sOn Of A BeAcH
-
Tuwing hapon o di kaya pag walang pasok sa eskwela ang mga kasing-edad kong kabataan
Kahapon naisipan kong pumunta ng dagat, saktong low tide. Mahigit dalawang daang metro lang ang layo nang aming tirahan kaya saglit lang andoon na ako.
Pagdating ko, may mga pinoy na namimingwit, alam ko nagpapalipas ng oras lang din sila. Nagtanggal ako ng tsinelas habang naglalakad at namumulot ng mga bato at empty shells na nalinis ng alon.
Hindi na masaya dahil wala na ang mga kalaro ko, hindi na maibabalik ang nakaraan. Puro na lamang masasayang alaala ang naiwan sa aking isipan. Kahit mag-isa, nalibang pa rin ako hindi ko namalayang isang oras na pala ang nakalipas kaya umuwi na ako.
Pagdating ko sa bahay, luto na hapunan namin. Nakisuyo lang ako kay master na ipagpatuloy niya muna ang pagluluto at sasaglit lang ako
sa dagat ngunit napatagal ng kunti.
“Treasure and keep the good memories in your hearts, disregard the bad ones and go on with your life.”
Keep smiling guys…. even if you’re alone ![]()
May 31st, 2006 at 6:32 am
nakaya mo yun!!! hirap na hirap akong magluto nagsenti ka lang pala sa tabing dagat.
hay naku! nakakamiss talaga ang mga bagay na ginagawa noong mga bata pa tayo. masaya at walang komplekasyon ang buhay. but life has to change, for the better nga siguro.
nice shots tol.
May 31st, 2006 at 6:37 am
wow beach! sarap sanang maligo pero puyat ako
magpapakasawa na lang ako sa isla ng sirena pag-uwi ko!
May 31st, 2006 at 6:43 am
Ang ganda ng araw ko ngayon! hehehe
May 31st, 2006 at 7:02 am
buti na lang si master nagluto ng hapunan nio dahil pag ikaw nagluto siguradong prito na naman hehehe…….bkt di mo picture nun nakababad paa mo sa dagat di ba yun pinunta mo dya para tanggal alipunga sa paa hihihihi…..
May 31st, 2006 at 7:14 am
saan ka napunta? ibig mong sabihin pag hapon na eh nagiging anak ka rin ng dagat hehehe. alam ko dito sa gitnang silangan maraming syoke pero syokoy meron nga ba heheheh
May 31st, 2006 at 7:19 am
wow. ganda ng view. ibang iba dating mo diyan kuya ah. nice one!
May 31st, 2006 at 8:24 am
naku!kung hindi naman krimen..maitanong lang..lang taon ka na ba?:0)..mukha yatang nagsenti ka ng mga sandaling itoh ah!hehehe…pero memories have to be cherished..di mo yan mabibili sa palengke o sa mall man….yan ang bumubuo sa pagkatao natin..esp. sa happy ones with good friends in our lives…ang ganda ng kuha mo!i salute don romantiko!;)
May 31st, 2006 at 9:23 am
saang beach ito? maganda.
sarap tumambay sa beach para magmunimuni, try mo bang manguha ng starfish para patuyuin?
May 31st, 2006 at 9:27 am
nay kaayo ng mga pictures ah…abtik mo na gid nga litratista ah!! bagan maduduyaan na ning sideline sina mrs. rafol, ms repil kag freida sa imo ah!! hehehhe! kakamiss tuloy ang sibuyan, lalo na ang baybay sa atubangnan ng haws nina neneng! tapos mangotkot pa sa buho ng agugukoy noh????
May 31st, 2006 at 9:37 am
pinsan, ano bang pinagsenti mo sa dagat? andun yata ang sirena, siguro nagtago nung nakita kang malungkot kasi baka gawin mong pulutan… hehe!
ako, ayoko magpunta sa dagat. nalulungkot lang ako lalo…
May 31st, 2006 at 11:19 am
tabing-dagat…
ang saya naman nyan.. ganda ng view.. tamang lugar upang magdrama o kaya naman ay magmuni-muni..
at paguwi mo, parang panibagong ikaw.. parang naiwan ang problema.. aun lang..
hehehe.. lang kwenta no kuya..
pareho tau, may ganyang pic din ako ng pangalan ko! hehehe…
May 31st, 2006 at 12:57 pm
..ganun? tamang senti ka pala jan? cute ng mga pics. in fairness
kailangan mo na ba yung aloe nyahaha
oops i forgot sabi ko nga pala behave na ko arrggghh! ;(
kathy fades………………………………..
May 31st, 2006 at 3:39 pm
Habibi halatang nag eemote ka ah!
sarap ngang alalahanin yong ganun. Ang naalala ko naman ay yong suntukan dahil natalo ako sa larong jolen, vaket masaya akong alalahanin yon? dahil yong sumuntok sakin lalake ika nga kamao vs semi batuta lakas ng kamao nya pero sapol pa rin yong likod nya sa batuta ko hehe.. e di ba sarap ding isipin yon kase parehas kaming nag iyakan at namilipit sa sakit.
Ganda ng pics habibi, may kastilyong buhangain pa hehe..
Yala masalam
May 31st, 2006 at 7:07 pm
san b yan? sa corniche??? hehe.. summer na summer na.. beach na beach na ang mga tao!!! ang init na noh grabeeee wala pang july at aug feeling ko na2man nsa oven ako pg nsa labas oveeeerrr…
May 31st, 2006 at 10:45 pm
Eh ok lang nmang balikan ang nakaraan hindi ba? edi makipag habulan ka dun sa mga namimingwit.. tanggalin ang shorts at brief kung yun ang nakasanayan nung bata ka para mas kwela… pero ang panget ata nung kastilyong buhangin, gawa mo ba un AMA? for sure lagi kang talo sa contest…
Hindi lang nman ikaw ang nakakaranas ng ganyan.. homesickness tawag jan AMA. sana sinama mo si MAster at nagdala ng 2 beer at kune me boy bawang pa, dalhin narin.
MAsarap balikan ang nakaraan, pero wag masyadong pag sentihan nman… heh! bad ang anak mo!! kasi nman napapagaya tuloy ako sayo!! hamo… sana mabigyan na kita ng Apo.. heheh
Cheer Up AMA!!!
June 1st, 2006 at 2:44 am
senti ka rin pala AMAIN…ako nagssenti-sentihan lang
uy AMA balbon ka pala nyahaha
June 1st, 2006 at 5:54 am
@master, hehehe… minsan lang naman yun eh.
Yup tama ka, wala pang iniisip na marami… wala pang obligasyon..
Thanks…
@kisses, beach para sa mga mamimingwit to
san ba ang isla ng sirena?
@neng, bat maganda araw mo? Hmmm
@leizel, puro nga prito ang ulam basta ako luto
baka mabasa ang camera kaya di ko kinuhanan paa ko
@kd, trip ko lang naman… malapit lang kasi dagat eh pero di naman ako ligo. Anak ng pating ako hehehe…. tama ka dyan maraming syoke hahaha
@Bianca, thanks.. ano ba dating ko
@ev, taon ng pagsesenti… yup tama ka dyan… “memories have to be cherished” talaga..
thanks.. kuha lang ng kuha…
@cruise, d2 lang sa mid east ksa… maganda tingnan pero may part na hindi…
yup sarap tlga tumambay sa beach.. wala akong makitang starfish eh..
@lir, mayo ba? Indi ko man agawan ning trabaho sinda.. hehe yup kakamis ang sibuyan, pag-uli ko damu ako buy-an picture didto. Agugukoy tapos paawayon
@misty, wala naman kasin hehehe… di ko gagawing pulutan ang sirena.. mapagkakitaan un sa circus
cguro ayaw mo magpunta sa dagat dahil may nakaraan ka o di kaya dati ka ring sirena hahaha
@karmi, muni-muni lang hehe. panibagong ako? Buti nga pagtingin ko sa salamin ako pa rin… baka kako naging syokoy na ako
ah okies… pareho tau ng trip
@Kathy, empre naman kelangan cute ang pics dahil……
anong aloe na naman yan… gusto mo paluin eh..
yan behave ka na..
@ethel, baka lalaki ka dati hehehe… kasi me batuta jowkkkk… dumadating tlga minsan sa buhay natin ang emote emote…
thanks … yala
@yen, d2 lang yan sa eastern province… honga summer na… pero trip ko lang talaga lakad lakad sa beach..
tama ka.. minsan maalinsangan na talga ang panahon.. na try mo na ba pumasok sa oven? Antindi mo ah
@tk, hahaha… baka nagsitakbuhan ang mga tao roon kung naghubad ako..
saglit ko lang ginawa ung kastilyong buhangin…pauwi na ko… pagabi na eh.
Nagluluto si master kaya di ko sinama… tsaka bawal alak ditto kulungan ang tuloy pag nahuli.
D naman tlga senti… asan na ang apo?
@tekla, ANAKIN.. di naman sagad na senti hehe
uy ANAK hindi ka pala balbon
June 1st, 2006 at 7:23 am
wow!nostalgic ah…sarap talaga ng feeling nung kabataan..ang lahat ay masaya!
ganda nung last phrase mo,disregard the bad ones..tama yun!
enjoy na lang!
June 1st, 2006 at 2:12 pm
son of a beach!!! syokoy ka? kaya pala kampi ka sa sirena at di ka nakikain sa handa ko!..
hehehe
June 2nd, 2006 at 12:17 am
patay na kuko ang nakikita ko bwahahahhaha….
enwei, trip ko ring magsenti sa tabing-dagat, yun bang tipong hahayaan kong rumagasa ang sang drum kong mapait na luha sabay agos ng sipon heheheheheh…
tapos pag di ko na kaya’y aatungal na parang baka…keber ko ba sa nakakakita!
June 2nd, 2006 at 12:32 am
ang gaganda ng mga pictures. youre good
June 2nd, 2006 at 6:59 am
bigyan mopa ako ng 2 weeks Ama bago mo malamam kung me apo ka nanga at kung naka 3 points si piolo! heheh!! bawal ba alak jan? waaaa!! hirap pala no!! hehe
June 3rd, 2006 at 5:10 am
@ghee, hindi naman…
yup iba tlga ng kabataan natin..
ok ba ang phrase hehe thanks
@mmy-lei, syokoy mo dyan hehe. ayaw ko sirena na malalaki… di na masarap… ung mga maliliit lang ang gusto
@clown, paktay tau sau… wheew..
antindi mo, delikado pala pag senti ka sa tabing-dagat… baka magsalpukan ang luha mo at ang alon… tidal wave labas noon hehehe…
@jenn, thanks po…
@tk, sabi mo yan anakkonda huh hehehe…
oo naman bawal alak d2… kulong!
June 3rd, 2006 at 5:41 am
anakkonda kajan.. takot ako dun tutubi ako eh!
June 4th, 2006 at 12:15 pm
@tutubi, anaktubi na lang
June 4th, 2006 at 12:15 pm
@tutubi, anaktubi na lang… tapos apotubi pag nakabuo
June 5th, 2006 at 12:34 am
ah pede nayan ama
June 6th, 2006 at 11:08 pm
Very relaxing