PaTiEnCe…
Last night, pagkatapos kong makikain ng hapunan sa bahay ng tropa. Nag-ikot ikot muna sa bayan (Jubail) pampatay ng oras. Tapos naalaala ko na wala pala akong laundry basket, puno na kasi ang plastic bag kong tambakan ng labahan.
Pumunta ako sa mga tindahan na ang presyo ay hindi tataas ng 10 Saudi Riyals syempre nagtitipid. Unang tindahan na napasukan, wala sila ng hinahanap ko. Sa pangalawang tindahan me nakita na ako tatlong klase pa. Syempre pinili ko pinakamura. Tinawag ko ang attendant ibang lahi na nakikipaghuntahan sa katrabaho nya. Tinanong ko sa kanya kung me kulay pa na iba. Ang sagot sa akin (English na pabaluktot), “Tingnan mo na lang kung anong kulay nandyan.” Tanong ako ulit (pabaluktot na english din) kung me size pa na iba, sagot naman niya, “Kung ano ang nandyan yan na yun, ‘wag ka na maghanap”.
Grrrrr? sa isip-isip ko matutuyuan ako ng utak sa isang ‘to ah. Kaya iniwanan ko na lang siya dala-dala ‘yung napili kong laundry basket at lumapit sa isa pang attendant Indian. Sinabi ko sa kanya kung ba’t ganun sumagot ang kasama nya. Bago lang daw ‘yun tsaka Bangladeshi di raw alam ang sinasabi. Tapos dinugtungan pa kung marunong daw ako magsalita ng Bangladeshi magkakaintindihan daw kami nung isa. Wheew, anak ng eto na naman kako. Malapit na ko mapikon ah. Binalik ko na lang tanong sa kanya, “Ikaw marunong ba ng Tagalog?”, sabay talikod, bayad sa cashier at mabilis na tumalilis palabas sa tindahan na ‘yun. Nakahinga din ako ng malalim ng nasa labas na ako. Tuluyan ng umuwi sa tirahan ko para makapagpahinga, pati ang nayanig kong utak…
Kayo ba mahaba ang pasensya?
“Patience”is the ability and willingness to wait a long time or to carry out a task that takes a long time, especially one that is by itself not heavy, but boring. It also means not easily getting angry or not showing anger in situations of human communication where the other is unreasonable. It is commonly referred to as a virtue, though it is not one of the traditional theological or cardinal virtues.
March 16th, 2006 at 6:49 pm
minsan dapat patience ka sa pagbili, especially pag itik ang kausap mo. iba ung style ni willie dati, kapag ayaw magpatawad, kunwari lalabas na ng store. hehehehe!
nice start pre marunong ka rin palang magsulat, dami mo ng credentials.
March 16th, 2006 at 11:27 pm
dyan ka pala sa jubail, ksa… hmm… ala lang! heheh
March 16th, 2006 at 11:58 pm
anong utak ang nayanig?
mataray ka rin pala! kawawa naman iyong oras… pati tuloy ang walang kamalay malay na attendant napagbalingan
*master, uso din ba tawaran dyan?