uNfAiRnEsS aCt

    Lunch time sa cafeteria kanina habang inaabot ko ang meal ticket sa supervisor, nagulat ako sa reaksyon ng isang kasamahan kong pinoy na nakapila rin sa unahan, mga apat tao ang pagitan. Ibinalik niya ang pagkain niya sa server (isang Bangladeshi) .

    Pagkatapos kong kumuha ng pagkain umupo na rin ako sa kinauupuan ng tropa kong mga pinoy.

    Tapos, tinanong namin ang kasamahan namin kung ba’t ganun ang reaksyon niya habang nakapila. Ang nangyari pala, nakisuyo siyang dagdagan lang ng kunti ang ulam na binigay sa kanya kaso sabi ng Bengla, light meal ticket lang daw kaya hindi pwede tapos malakas pa ang pagkasabi kaya parang napahiya siya sa mga nakapila.

    Pero sa totoo lang, nahahalata din namin na basta Saudis, ibang Indiano, kalahi nila at lalo ng ang mga puti ay nagkakandarapa pa silang magbigay kung ano ang gusto at tatanungin pa kung me kulang eh pareho-pareho lang naman ang meal ticket na binibigay namin. Pwera na lang sa mga nagbibigay ng full meal ticket. Ok, lang sana na sitahin kung kami lang ang nag-rerequest ng ganun pero nakikita namin na hindi nila sinusunod ang patakaran nila.

    Pagkatapos kumain pinuntahan ng kasamahan ko ang supervisor nila at kinausap tungkol doon sa nangyari. Humingi pa siya ng despensa sa reaksyon niya.

    Kahit saan talaga hindi nawawala ang diskriminasyon, walang pinipiling sitwasyon, oras at lugar.

    Mabuti na lang at hindi ako ang napatapat sa Bengla na ‘yun baka nabalahibuan ko siya, pati balahibo sa butas ng taenga niya bubunutin ko at lagyan ng alcohol.

17 Responses to “uNfAiRnEsS aCt”

  1. Pipay Says:

    Naku! I smell blood! O sige nga kuya, hawakan mo nga sa tenga oh!

    Ahahah! Bengla lang yan, sipain ko yan eh. Yung dati kong amo yan ang lahi, nakuu! yung mga lahing yan eh sarap sipain. Lakas tama!

    War freak ako today kaya wag syang hahara-hara. Sisipain ko talaga sya!

    Sige pag di nyo kaya tawagin nyo ko! Reresbak tayo!

  2. mmy-lei Says:

    tapang ni ayie!!!

    ouchh, sakit ng gagawin mo! ganyan naman talaga, takutan lang yan!! unahan ba! dapat inunahan agad ng kasamahan mo!

    cge na init ng mga ulo dito!

  3. ethel Says:

    hahaha.. tafang mo pala palaban pa ng alcohol.
    Kakainis ang Bengla na yon, josmio sabihin mo sa kanya amoy nya pwet mo. Grabe ha, pinoy ang diniskriminit nya, sana kalahe nya mabango naman sila eh, Bumaba tuloy ang dugo ko dito.
    Baklayan ko nga yang bangle na yan at tutuliin ko. hhmfft! makauwi na nga nagyeyelo na ‘tong dugo ko.

    masalam habibi

  4. ethel Says:

    ay teka habibi, tutuliin ko ang bangle na yon tas kaw na mag lagay ng alcohol. Galit ako eh,
    na anemik tuloy akow!

  5. ann Says:

    Ang iinit ng ulo ng mga tao rito. Mga war freak. Babalik na lang ako mamya.

  6. kathy Says:

    …relax mas pogi ka dun ^_~ kaya lang mas may buhok siya sayo haha… ^_^
    …uyy wag galit JR ha..muaah! :P di ba good boy ka na…good girl na rin ako ;) behave tayo ok?? PEACE!!!
    …wala gimik nung friday? nyeee.. low batt ka kase no? binawi mo sa tulog? ;)

    P.S.
    ..di ka na concert? miz ko na eh..parinig ulit kahit masakit sa tenga ;)hehe…

    -kathy-

  7. titser Says:

    tama si momy lei takutan lng yan at unahan…
    sa sunod na mgreklamo ka sabayan mo ng takbo nyahaha…

  8. lianne Says:

    nakakabulol naman ung babalahibuan na un! tama ba? haha!

  9. kneeko Says:

    @pipay, amoy mo ba? Kagatin ko tenga niya eh hehe.

    sinipa mo ba ang amo mo before? Antindi mo ah wheew.

    Honga nahalata ko nga na war freak ka… tara manapak tayo. Hehe

    @mmy-lei, tapang nga ayie… kaya nga natameme din eh, nayanig dina ata.

    Cge pagbalik mo malamig na.

    @ethel, hehehe. honga eh buti kung mabango sila eh punas punas lang naman sila.

    Baliktad ata ah, naanemic ka pala pag nagagalit.. baka mauntog ka huh.

    Sige huhubaran ko mamaya, tingnan ko kung tuli o hindi pa.

    Masalam..

    @ ethel ulit, oo na sige tuliin mo kung kaya mo ang amoy. Hehe

    @ann, malamig na ako. Sila pipay at ethel war freak na..

    @Kathy, ayan na naman wag na buhok ang pag-usapan hmmmp.

    Yup good boy na ako… sa bahay lang lagi.

    Wala na concert… pag malungkot lang ginagawa yun. J

    @titser, salamat maam… tatakutin ko na sila lagi… kunwari multo ako hehe.

    @lianne, tounge twister ba hehehe…

  10. bianca Says:

    woah. grabe naman.. ang sama naman nung bangla chuva. tsk tsk.

  11. yen Says:

    o relax ka lang.. wg ka namang war freak hehe.. khit saang bansa may discrimination tlaga, lalu na satin mga asian.. kc tingin nla tyo mga pnakamababang uri sa mundo.. bsta gawin nio lng ng maayos ang trbaho nio at wg magpaapekto s mga taong ganyan.. e anu pa feeling ng mga chekwa diba, e lahat ng lalaki tingin sa kanila prostitute d2 sa middle east.. ung ibang hotels p nga d2 banned cla eh.. yun ang discrimination tlga!!!

  12. ghee Says:

    ayy naku,kahit saang bansa yata,may diskriminasyon..dito rin,masama ang imahe ng mga taga pinas at tsina..

    sabagay,nabawasan na,di na gaya ng dati,pero,minsan may mga taong mababaw ang isip.

    nasa tao nmn yan eh,db?

  13. cruise Says:

    siguro i have learn to live with such discrimation, as in yung passport mo ilalagay pa sa microcrope dahil baka peke ang visa… wawa naman tayong third world. Huhu

  14. kneeko Says:

    @bianca, insecure lang siguro yun dahil mababango kami at matatalino pa hehehe

    @yen, opo relax lang naman ako… darating din siguro ang panahon na magiging pantay-pantay ang pagtingin.. pero kelan pa un?

    wawa naman pala mga intsik ah… andami na rin kasi nila eh. i mean, ang population..

    @ghee, yup tama ka dyan.. nasa tao rin naman hindi sa hayup hehehe

    @cruise, antindi rin ng dinaanan mo ah… babawi rin tayo..

  15. eden Says:

    hello kneeko,
    sarap naman ng boy bawang na yan sinamahan pa ni goldi hmmmmmm talaga naman :D

    i enjoyed visiting !

  16. eden Says:

    oooooops sorry naman ,the comment up is suppoed to be for boy and goldi :)

  17. ev Says:

    tama ka dyan! sa pilipinas nga ang daming uri ng diskreminasyon..sa ibang bansa pa kaya?..kahit saan ata present yan..kahit sa jungle din siguro!:)

Leave a Reply