My FiRsT lOvE wIll NeVeR dIe
-
Nakabili na ulit ako ng mga gamit sa pagpipinta pero sa water color painting lang kasi mas mura ng kunti at magdodoble gamit ko pag sa oil medium na gamit mga bibilhin ko. Dapat sa oil painting na ako mag-coconcentrate kaya lang iniwanan ko sa pinas mga gamit ko dahil mabigat na. Namimiss ko na rin gumamit ng water color na nakasanayan ko na simula ng highschool.
Eto muna libangan ko habang wala pa ang 2nd Conference ng basketball. Libangan na rin hanggang matapos ang kontrata, pantanggal homsik kesa lumabas ng bahay na sobrang init na.


Sa sinumang mahilig sa pagpipinta ipagpatuloy ninyo kung may oras kayong libre o di kaya katulad kong nagtatrabaho sa ibang bansa… magandang libangan din, maeexpress mo ang ‘yung sarili sa pamamagitan nito at pang-tanggal pangungulila na rin sa ating mga mahal sa buhay na naiwanan natin sa Pinas.
June 13th, 2006 at 8:59 am
nakikiusyoso na lang at napapahanga sa galing mo. wala na akong hilig magdrowing ngayon eh. pasmado na ang kamay ko nyehehe!
sana isang araw magkaroon ako ng isa sa mga iginuhit mo.. ^_^
June 13th, 2006 at 11:48 am
ako gustong-gusto ko mag-drawing pero di ako marunong
June 13th, 2006 at 12:28 pm
Go..go.. tol! sana masunod mo yong mga foot prints ng pinsan mong artist din. lols
pede e drawing mo yong mukha kong tsonggo?
puhliss…
yala habibi masalam
June 13th, 2006 at 4:13 pm
hey Kneeks,pakita mo nmn yung ipinta mo..
dayaa…
gandang libangan nga yan,sana marunong din ako
June 13th, 2006 at 5:38 pm
wooo! talented ah! ituloy m yan kesa naman msayang ang iyong talent.. yung iba nga walang talent gaya ko haha.. kya walang maenhance haha…
malay mo next tym ikaw n ang susunod magkaron ng gallery sa pinas.. oha oha!!
June 14th, 2006 at 12:41 am
alam mo frustration ko yang pagpipinta. dpat kc fine arts kukunin ko kso di natuloy. sayang nga.
attracted ako sa mga abstract painting..
tama si ate ghee one time nga ipakita mo yang mga compilations mo..
June 14th, 2006 at 1:35 am
akala ko babae na whew^___^ hahaha…..galeng ka naman talaga mag paint kaya sana nag shave ka muna bago ka nagpa pix hehehe
June 14th, 2006 at 4:08 am
wala na akong time mag-paint or sa madaling salita, nawalan na ako ng gana. mahirap kapag may mga taong humahadlang sa kagustuhan mo! wala kang magawa kundi sumunod dahil isang hamak ka lamang.
June 14th, 2006 at 5:40 am
how i wish magaling din ako mag-drawing… the only drawing i can make ay yung dalawang bundok, araw, bukid, puno, ibon… ayun… pambata… hehehe… photography lang ata ako magaling eh…
patingin naman ng sample painting mo bro… gtg andito prof namin… God bless!
June 14th, 2006 at 5:56 am
Tuloy mo lang yan tapos syo ko na enroll si Tin2, scholar ha?
June 14th, 2006 at 6:43 am
ang galing!!! i salute!!frustration ko ang pagdro-drawing..happy face lang kaya ko i-draw..huhuhu…sana maturuan mo itong abang lingkod.;)
June 14th, 2006 at 10:27 am
oist, ipipinta mo na ba ang sirena?
sige ka, sisingilin kita kapag nag-
honeymoon ka sa isla ko
ako th palang sa hobby ko,
di naman na homesick kc
summer na, daming “magagandang”
(nakakatawang)tanawin sabi nga
ni Manay Ethel
June 14th, 2006 at 10:49 am
@misty, pasmado na ba kamay mo? gamitin mo paa or labi mo hehehe
ayaw mo sa gabi magkaroon?
@denden, kayang-kaya mo yan. hihadlangan lamang ng iyong isipan
@ethe? ethel, hehe susundan ko lang mga ypak ng pinsan ko… wla pa ako sa kalingkingan niya.
back view na mukha ng tsonggoy
@ghee, ipost ko pag natapos na otng pinipinta ko.
ung iba ko na gawa nakita mo na rin siguro.
try mo lang kahit ano… pag naframe na maganda na rin.
@yen, talentado hehehe. me talent ka naman ah… nag galing mong rumampa kaya pinag-aagawan ka
sana nga magkaroon ng gallery. thanks
@tekla, ako rin fine arts dapat kaya lang di kaya ng budget mahal mga gamit. pero sa ngayon kahit papano nakakabili na rin kaya tinuloy ko.
mga abstract nga ang gusto kung gawin ngayon… may mga nagawa na rin ako..
check mo lang sa gallery ko.
@leizel, ang alin babae? di na kailangan magshave..
@malayang kaibigan, wag kang magpahadlang… kaya mo yan..pinta ka ulit..
@paul, try mo rin magpinta kahit abstract… photography ganda ring libangan yan..
sa gallery lang po mga samples ko.
@ann, hahaha.. cge idevelop natin ang pagpipinta ni tin2..
@ev, salamat.. anong gusto mong matutunan? first dapat alam mo muna mga gamit… pano gamitin, hindi lamang pipinta agad.
@sirena, mahirapan ata akong ipinta ang sirana… sisisid pa kasi ako sa kailaliman ng karagatan..
matindi ung mga tanawin ni ethel
tanaw na tanaw malapitan
June 14th, 2006 at 11:09 am
tama ka kneeko isa ngang mainam na pamatay homesick ang ipagpatuloy ang mga nakahiligan, nalilibang ka na nae-enhance pa ang talentong bigay ng diyos sa atin.
June 14th, 2006 at 12:03 pm
pwede mong ipunin lahat ng mga gawa mo habang andyan ka tapos magpa-exhibit ka pagdating mo dito sa pinas. mukang maganda yang mga gawa mo base sa picture#2
June 14th, 2006 at 12:17 pm
Ama, send ko sayo picture ko, pwede bang ipinta mo? heheh! pero wag nalang baka mawalan ka ng gana!! heheh!
Fly High!! bilib ako sayo! Idol!
June 14th, 2006 at 1:54 pm
…seryoso dating mo jan sa pic.? hehe…di bagay
June 15th, 2006 at 3:48 am
huwaw! magaling ka pala talaga! di pa yan tapos ha…pero ang ganda na!
gusto ko rin sana matuto magpinta…ang galing eh.hanga ako sa mga artist. kaya lang parang wala akong maisip na ipipinta. kopya lang siguro ako pwede.
bout the first love thing, totoo un! dancing nman ang saken! i will always love that…
June 15th, 2006 at 2:34 pm
nick..ayos ah!! malipay gid ina si otto kag si mr. perez sa imo gina-ubra!! abah dapat lang, kanugon lang iton ang imo award nga best in drafting dati..hmmmm, ikaw ba adto ang nag-best in drafting???? limot na ako ah!!
regards!!!
June 17th, 2006 at 1:18 am
paturo naman ng pag-pinta.. bahay lang alam kong pintahan eh..
heheheh.
June 17th, 2006 at 5:08 am
@jlois, salamat dre… kesa naman sa ibang bagay ko ibaling ang paglilibang… eh d2 na lang sa kinahiligan kong pagpinta.
@cruise, kung pwede nga lang, pero dami ko pa pagdaan na hirap bago makapag-exhibit. thanks.
@baby tutubi, bak view lang na picture ang isend mo
ayaw ko lumipad ng mataas.. baka bumagsak at mawalan ng panimbang
@kathy, seryoso yan… baka magkamali eh
puro nga mali…
@lojika, di naman magaling…. praktis lang talaga..
pag may mga pumapasok sa isipan mo o may makita ka na bagay… sketch mo agad.. kaya mo yan magpinta.
pero pede rin ako makipagsayaw sa yo hahaha…
@lir, si otto ya pa kasayod pero si mr. perez nabanggit ko sa iya nga gapinta ako.. duha adto kami ni Gado ang best
@din-din, ganito yan din2… tapos ganito… yan… eto pa… mali.. o nakuha mo turo ko? hahahaha
nagpipinta rin ako ng pader at bahay
June 17th, 2006 at 5:57 am
Malalim at malaki ang respeto ko sa mga taong mahusay o may talento sa pagpinta o pagguhit. Nakikita kasi nila ang hindi nakikita ng karamihan, at nakakapagsalita sila ng walang sinasabing salita.
June 17th, 2006 at 6:58 am
@jhay, may 3rd ey ba mga pintor? hehehe
tama ka dyan sa mga salitang binitawan mo
June 17th, 2006 at 11:42 am
pakipintahan naman fez ko
black, red & yellow para
sa Finale! hehehe
June 18th, 2006 at 11:21 am
keep it up man, parang totoo na nag papaint ka hehehe pero siryusli galing ng painting mo magkastyle kayo ni josh sya naman crayon ang medium nya hehehe
September 21st, 2006 at 9:57 am
Im a 1st year high school student and I’m also interested in arts but not in painting, I just like drawing especially when It’s our ART DAY.
Can you post tips ways how to paint easily?, because for me it’s too hard to paint and it takes a lot of time… pinagpapawisan nga po me pag nagpapaint eh, by the way anu po nga ba ang magandang materials when painting?