JaY-r’S dArK eXpErIeNcE

    Isang umaga habang ako’y nakatambay sa harapan ng aming bahay sa probinsiya, nakita ko ang dalawa kong kapitbahay na mukhang may lakad. Tinawag nila ako at sinabing sumama daw ako sa kanila papunta sa tabing dagat. Mas matanda sa akin ng isa at dalawang taon ang mga kaibigan kong ito. Dumaan muna kami ng tindahan at bumili ng dalawang kaha ng sigarilyong Hope. Habang kami ay naglalakad, naabutan namin ang isang kakilala namin na papunta rin ng dagat at sumabay na siya sa amin habang naglalakad. Mga apat na taon naman ang agwat sa akin nito.

    Nang nasa tabing dagat na kami, patuloy pa rin ang paglalakad namin. Ako’y nagtaka at tinanong ko kung saan talaga ang punta, ang sagot nila “Magpapatuli kami kay Mang Henry, basta samahan mo lang kami”. Si Mang Henry ang sikat na manunuli sa isang sitio sa amin. Ayun na nga, malapit-lapit na kami sa bahay ni Mang Henry, nakita namin na hinahasa niya ang kanyang labaha.

    “Andito na pala kayo”, bungad aniya. “Pitas muna kayo ng bubot na dahon ng bayabas at inyong nguyain”, dagdag pa niya. Sumunod naman ang tatlo habang ako’y nakaupo sa isang bato.
    Tinawag na kung sino ang mauuna, “Si Kadyawer na lang ho kasi siya pinakamatanda sa amin”, sabay sagot ng dalawa kung kasama. Puwesto na ang tinawag at inayos na kung saan ang tatapyasin. Ipwinesto ang labaha at ilang bagsak ng pamukpok na kahoy napunit din ang balat. “Medyo makunat ka na ah. Hala iluwa mo na ang dahon ng bayabas at itapal mo sa sugat ni Dayunyor mo”. “Hanap ka ng damo, tapos hilahin mo’, utos pa ni niya.
    Ganun din ang ginawa niya sa dalawa kung kasama.

    Nang tapos na silang lahat, tinanong ni Mang Henry sa kanila kung ba’t ako raw hindi nagpatuli. Sagot ng isa kong kaibigan, ” Sa doktor daw yan magpapatuli”. Tuwing summer vacation, may Medical Mission na nagaganap sa aming bayan. Mga doktor na galing pa sa iba’t-ibang hospital sa Kamynilaan.

    Balik tayo sa tabing-dagat. “Pareho lang naman ‘yun eh, ilang taon ka na ba?”, tanong ni Mang Henry. “Labing-isang taon na po”, sagot ko naman. Sabi nya pwede na raw, tapos sulsol pa tatlo kong kasamahan. Ayun napapayag ako. Sa isip-isip ko, patay si dayunyor at lalo na sa bahay pero bahala na nga.

    Ginaya ko ang pinagawa sa mga kasamahan ko at eto na. “O sa taas ka lang tumingin huh, huwag mong pagmasdan”, ang utos niya. Dalawang pukpok tapos na. Tiningnan ko marami dugo,parang umikot ang paningin ko. Napansin niya na namumutla na ako, inutusan niya ang mga kasama ko na pumitas ng dahon ng kalamansi at dali-daling pinaamoy sa akin. Mga limang minuto rin siguro bago ako mahimasmasan.

    Nang maayos na pakiramdam ko, inutusan kami ni Mang Henry na maligo sa dagat. Inabot ng kaibigan ko ang bayad na dalawang kaha ng sigarilyo at nagpasalamat sa kanya. At kami’y umuwi na parang mga Hapones maglakad. Pagdating ng bahay sangkatutak na sermon ng Nanay ko ang sumalubong sa akin na pumasok sa kanang tainga at lumabas din sa kaliwa.

    Naibahagi ko ito sa kadahilanang tuwing bakasyon ay maraming kabataan ang nagpapatuli. Bakit nga ba natin ginagawa ito? Eh marami namang bansa ang hindi gumagawa nito.

    Sa mga kalalakihan… Sa palagay ninyo, kanino mas maganda magpatuli sa pukpok lang o doktor?

    Ito po ang madilim na karanasan ni Dayunyor. Na kahit ano pa ang mangyari sa kanya, aalagaan ko siya habang ako’y nabubuhay.

    Nagpapasalamat din ako sa kablogkadang si Kathysan kung hindi dahil sa kanya, hindi ko maisip na isulat ito. Muli maraming salamat. :)

20 Responses to “JaY-r’S dArK eXpErIeNcE”

  1. kathy Says:

    hahaha..^_^ gulat ako sa name ko at talagang kulay pula pa hmm kaasar tong pari na ‘to!grrrr!buti na lang di mo ko kapit-bahay kundi asar talo ka sa kin araw-araw habang naglalanggas ka nyahahaha!!
    …so dapat pala mag-thank you sa kin yang jay-r na yan..at naalala mong ikuwento.
    …paki-hi kay dayunyor nyeee!makaalis na nga at baka maitanong ko pa kung ano itsura ni jay-r hahaha!

  2. TK Says:

    Gusto koman sagutin ang iyong katanungan, ngunit akoy isang pobreng tutubi lamang heheh.

    At least hindi ka nag-iisa hindi ba?
    At isang beses lang nman ang experience na yan.
    E pano naman ang mga ina ng inyong mga anak? minsan limang beses nilang pinagdadaan ang sakit nyan. [kung 5 ang anak nyo ha?]

    Incase cguro sa doctor ko narin ipapatuli mga magiging anak ng tutubi kc baka naubos mona ung mga dahon ng bayabas hindi ba?

  3. masterbetong Says:

    pisot!

    hehehehe!

  4. ethel Says:

    Hahaha… naawa ako kay dayunyor mo pinukpok!
    etong dayunyor ko naman dito, tinanong ko kelan din binalatan hehe.. ang sagot naman nagisnan daw nyang ganun na nga ang image.. ibig sabihin unang iyak palang nya dito sa earth diretsong binalatan ng Doktor :) medyo may pagkaiba sila keysa pinas hahahaha
    haay buti nalang sunflower ako! takot ako sa labaha, hahahha

    yala habibi masalam!!!

  5. ruth Says:

    teka di ko parin magets kung sino si dayunyor..o hindi ito tao??

    wak! ang sakit ng pukpok mas safe pa rin sa doctor..pero mukhang mapagkakatiwalaan naman si mang henry!

  6. tsokoleyt Says:

    HAHAHAH!!!

    german cut ba yan??? :)

  7. mmy-lei Says:

    si mang henry pala ang idolo ng mga kabataan sa inyo kung gusto ng magpa-pukpuk!!!

    dapat lang ingatan mo yang si jay-r mo!!! bwahahaha

  8. arch_aces Says:

    Buti, wala pang wowowee nu’n baka napasali ka pa sa “bagong binyag” episode ni Willie. Napagkakitaan pa sana, he he he.

  9. sweetskittles Says:

    hmm you sure know how to make your female readers a bit uncomfortable…

    from balls to circumsition? haha kulitz m!

  10. ann Says:

    hindi muna kasi ako nagbasa rito kaya taka ako bakit naging dayunyor si father, yun pala yun.

    dapat siguro sa doctor na lang para makapili ka ng design..hahaha!

  11. cruise Says:

    ang sakit nun, parang nararamdaman ko na lalo nung tumalon kayo sa dagat, eh diba maalat yun, tsk tsk tsk.

    sumali na ako one time sa isang medical mission sa davao matigsalug tribe, nakakagulat kasi yung mga bata pila-pila at di natatakot magpatuli, ni wala akong nakitang umiyak sa mga batang tinuli. :)

  12. cruise Says:

    wahhhh ang sakit nun, parang nararamdaman ko ang hapdi nung tumalon kayo sa dagat, diba maalat yun?

    naalala ko tuloy noong sumama ako sa isang medical mission sa matigsalug tribe sa davao, daming bata na nakapila para magpatuli, at ang tatapang nila, wala akong narinig umiyak ni isa sa kanila, sing tapang mo :)

  13. melai Says:

    ang pagpapatuli e hygenic purpose daw
    kesa naman pag umihi ka e
    maglawa ang iyong yun
    mamanghi ka pa
    kaya tama lang na naisip mong
    magpatuli na rin
    lol
    heheheheh ano ba namang klaseng komento to
    kasi naman
    ano ba namang klaseng entry yan….

    at abah naman talagang naka bold letter pa ang hope
    bakit binayaran ka ba?
    at susme
    11 years old
    nagyoyosi?
    yan ba ang me balak magpari
    tsk tsk tsk!!

  14. tsokoleyt Says:

    wans i saw a kat (maus) with a german cut! :P

  15. sirena Says:

    aba, bat alam na alam ni tante melai?
    siya pala ay isang dalubhasa
    sa mga ebun na di lumilipad

    baket naman kc inaapi
    ang mga kaawaawang lahi
    di tumulad sa mga puti
    na may suot na kufi! :)

  16. yen Says:

    ok ka din ah.. bt sa de-pukpok ka nagpatuli??? ang sakit nun ah.. sana inantay m nlng ung medical mission na dumating.. hehe maalam pa ko sayo diba sori.. naiimagine ko lng ung sakit tapos sabay ligo sa dagat.. at bkt nga kelangn pumunta sa dagat??? labo!

  17. clown1796 Says:

    bwahahahahha! kaya pala dayunyor ang iniwan mong id sa tag ko dahil dito.

    matanong ko lang ha, bakit di ginagawa ng ibang bansa ang “ganyan”? takot ba sila o wala sa kultura?

    at sensya na ha kc daragdagan ko pa ang tanong ko, may side effect ba kung di circumcized?

  18. pintor Says:

    wheeww andami ko sasagutin ah…

    @kathy, sowi po di ko na ihigh light ang name mo next time. hehe.

    ang hirap nga maglanggas eh dahan-dahan tlga para hindi masaktan si jay-r.

    hiya si jr ngayon eh… ayaw magpakita ng hitsura. pinapaabot lang nya ang kanyang taos puson nyang pasasalamat ehek..

    @tk, tama ka dyan isang beses lang naman ang pagapapaganun. iba naman ang case ng mga ina.. msakit din naman un.

    pero ung case mo na papatuli mo rin ang mga anak mo na lalaki.. pang guiness record ung sau kasi 1st time mangyari sa tutubi yan eh nayahaha.

    @master, daku naman hehe.

    @ethel, hindi pa kasi handa nun si dayunyor eh pero ayos lang nakayanan naman nya.

    sa ngayon marami na rin sa pinas na baby palang hinihiwa na ang balat.

    hehe… sunflower ingatan mo lagi.. maitanong ko lang? lagi ba nadidiligan at sagana sa fertilizer? hehe kinucultivate din ba?

    shokran habibi…

    @ruth, si dayunyor ay isang hayup. ayaw nyang hinihimas dahil lalo siyang magagalit. buhusan mo ng yelo at siya’y aamo. hehe

    saglit lang naman ang sakit pero pag sa madaling araw sobrang sakit… yun ang tinatawag na nangangamatis.

    @tsokoleyt, pinoy cut to… siyete, skinhead, barbers kaya lang hindi pwedeng F4.

    @mmy-lei, yup si mang henry… sa ngayon di ko alam kung ano na ngyari sa kanya.

    opo iingatan ko si jr, siya lang nakakaaliw sa akin d2 sa ibang bansa… kaagapay din pala niya si maria.. hehehe

    @arch, honga eh.. kumita pa sana ako hehehe.

    @switkitols, nyahahahaha… sobra na ba kulit ko?

    @ann, babawi na lang ako pag nagkaroon na ko ng anak.. sa doktor na lang siya. di naman ako nagsisisi sa ginawa ko… :)

    @cruise, di naman mahapdi kahit nagbabad kami sa dagat. ayun kasi sa matatanda, mas madaling maghilom ang sugat pag binabad sa dagat.

    wow ok yang ginagawa mo sumama sa mga mission, siguro me anesthesia ‘yun kaya wala silang naramdaman na kunting sakit.

    @melai, ayan ang galing ng paliwanag nya hehe.

    ung hope po kabayaran sa serbisyo ni mang henry…
    di po ako nagyoyosi. minsan lang pala, once, twice, thrice a year lang siguro hehe.

    @tsoko, pano nga kaya pag tinuli rin ang daga hehe. kulit mo.. sabunutan kita dyan sa…..mo eh.

    @sirena, honga pinag-aralan ata ni melai hehe. parang alam na alam mo ang kufi ah.. ano ba yun? :)

    @yen, napasubo na ko kaya ginawa ko yun. honga medyo masakit. doon lang ako natakot sa kulay dugo.

    yung sa dagat para madaling maghilom ang sugat… nalilinis un. kahit me sugat kayo ibabad nyo sa dagat madaling matuyo…

    pero me alam akong sugat na di naghihilom…. sugat sa puso hehehe..

    yen, d ako makapasok sa bahay mo eto ang sabi: Bandwidth Limit Exceeded. The server is temporarily unable to service your request due to the site owner reaching his/her bandwidth limit. Please try again later.

    @clown, bwahahaha din… depende nga sa kulturang nakagisnan kaya ang iba hindi nagpapaganun.
    depende sa religion, parental choice, o depende na sau kung magpapatuli ka pa kung matanda na kaya lang makunat na yun..ang ratio ng circumsized to non-cicumsized ay 50:50 so pantay lang. sa mga hudyo nagsimula ang ganitong gawain.

    wala naman sigurong side effect pag di circumsized… ano lang, front en bak effect… minsan top or bottom effect nyahahaha.

  19. TK Says:

    @buchiking kneeko
    wag po kayong magulat kung papatuli ko ang aking mga anak
    sapagkat pag sapit ng dilim kamiy nag aanyong tao rin
    salamat sa pag yuko sa aking kabaliwan
    ngunit kung mamarapatin ay wag nalang
    baka kayo na nman ay matalisod sa bako bakong dinaraanan

  20. pintor Says:

    @tk, o siya siya… magpakita lang kayo sa akin pag gabi huh.. :)

    ayan na naman yang matalisod hayyy… titingin na tlga ako sa dinadaanan ko..

Leave a Reply