ThIrD pLaCe? 5Th AnIv…

    Mamayang gabi ang huling laro namin sa volleyball para sa third place. Sana manalo kami… Pagkatapos nito ay next year na ulit ang paliga ng kompanya pero meron pang kasunod na indoor games sa darating na disyembre katulad ng billiards, bowling, table tennis, etc. Hindi ko pa alam kung sasali pa ako dahil sa busy ako lagi.
    *********
    Ang larawan na eto ay kuha ng isang linggo, sa aming bahay na pinagpapraktisan ng kanta. Umabot na sa limang(5) taon ang choir na sinalihan ko. Para maging masaya ay hinati sa apat ang grupo, bawat grupo ay may presentation.. mapadrama, comedy at sayaw. Hindi ko na ipapakita ang ibang pictures mahirap na hehehe:)

    *********
    Hindi kami nakasalang kahapon sa Filipino Fun Day. Nag-back out ang grupo at iba pang mga artists. Ang dahilan ay hindi ko rin pwedeng sabihin, mahirap na. Basta ang pagkakaalam namin ay hinanap daw kami ng mga taong gusto kaming makita sa entablado.

    Sa December 8 na kami muling mapapanood, sa Filipino Community Day together with Bayani Agbayani… See you there!!!

17 Responses to “ThIrD pLaCe? 5Th AnIv…”

  1. KD Says:

    ano yang iniinom nyo ha sadeke yan ano..penge naman bwahahaha. alam ko na kung bakit nagback out kasi kasi..

    email nyo ako sasabihin ko bwahahahahaha

  2. sasha Says:

    Goodluck sa laban! San ka namang grupo dyan ha, pakner? Sa comedy ano? heheh

  3. Lir Says:

    nay gatagay ka man gali..hehehehehe!! kag tinago pa ang bubon ah..ara ka na iton sa suyod ng bayay..igwa gihapon tabon ang imo bubon!! indi ka na iton matun-ugan..heheheh!! nay kilaya ko ina ang isa nga nakapula nga tawo oho..si senen iton!! regards nalang abi sa iya!! goodluck sa kanam nindo…!! pakaajoha gid!

  4. ann Says:

    Ibang kulay nga yang iniinom nyo ha, pag may naligaw na pulis sa blog mo..hala ka! Ituturo kita..hahaha!

  5. mics Says:

    wiw! gud luck!

    kaso, tumatagay ka na dyan, kuya.. bwahaha… :P

  6. mousey Says:

    uy pakner! pa picture ka ha kasama si bayani.

  7. malaya Says:

    ano yan, 7-Up na may chaser? hehehe.
    patagay naman.

  8. gracita Says:

    puro boys? walang girls kayong kasama? or bawal parin?

    sponsored ba ng TFC kaya kasama si bayani? naku favorite ni harvs yun…gano ba kalayo ang bahrain papunta jan? san nga ba yun? mas malayo pa kila mommy ann diba? :)

  9. kathy Says:

    ahem.. medyo astig dating mo sa pic. hehe :) compliment yun ha… so what happened? bakit di kayo naisalang?

    …was down of damnnn cold :( grrrr!!
    im outta here….

    ingatz ka po!

  10. wendy Says:

    Good luck sa game… cheers!

  11. wendy Says:

    ‘Di ako magamit ang shoutbox mo… bakit kaya?
    Anyway… good luck pa rin sa mga team ninyo, sa mga makakapaglaro sa thursday! Tiyak… panalo nila, panalo mo na rin… NAKS!
    O siya… shutdown na ako ng PC, attend pa ako ng mass bago umuwi… God speed Kneeko!

  12. yen Says:

    puro 7up nman pla ang toma jan, wala bang alak! haha. aba aba may concert pla jan. d2 nung thurs concert nla ai-ai, sheryn regis, at eric santos, pero d ako nanood. kwento lang sakin na ang gulo para nga daw nasa perya haha. at kung sino pa yung nakabili ng VIP tickets sila pa yung nakatayo. grabeee hndi daw tlaga organized ang concert n yun. sna hndi naman ganyan jan pg may concert.

  13. TIKEY Says:

    See u Der? hehe panu kaya un!! ang layo nyan, asawa konga diko mapuntahan dahil ala akong passport ama,, huhu 6-7 weeks kopa makukuha.. ang bagal no? huhuhu!!
    infairness, ang ganda nung mga ilaw nyo jan, lights effect ang sossy…. magaya nga!

  14. nona Says:

    Goodluck ama…!
    hmmm, naintriga ako dun sa mga hindi pwedeng sabihin….chismosa ^_^

  15. ghee Says:

    ang dami nyo naman activities jan:volleyball,basketball at may choir pa?

    bat ayaw mong ipakita yung ibang pics?rated x ba? hehe..

  16. balikbayan-balikpang-aasar Says:

    feeling fogi ang mäuschen ah (mas sana kung ALANG SUOT NA CAP)
    epekto ba yan ng ihi ng kamel
    na nasa baso? :P

    di ba nagkasundo sa talent fee kaya …

  17. kneeko Says:
      @kd, 7up nga ang iniinom namin hinaluan lang mga prutas hehehe…

      ano na naman huh hmmmm

      @sasha, naurong an glaban sa thursday, pero di rin ako makpaglaro dahil sa commitment ko sa grupo..

      sa sing & dance ako napasama.. gusto ko sana sa dram hheheh

      @lir, hehehe ano nga bubon naman iton.. nasanay na ako eh hmmmp

      yup si senen yan, ung kaopisana mo na ______ hehehe ok ah sabihin ko..

      @ann, kulay green ang iniinom namin hehehe… cge ituro mo lang ako hehe

      @mics, tubig lang iniinom namin at 7up hehe

      @mousey, okies papicture ako w/ bayani..

      @malaya, tama ka hehehe… cge eto tagay mo… :)

      @gracita, sa grupo walang girls alam mo naman..

      yup isa sa sponsor ang tfc… fav ba ni harvs hehe..

      di ko alam kung gaano kalayo pag galing dyan eh… yup malayo pa..

      @kathy, astig ba ang mukha? puro kalyo eh hehehe… hmmp no comment muna

      andyan si hubby mo pag maginaw..:)

      ingat din

      @wendy, ok na ngayon agn shoutbox me problema lang kahapon..

      yup goodluck sa kanila hehehe oo naman kasama pa rin nila ang diwa ko kahit di ako makapaglaro..

      @yen, alak-alakan alang ang andito hehehe… yup kahit papaano may mga concerts din d2…

      woow ayos dyan ah.. sana nga maayos naman ang organizers d2..

      @tikey, bat wala kang passport hmmm.. tagal pa nga..

      oo naman kahit maliit ang bahay, basta maganda ang interior design marami ng hahanga hehe.. bili ka ng mga home mags..

      @nona, salamat po… hahaha di nga pede sabihin eh.. :)

      @ghee, kelangan maraming activities para malibang at maiwasang mambabae hehe

      ung ibang pix? hmmm wala na sa poise eh hehe

      @balikbayan, hmmmppp balik asar ka nga … grrrr

      di naman kami hinig talent fee basta ang project nila ay makakatulong sa mga kapwa nating pinoys…

Leave a Reply