ThRoBbInG dAy

    First game ng klasmeyts ng nakaraang huwebes, dahil sa nagkasabay ang schedule ng laro sa Port at Da?awah, walo lang kaming nakalaro plus coach master. Ang lima naming kasamahan ay piniling maglaro sa port dahil knock-out game at kulang din sila.

    Kalagitnaan ng 1st quarter bumalik ang sakit ng nasprained kong left ankle kaya hindi na ko nakapaglaro ng tuluyan. Lumaban ang mga kakampi ko kahit kulang, ngunit bandang huli hingal kabayo na kaya natalo rin.

    Bukas me laro ulit kami ngunit ipapahinga ko muna ng dalawang linggo ang ankle ko para makapaglaro pa sa huling laban sa May 23 para sa pagtatapos ng elimination round.

    Parang naulit lang ang nangyari ng nakalipas na dalawang linggo, paika-ika na namang naglalakad habang nag-iikot sa opisina. Sana ay gumaling na ng maayos ang paa ko para tuwid na lakad ko.

14 Responses to “ThRoBbInG dAy”

  1. tsokoleyt Says:

    oist, ingatan mo yan baka lalong lumala.
    wag ka na nga munang maglaro :(

  2. tsokoleyt Says:

    alam naman namin na magaling ka sa bola, heheh!
    sch?nes wochenende ~ sa akin pala! TC :)

  3. ethel Says:

    Araaay! masakit ba? maawa ka naman sa ankle mo ipahinga mo muna yan, nabinat tuloy.
    Ayan, parang bagong tuli ka ngayong naglalakad tsk tsk…
    Happy weekend samin habibi :) mwaaahhh, may laway pa yan! hahaha

  4. coach jackstone Says:

    dapat kang i-commend for your heroic stand!!!

  5. ann Says:

    wawa naman kneeko, tama si choco pagaling ka muna.Next year ka na lang sumali ulit.

    Teka lang pala, nanalo na ba kayo kahit minsan?

  6. TK Says:

    Naku AMA, alam nman talga naming magaling ka sa bola, pwera lang ang iyong paa na kulang pa tlga sa pahinga… hayan kaw maga ankle mo ako nman panga ko. kaya mabuti e magpahinga muna tayo.

    So Championship nyo na pala sa MAY 3? ano un next year? o baka nman June 3? wag kang ganyan Ama, malapit na nga bakasyon ko tapos pinalalayo nyo pa..

    Anyways payo ng iyong anak, e magpahinga ka. wag mong idilat ang mata mo hangga’t hindi pa umaga. at pag nakahiga kana i-elevate mo ang na sprain mong paa para madaling gumaling.

    GET well SOON!!

  7. pintor Says:

    @tsoko, honga eh rest ko muna tlaga…

    kagagaling ko nga lang sa clinic humingi ako ng “reparil-gel” anti-swelling, anti-inflammatory… gawa pa to dyan sa bansa nyo ah.

    madali lang naman hawakan ang bola bola eh.. hehe

    @ethel, honga eh nabinat… wag lang ang ano ko ang mabinat hehe.

    lagkit naman ng laway mo habibi.. eiiiww

    @coach jackstone, ginawa ko lang po ang makakaya ko…

    habang nagpapagaling, jackstone muna lalaruin ko hehe

    @ann, tama kayong lahat… pag gumaling sa loob ng dalawang linggo try ko ulit maglaro…

    unang talo namin noong huwebes… buaks mananalo na kami andyan naman si coach jackstone…

    @tk, nabunot na ba ang panga mo? este ang wisdom mo? ayan nabawasan na wisdom mo hehe..

    May 23, 2006 pala last day namin sa elimination round.

    susunduin ko ang payo mo tutubi… maraming salamat.

  8. TK Says:

    Ur Welcome Ama, naku May 23?
    sama ko na ang aking asawa nun! bwheheh!! Kung Elimination round ang sayo, ang akin e play off game muna…. susunod ang first round at tuloy tuloy na..

    miss na miss kana cguro ni INA no? kelan moba sya babalikan? baka tumubo na ugat nun sa paa.

    Isang payo nalang, magpaka loyal ka sa kanya. dahil kahit malayo ka, ramdam nya kung nagloloko ka…kaya babantayan kita… ooppsss dont forget elevate ur foot!!

  9. yen Says:

    wg ka masyadong magmadali mag laro uli.. kelangn m ng complete healing pra sa ankle mo, wg m pilitin kng d m pa kaya.. makakapag antay p naman yang basketball noh!!!

    enjoy ur weekend :)

  10. kisses Says:

    mas masarap nga kumain ng bola-bola, hehehe!
    o fishball na lang kaya :P

  11. pintor Says:

    @tk, hahahaha… naglalaro ka rin pala ng basketball hehe..

    hindi ko nga alam kung tatanggapin pa ako ng INA eh kasi nagalit sa kakulitan ko. loyal naman ako ah. loyal tru oreyns… :)

    @yen, opo masusunod… di muna ako maglalaro.. wag nyo naman akong sigawan ate… huhuhuhuhu

    @kisses, ayan na naman ang mga bola bola hehehe.. patay tayo dyan..

  12. ghee Says:

    aw…pagaling ka na para maging MVP :)

  13. kisses Says:

    pinta ka na lang muna! :)

  14. pintor Says:

    @ghee, opo masusunod..

    @kisses, wala pa gamit eh… next month simula magpinta.

Leave a Reply