mIxDaYs
Salamat at bumalik na rin ang server namin, four (4) days din na wala kaming internet dahil sa sandstorm hehehe.
Nang mga nakaraang araw marami na ring nangyari. Natalo kami sa basketball dahil naglaro nga ako ilang minuto, dapat sinunod ko na lang payo ninyo na di ako maglaro eh wheew.
Nakalipat na rin si master sa haws naming bagong luma bagong lipat sa lumang bahay sabi nga nya.. dahil ang hagdanan ay pawang me ngatngat mga bitak-bitak na pero pagdating sa kwarto maayos at malinis naman kahit maliit lamang.
Meron na naman pala akong dalawang alaga, isang gumagapang at isang malago hehehe. Gagawan ko ulit sila ng tula pag lumikot ang aking kaisipan hehe. Mamaya pag-uwi ko hihimas-himasin ko sila at ililipat na sa tamang lalagyan. Naalala ko na naman ang mga alaga ko sa Pilipinas, wala na sigurong tumatabas sa mga sanga at dahon nila… Sa mga orchids na nakuha ko pa ng ako’y labin-dalawang (12) taong gulang pa lamang, boy scout kami noon ng umakyat kami sa taas ng Cantingas River. Hayyy nakakamiss din ang ilog na ‘to. Siguro nahahalata ninyo na mahilig ako sa mga halaman dahil ako po’y laking bundok Abu Sayaff (hindi Abu Sayad wheew) nga ang tawag ng mga kaklase ko ng college dahil long hair at bihira ako mag-ahit ng balbas at bigote. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo wala naman kayong magagawa eh hehehe ang ipinagmamalaking ilog sa probinsya ng Romblon. Sana po ay magustuhan ninyo ang mga larawang kinopya ko ng walang pahintulot noong 2002 pa sa webpage ng isa kong kababayan. Kung saang lupalop ka man ngayon, maraming salamat sa ‘yo kabuter hehehe. Ang pinakahuling larawan nga pala ay ang Tagbong Falls malapit din sa ilog.
Kung sino ang gustong sumama sa aking pagbakasyon sa susunod na summer ay ipag-alam lang sa may-akda. Magbaon lang ng de-lata, noodles at maraming daing, daing pera nyahaha. Ako na ang bahala sa bahay kubo. Oissst biro lang to huh. Baka sumama nga kayo. Hehe. April fools day nga pala… araw ko ba?
Cantingas River - cleanest inland bodies of water (River Category) for 2003 in Southern Tagalog Region (Region IV)
April 1st, 2006 at 8:47 pm
Parang nahihilig ka yata ngayon sa halaman na gumagapang a. Siguraduhin mo na laging malinis yan baka mapasok ka ng ibang ahas, mahirap na, he he he.
April 2nd, 2006 at 12:16 pm
Yan! Naglaro pa kasi eh.
April 3rd, 2006 at 7:11 pm
maganda ang lugar na iyan, san ba sa pinas yan, mukha yatang di ko napupuntahan… pde bang sumama kung pupunta ka jan?
April 3rd, 2006 at 7:49 pm
@yvonne, sa lugar ng mga marmol yan… pede naman sumama kanya-kanya lang baon…
April 4th, 2006 at 10:16 am
kneEks, pareho pala tayong laking bundok, at mahilig din ako sa mga plants. uy compatible tayo nyahehe
gaganda naman ng mga place. charap maligo!
April 4th, 2006 at 12:39 pm
@misty, siguro nag-aararo ka rin ano hehe. compatible ba pagdating sa usaping halaman hehe.