pLeAsE sAvE mE… - mOtHeR NaTuRe

    Kahit saan tayo mapadpad, di pa rin natin makakalimutan ang ating pinagmulan. Dito ako lumaki na sakop nito. Dito na rin ako nag-aral hanggang hayskul. Tapos pagtuntong ng kolehiyo ay sa Kamaynilaan na ako nag-aral.

    Matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa isyu na ‘to ngunit ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko rin ang tulong ninyo.

    Ganito po ‘yun. Marami na tayong nababalitaan na hindi magandang nangyayari pagdating sa pagmimina. Marami nang buhay ang nakitil at maraming nawalan ng tahanan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dadagdagan pa ba natin ulit?

    Bakit ko nasabi ito? Dahil sa ngayon mayroong isang Nickel Mining Company na nais sumira sa kagubatan namin. Na suportado naman ng ibang pulitiko na nagmamaang-maangan na sila’y kasabwat. Tunghayan po dito ang lahat ng detalye at dito naman para sa inyong suporta online. Walang bayad, ang kailangan lang ay ang inyong pirma kung gusto niyo rin na maisalba ang aming bayan.

    Wala man ako doon sa amin ngunit ang puso’t isipan ay nandoon pa rin. Sa mga hindi pa nakabisita sa bayan namin, ang masasabi ko lang ay isa ito sa mga lugar sa atin na may angking likas na yaman.

    Sabayan ninyo ako sa pagsigaw. “No to mining in Sibuyan Island!!!”.

    Ang mga link na ibinigay ko ay nasa sidebar po ng aking tahanan.

    Maraming salamat po! :)

    SAM (Sibuyanons Against Mining) - A worldwide organization of Sibuyanons and concerned citizens with the aim of protecting the ice-age Sibuyan Island from the pre-approved nickel mining activity. Willing to give their lives for the protection of the island where the world’s densest forest flourishes, the Philippine’s cleanest river flows, and the majestic Mt. Guiting-Guiting dwells.

24 Responses to “pLeAsE sAvE mE… - mOtHeR NaTuRe”

  1. karminaanak Says:

    count me in knenong!!! ^_^

  2. nona Says:

    NO TO MINING IN SIBUYAN ISLAND!!!!!

    Full support ako diyan, kneeks!….
    10 signature from me…
    Dapat ibaon na sa hukay ang mga pulitikong gahaman na iyan…:(

  3. sasha Says:

    count me in as well! ;) sign up ako pakner

  4. TK Says:

    Bakit ba kelangan nilang sirain ang ating mga likas na yaman para sa lang sa mga ganyan. Kung gusto nilang mag mina, bkit di si Aramina ang puntahan. joke! Suportahan kita Ama… go go go!!

  5. melai Says:

    pre ayus na!!! :)

  6. tekla Says:

    ako din sama dyan…

  7. rHo Says:

    suportahan taka kuya!!!

  8. yen Says:

    sisigaw na ko hanggang makita ang ngala ngala ko hahahaa….

    “No to mining in Sibuyan Island!!!”
    “No to mining in Sibuyan Island!!!”
    “No to mining in Sibuyan Island!!!”
    “No to mining in Sibuyan Island!!!”
    “No to mining in Sibuyan Island!!!”

  9. iskoo Says:

    nakikiisa po ako sa panawalan ninyo, stop spoling the environment..

    “No to mining in Sibuyan Island!!!”

  10. cruise Says:

    di talaga matuto ata ang mga noypi hanggang di nahahagupit ng kalikasa, kita mo ngayon lang dahil may milenyo may komunidad na nilamon ng malagas na baha dahil sa treasure hunting activity sa lugar na yun…tsk tsk

  11. ann Says:

    May nakita ako sa TFC dati, nagkaroon ng landslide dahil sa mining sa katabing bundok, daming natabunan na bahay.

  12. mmy-lei Says:

    sa may mt. G2 yan! wala na ba talagang magawa ang pamahalaan at maninira na naman ulit!

    count me in pre!

  13. kathy Says:

    amen ako jan… pagpatuloy mo yan!! ^_^ enjoy wik-end too… silent-mode lang ako ;( sakit na naman ulo ko, badtrip grrr!!

    ingatz po!

  14. camille Says:

    ay. naku naman. tsk tsk.

    sususportahan kita kuya! :)

  15. kneeko Says:

    Sa lahat… maraming salamat sa inyong mga pirma… Sa gustong sumama sa aking magbakasyon sa amin next year… magbaon kayo ng kahit daing lang…… daing pera hehehe :)

    As of now,Malacanang Issued a Memo to Stop Sibuyan Mining… update ->> http://clearblogs.com/SAM

  16. gari Says:

    No To Mining In Sibuyan,
    Shoo the Nickel Away!

  17. jamie Says:

    I agree…. (:

  18. ice Says:

    musta… hey ganda naman ng drawing mo.. hehehe gawan mo naman ako ng taz dude.. hehehe

  19. Kimberley Says:

    Love this at first I thought it was a chain around the ankle..

  20. Vince Vicentuan Says:

    Let us not be fooled by these contrived promises of money and better life. A LOT OF BULL! They think we don’t know any better? The Sibuyanons had been better off and has continued to better themselves even before this mining came to fore. We want none of these as we have the best of both worlds: good people and intact environment teeming with exotic fauna and flora, not to mention the countless crystal-clear waterfalls and rivers that run through our sweet homeland. What will money bring you when heavy metals pollute our water systems and floods threatening our families come rainy season? Let us all unite in driving away this two-faced evil before it’s too late. God bless us all.

  21. Brian Says:

    I was a peace corps volunteer on Sibuyan for almost 3 years in the late 90’s. I was horrified to hear of the potential mining activities. Absolutely horrified!! Can someone please e-mail me with the status of this mine.
    Thanks You!
    Brian

  22. Helen R. Rico Says:

    It gives me gooseflesh just thinking of what might happen to our beautiful island. I am from Magdiwang and we live by the river facing the mountain. I never get tired of looking at it anytime of the day. With illegal logging, a little rain would make the river murky. After it was declared a natural park, it changed. And now this? We will never allow nickel mining in our town.

  23. jazzy Says:

    me too, taga sibuyan but im here in manila working.im very worried sa mga kababayans natin na nandun.sibuyan is a very small island para abusuhin ng mga taong gahaman sa pera, mga pulitikong sakim sa kapangyarihan at mga ganid sa pera.mga walang kwenta naman ang naluklok sa pwesto walang magawa para ipagtanggol ang kalikasan maging ang mga taga san fernando, anyway ang karma nasa tabi lang..

  24. Reymos Says:

    Maraming salamat at may mga tao pa rin naniniwala na maari nating bantayang ang yaman ng ating bayan. Isulong ang SAM.

    http://www.reymos.wordpress.com

Leave a Reply