nAnG iSiLaNg Si DiEgO

    Isang kwentong kathang isip mula sa tahanan ng isang Dyosa (di pa nag-kukrus ang aming landas kaya di ko pa kilala) umikot-ikot na parang buhawi ang kwento, napadpad sa gitnang silangan kay KD at dahil sa sandstorm napunta ng Luxembourg, ethel. Sa hindi malamang kadahilanan bumalik ulit sa gitnang silangan pero nalihis ng landas at sa akin inihampas ng mainit-init na hangin.

    Mechanics:
    1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya.
    2. Itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
    3. Mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
    4. Sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
    5. Bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

    Whew. Ang hirap ng pinapagawa… lumabas ang mga litid ko sa noo at tumulo ang sipon ko na may kasamang dugo sa pag-iisip. Nagkaroon tuloy ako ng eye bugs dahil sa hindi makatulog ng maayos. Di mabilang na hibla ng buhok ang nakita kung nagkalat sa banyo kaninang umaga habang ako’y naliligo dahil pa rin sa gawaing ito.

    Ok.. ang napili kung magtutuloy ng aking kwento ay si….. maam tekla… na aking anak-anakan… Isang mabagyong araw para sau. :)

    Ang katapusan ay sa ika sampung(10) tag..ano kaya ang magiging wakas?? Katuwaan lang… at sana nga ay matuwa kayo….

    Ang Karugtong… Kabanata 7

    “Di ko talaga matanggap sa aking sarili na sa ilang taon nating pagsasama ganyan ka pala”. Mangiyak-ngiyak na sambit ni Gabriela.
    “Mabuti na lang at inamin mo agad sa akin kung ano ka talaga. Paano na lang kung nagpakasal pala ako sa ‘yo?” dugtong pa nito.
    Si Diego ay nakayuko lamang at hindi umiimik habang nakikinig. Isang huling halik sa pisngi sabay bulong ng “bye” at umalis na si Gabriela… Hindi na babalik kailanman.

    “Eiwwww humalik pa.” bulong ni Diego sa sarili… Nang makita nyang nakasakay na ng taxi si Gabriela, bigla siyang tumalon-talon at sumigaw ng, “Malaya na ako, dalaga na ako…”. Diyata’t isa palang lahi ni Eba si Diego.
    “From now on, Digna is my name”, ang sabi niya sa sarili habang nakaharap sa salamin.

    Tinawagan niya agad ang kanyang matalik na kaibigang si Brando (a.k.a. Brenda) na nakakaalam sa lihim niya.
    “Hoy, bakla rampa tayo mamayang gabi may sasabihin ako sa ‘yong magandang balita”, excited na sambit ni Digna.
    Kinagabihan nga alas-otso ng gabi ay nagkita sila sa may Timog QC. Masaya silang nag-iinuman at nagpapakyut sa mga kalalakihan ngunit wala silang makuhang fafa. Lumipat sila sa Morato at pagkatapos ay sa Malate naman at doon ay nagpakalunod sila sa kasayahan hanggang abutan ng pagsikat nga araw.

    Ngunit isang gabing pauwi si Diego galing sa gimikan, sa isang kantong may kadiliman na malapit sa tulay ng Ilog Pasig, hinarang siya ng tatlong kalalakihan. Sabay tutok ng balisong at bulong ng isang holdaper, “Holdap ito, ibigay mo lahat ng alahas, cellphone at pera mo”.
    “Pede bang puri na lang po”, sagot ni Digna.
    “ Pu+@^& ‘*@ bakla ambisyoso ka akina na yang bag mo”, pagalit na sambit nito.
    Subalit sumigaw si Diego at nagtangkang lumaban. Bigla siyang sinaksak ng pangatlong holdaper dahil sa kabiglaan, napaigik siya at napaupo ng dahan-dahan. Di pa doon natapos ang kalbaryo niya. Binuhat siya ng kalalakihan at itinapon sa may tulay.
    “Splasssssssssssssh”. Tunog ng tubig pagbagsak ng katawan ni Diego… Sabay takbo ng mga holdaper, tangay ang mga nakulimbat sa kaawa-awang si Diego…

    Itutuloy…

    Maam Tekla ayan na ikaw na bahala bwahahaha… Haayyyy nakahinga rin ako… :)

25 Responses to “nAnG iSiLaNg Si DiEgO”

  1. Arielle Says:

    musta na Brenda? sumbong kita kay Diego,
    inilabas mo ang sekreto niya! :P

    kung ako magtutuloy… sigurado magiging
    serena yan, hehehe!

  2. Naktubi Says:

    Kawawa nman Ama si Digna.. wala nman syang ginawang masama kundi magpakatotoo sa sarili… sana lang masagip sya ni Mam Tekla! hehehh

  3. KD Says:

    yeheyy nagladlad na nang palda si diego este digna, hindi nga siguro papatusin ng mga holdaper si diego (kita na naman sa litrato kung bakit no heheh) sana ay walang masamang mangyari kay diego kasi may 3 kabanata pa hehehe.

    ano ba ang favorite song ni diego; This guy’s in love with you pare?

  4. mmy-lei Says:

    bwahahahaha! kya pala nauubos mga make-up ni gabriela dahil sayo DIGNA! nyahahahaha!

    sosi, tunog-ingles pa ang hampas ng tubig… wooosshhhh!!!

  5. karmi Says:

    aus sa kwento ah… nyahahaha.. mga baklush!!!! rampa lang ng rampa.. :)

    ano kayang magiging karugtong? exciting!!!! hehehe

  6. leiZel Says:

    hmmm painter…writer(pedeng pede na)….ganda ng wento…..naging digna si diego hehehehe si niko kaya maging nica…waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa inde ko kayahhhhh…….^^

  7. ann Says:

    hhhmmm..parang may pahiwatig ang kwento..ano sa palagay mo Digna este Kneeko pala.

  8. didi Says:

    hoy kuya..hehehe..oo nga di na kita papaluin ng chicken wings..papakainin ka ni neighbor nun na nasa monaco ngaun…:P anyway grabe naman yang si diego digna pala..pero kawawa cya hinoldap na nga sinaksak pa..=[ kumusta kuya baldo??:P

  9. yen Says:

    anu ba, uso b yang tag n yan ngyn.. buti walang nag tag skn nian kc hndi ako magaling sa mga imbentong kwento hehe… :)

  10. tekla Says:

    waahhhh baket ako amain, super busy ang titser waahhh! nabilang mo ba buhok na nabawas sayo? tyak madodoble ang sa akin waahhhh!

  11. melai Says:

    waaaaaahhhh nasa kabanata 7 na ito sa amin hindi pa umuusad kaines :(

  12. kathy Says:

    ..hehe u mean nagladlad ka dati? ngayon ok ka na? hehe…lol! ;)

  13. cruise Says:

    si diego ang pambansang bading?

  14. lojika Says:

    eheheh..biglang naging si diego ang bida. ibang klaseng diego pala. akala ko sisigaw siya ng darna eh…

    me pinaghugutan rin ba ang sinulat mo?eheheh..

    based from experience? Peace out!!!

  15. ghee Says:

    hayy..hang gulo na ng kwento..di ko mawawaan..sineryoso ko pa mandin..

    yun pala,bakla namn ang prince charming,hanoba yan? hehe

  16. misty Says:

    ang danda ng wento mo baldo.. hanep napanganga ako, supense na masyado… si diego pala ay myembro ng pederasyon. ipakilala mo kay major sigurado magakakasundo sila. nabading kasi yun sa isulong seoph, nyahaha!

  17. kneeko Says:
      @arielle, brando po… kilala mo ba si diego? takot ako ah nginig heheh

      andun kay clown karugtong sirena nga… :)

      @naktubi, ganun tlga buhay hehe… sinagip naman ni clown si mam tekla hehehe

      @kd, di ba papatusin hahaha.. malapit na matapos dre

      naalala ko ang kantang yan hahaha

      @mmy-lei, ganun pala yun hehhe… di ba kaw magututloy ng chapter 9?

      wosssshhhuuuu…

      @karmi, tama ka rampa lang sila hehehe… abangan natin ang mga kahindik-hindik na karugtong.. :)

      @ann, hmmmm ano kamo? grrr

      @didi, hay salamt at di mo na ako papaluin… cge enjoy lang muna si neybor mo..

      ayos lang ako miss wings… hehhe

      @yen, aba gusto atang ma-tag ah hehe tatagain kita dyan huh hb :)

      @tekla, ayos naman pala eh sinagip ka ni clown… hehe…

      bilang na bilang nga ang buhok eh… 6 na klaseng buhok ung nakita hehehe…

      alin ang madodoble? ang mga buhok :)

      @melai, bat naman di pa umuusad ang sa inyo? ipush mo.. :)

      @kathy, hmmmm ggrrrr ok na ok na nga kaladlarin kita diya eh :)

      @cruise, tumpak dre.. :)

      @lojika, hahahaha… hmmmm ginawan ko lang kwento tinatawag naming diego hehe

      xperience? kunti lang hahaha

      @ghee, magulo na ba ang kwento? hahahhah kasi po ipinasa sa mga taong magugulo katulad namin ni kd hehehe

      di pa natin alam kung sino prince charming :)

      @misty, pede na ba magkwento nang ala kwenta? salamat huh hehehe… lagot ka kay major, military un hehehe

  18. ev Says:

    hahahahaha!kainisssss!nagdrama pa naman ako sa kabanata ko yun pala isang pekeng” diego” lang pala sya!wahhhh…di ko na kaya ang kahahantungan ng nobelang toH!!!kakabaliw kau..sumakit ulo ko!;0)

  19. didi Says:

    haha miss wings eh noh..ikaw talaga kuya baldo…kumusta ang buhay?taga san ka ulit kuya??:P

  20. jane Says:

    nakatuwa talaga ang mga kwento nyo ;)

  21. kneeko Says:

    @leizel, eto na ang sagot hehehe.. mahirap magkwento no! nakupo ewan ko lang kung tatanggapin ako ng mga kaibigan ko… di raw bagay sa akin ang maging darna hehehehe :)

    @ev, seneryoso kasi eh… dapat sisihin mo ung mga nagpasa kay KD tapos sa akin hahaha. untog mo ulo mo :)

    @didi, miss wings hehe.. ayos lang ang buhay.. saan ba sa pinas?

    @jane, katuwaan lang tlga.. :)

  22. did Says:

    hehehe glad to hear ayos ang buhay..ewan ko sa manila perhaps? hehehe..ako taga tarlac eh..probinsyana noh? :p

  23. didi Says:

    did 2loy ang name ko sa taas..haha..:P

  24. didi Says:

    oo naman kuya alam ko kung san un..cympre pinag aralan namen sa sibika at kultura nun..:p anong gawa mo?:P

  25. didi Says:

    kuya sorry kanina umalis akong bgla kase nagwork pa eh..update ka na..hehehe..ingatzz lage!mwaazz!!

Leave a Reply