir, thanks… shatu-bitsoy ngani… ik-ik pa gali hehe..

      @didi, hahahah atin atin lang un huh baka mabasa nila :)

      @jolins, ok na shoutbox… may problema lang ng isang araw…

      @din-din, rayt… wheew sira na mga mata, bata pa nga. dami mo rin pala alam na mga laro noon huh hehe

      @jane, anong kanta mo naman? hmmm hehe

      ang hirap ata noon aah.. siguro tinatali mo lang ang dulo ng garter ano.. wawa ka naman ng bata pa :( pero ngayon pede na ba maglaro sa labas? :)

      @didi, ayos lang… hanap na nga ako ng kahoy eh hehe..

      @ethel, ano na naman un? hmmmm kinakabahan ako ah.. hapi weekend din..

      @ev, ayos lang day… tama ka dyan classic ang tawag… tapos veteran moves mga galaw natin :)

      @ev, ulit, yup pagpapawisan ka talga.. iba na tlga ngayon… sabi nga ni jlois laro daw ngayon dapat nakapalda pag chinese garter eh hehe… kami kaya magpalda rin hahaha

  30. KD Says:

    fink na baloon bakit di blue o red….aminin bwahahahhaha. malapit nang ipost ni wisheart yung obra ni josh makikita mo yung resemblance sa obra mo weeehehehehe

  31. din-din Says:

    oo naman.. batang kalye din eh.. hahaha!

    p.s.
    lobo pala talaga yun? kala ko nung una ko nakita moon na kulay pink.. hehehe. :p

  32. didi Says:

    kuya baldo dito ulit ako mangugungulit..hahaha..si neighbor nasa holiday ngaun..ano kumusta na yung misyon mo??:P

  33. kneeko Says:

    @kd, kasi ano eh ah eh ehem shift na ako sa kulay fink as my fav hehe… na-explain ko na rin po un kung bat ko ginamit ang kulay na yun… hhehe

    dali ipapost mo na gawa ni josh…

    @din-din, ganun ba… madungis ka rin dati hahaha…

    @didi, elo didi… wag masyado kulit huh hehe.. beahave ka lang dyan. honga nasa holiday, tapos kaw bantay sa bahay niya.. may iniwan pang assignment sa akin waaahhh… antayin mo lang ipost ko un pinapagawa niya… :)
    yup lobo un kaya lang di makita ang tali niya pag di mo sinipat ng mabuti. :)

Leave a Reply