nOsTaLgIa

    [inspic=75,,,0]
    Sleepless Night
    12?x16?
    Watercolor on Paper
    2006

    Isang gabing di makatulog, nakatutok lang ang mga mata sa ceiling at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan ko. Paminsan-minsan ay tumitingin sa bintana at hinahagilap ng tanaw ang mga bituin at buwan na tumatanglaw sa buong kabayanan. Pabaling-baling sa higaan naghahanap ng pwesto kung paano makatulog (patagilid, patuwad, pataob, pabaluktot), ngunit sa kasamaang palad ay… gising na gising ang diwa.

    Homesick ata ako ng panahon na ‘yun ah. Sigurado ako lahat ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay nakakaramdam ng kalungkutan sa pagkakahiwalay natin sa ating mga minamahal sa buhay.

    Ang abstract painting pala na’to ay aktwal na hitsura ng aming kwarto mula sa kinahihigaan ko. Tinanggal ko lang ang ibang bagay na nakakabit sa wall. Ang nakikita ninyo na parang mga katol ay yung mga samu’t saring gumugulo sa aking isipan. Last July ko pa natapos ‘to, di lang naipost agad, mas nauna pa naipost reflections dahil marami ang nag-request :).

    Art month ko ngayon.. kaya enjoy lang kayo sa mga susunod ko pang ipopost :)

19 Responses to “nOsTaLgIa”

  1. sasha Says:

    aha! pers honor ako dito ngaun!

    Galing mo talaga, pakner! uy promise, ambunan mo ako ng isang painting paguwi mo ha? hehe demanding ba?

    Homesick! wawa naman pakner… baka nasobrahan ka lang ng kape dyan ha kaya di ka makatulog ;)

  2. nona Says:

    Great Job!!!:)

    What can I say?..siyempre hat’s off ako sa iyo Mr….ups, muntik na! buti na lang ha ha!*wink*
    galeng mo poh!

    Wish ko sana di ka lagi makatulog para marami ka pang magawang painting..(ang sama ko ano?)jawk lang huh…walang personalan :D

  3. Laarni Says:

    Ayos! :p

  4. kathy Says:

    … oo nga nostalgic dating ah ;) wala bang kasamang white lady jan nyaaaaa kakatakot sinabi ko ;(
    … psssst!! inuman tayo kneeks, sama mo si master tsaka KD…. lambanog nga lang ^_^ hehe…alam ko di mo kaya yun :) sige gin pomelo na lang, dala kana rin boy bawang mo tsaka manggang hilaw haha… para akong taga-kantong manginginom no? lol!! sa totoo lang masakit ulo ko grrrrrrr!! byebye! gudnite…

  5. jute Says:

    Para syang malong (I don’t know if that’s also the same term in Tagalog). :) That’s what I first thought when I saw it. It’s exactly what you said…busy thoughts, pero it also shows na aware ka pa rin sa surroundings mo, kaso you want things simpler…. Wow, analyze na analyze.

    For me, pinakamahirap ang water color sa lahat ng medium. It’s even harder than acrylic IMO. Pero galing mo.

  6. ethel Says:

    galing ni Balod!
    kala ko una katol hehehe

  7. rHo Says:

    ang galing mo talaga!!!

    speechless tuloy ako!

    i-drawing mo nga ako kuya sa susunod… hehehe!

  8. TK Says:

    Nyahahha.. hayaan molang nakasindi ang mga katol nayan, mauubos din sila! hehe! katol ka jan!

  9. cruise Says:

    ang ganda naman pala ng kwarto mo, kung ako titingin sa ceiling mo makakatulog ako sa ganda. parang comportableng tignan. sa amin kasi puro sapot ng gagamba makikita mo, hehe

  10. mmy-lei Says:

    hmmm, dim ang paligid pero ang kisame kumukututitap sa katol! ang ilaw sa labas ng bintana ay nagbabadya ng pag-asa. kung anuman ang nsa paligid mo, tingin ka lang sa taas para sa pag-asa ng buhay, may liwanag sa bawat dilim na panahon.

    ay ewan! ingat ka lang sa katol mo at baka masunugan ka! nyahahaha! alam ko feeling mo! miss na miss mo na si Lzel!

  11. ralphT Says:

    teka, you paint the pics that you post here? sweet. :)

  12. utakGAGO Says:

    ui, nga po pala - kuya! nilink na kita.

    tungkol dito sa paint mo..

    ganda. maswerte ka dahil nagagamit mo yung talent mo sa painting at pagkatha nang mga masterpieces tulad nyan. simple.. abstract ng konti at may meaning.

    :D ayun. kasi ako.. may drawing skills ako pero di ko nagagamit lagi. LOL!!!

    ayun lang po!

  13. karminaanak Says:

    wow.. un lang kneenong…

    wow…

  14. din-din Says:

    wow… kuya.. ang gulo pala ng isip mo.. hehehe.. at may art month pa.. bow down na talaga ko sa’yo kuya! :D

  15. melai Says:

    akala ko naman wall paper yang nasa kisame yun pala mga cobwebs sa utak mo :)

  16. laureen Says:

    this actually reminds me of my bedroom in pinas kasi may mga glow-in-the-dark stars ako nun. hirap talaga minsan pag vivid imagintaion mo noh, daming naiisip kahit dapat nang matulog. hehe.

  17. kneeko Says:
      @sasha, wala premyo kahit pers onor ka hehe..

      ambunan lang? ayaw mo mabahaan.. ue vs ust sa final four uaap… hmm

      baka nga naasobrahan sa kape… :)

      @nona, thanks… kaw rin ah.. :) gumawa ka rin ng marami huh :)

      baka buto’t balat na ako pag di ako natulog hmmmp

      @laarni, ayos din :)

      @kathy, wala nga white lday eh hehehe.. next time pag may nakilala akong white lady ipopost ko d2 ang pix hehehe..

      di na ako umiinom ngayon kaya madali na akong malasing :) nakupo sumpong ka na naman ng migraine huh wheeew iuntog mo na..

      @jute, para ngang malong ah hehe… galing mo rin mag-analayze ah.. :)

      sinabi mo pa.. pinakamahirap ang water color..

      thanks again :)

      ethel, anong balod? hehe sabi ko na nga ba eh :)

      @rho, speechless ba? honga wala naman akong narinig eh.. nabasa lang hehe

      pag nagkitakirs tau ng tropa hehe

      @tk, sabi mo cge hahayaan ko lang hehe

      @cruise, puro ba sapot ng gagamba huh… o baka naman babaeng gagamba na walang saplot hehe

      @mmylei, ayos ang paliwanag mo ah…

      opo nag-iingat naman sa katol :) empre naman miss ko siya :)

      @ralphT, yup… thanks

      @utakgago, link na rin kita.. thanks…

      ilabas mo na rin ang kaalaman mo para masaya hehe

      @karmiinaanak, wowowwowowowww din hehehe

      @din-din, salamat pow… minsan lang to heheh

      @melai, hahaha…. mahirap maglagay ng wallpaper sa kisame hehe

      @laureen, tama ka dyan hehehe

  18. ghee Says:

    happy art monthsarry Kneeko!!

    ganyan ka “abstract” ang isip mo?

    cool ka lang..

  19. gracey Says:

    uiyyy ang cutie..parang katol..hehe..parang ung cartoons na sunshine..hehe..lamo i admire ur creativity..npakaartistic mo..

    pwede magkwento? lamo nung bata ko gus2 ko sna ma2to magdrawing drawing kaso galit sakn mga lapis at papel..pati color2 ko lagpas lage..pasmado ata ako e..

    pro uiyy keep it up..nkakagaan ng loob tignan mga gawa mo..hehe one day sna idrawing mko..

Leave a Reply