hUmId Me LiBaGin

    Current Heat Stress Conditions
    As of 08/07/2006 09:27:32 am

    Dry Bulb Temp (°C)
    36.2

    Relative Humidity (%)
    46

    ‘Yan ang temperatura ngayon dito, pangatlong araw na. Kaninang umaga, paglabas ko ng bahay di pa ako nakakarating sa antayan ng service namin basa na ako ng pawis pati singit. Ang masaklap pa nito nakaka-suffocate dahil sa humidity.

    Habang naglalakbay na kami patungong planta, di na namin nakikita kung saan ang mga planta dahil sa kapal ng fog. Kung meron lang camera cellphone ko nakuhanan ko sana, kaya lang di pa kasama sa budget eh. :)

    Nakahinga lang ng maluwag ng makapasok na kami sa opisina… Wheeewww

    O baka kayo gusto niyong maranasan ang ganito.. Tara na maligo sa sariling pawis hehehe :)

22 Responses to “hUmId Me LiBaGin”

  1. mmy-lei Says:

    sabi ko na nga ba at talagang kuripot ka eh! nyahahaha!

    grabe na pala jan! dito ilang araw ng mahangin… hmmm baket kaya?

  2. KD Says:

    ayoko, di ako pede sa humid masisira ang aking fair compleksyon. haaa kuripot si kneeks bakit ha mmy-lei baketttttt hehehe

  3. Sirena Says:

    sarap yata maligo sa sariling pawis! :P
    mahirap ang tagtuyot na naaapektuhan ang
    takbo ng utak, hahahah!

    gin ba o saddiqi na lang? tsk stk
    epektib nga yan sa pag-alis ng libag/kabag! :)

    kahit sandali mabubuhay ka! ok ah dinadaan na lang sa kanta ;)

  4. rHo Says:

    ok lang maligo sa sariling pawis kafatid, wag lang yung may amoy ha!! hahahaha! nako… kelangan parating amoy-baby kahit pawis-pawisan na! lolz!

  5. ethel Says:

    argh! tanong ko lang yong driver ba pinoy din? o pana? hehhe ma imagine ko lang yong mga panang taxi driver naka rizal nga yong buhok nila pero sobrang tapang ng amoy hehhe talagang mag collapse ka sa loob ng taxi waaaahhhh
    yoko talagang mag taxi jan sa mid east pwera pinoy ang driver heheehe patawad, pero sa eksperyens ko lang ‘to ha!

    yala Baldo inti lasom shokol, kaliwali har!

  6. tekla Says:

    since my passport na ako, sige punta ako dyan at maranasan ko naman ang pagpawisan ng tigbi-tigbi. kahit hindi mag-exercise SWEAT!

  7. TK Says:

    Natawa nman ako ke Rho… hehe! wag lang daw ung may Amoy… bwheheh! bad!!

    At least Ama, maaapreciate mo ang lamig ng aircon sa office mo dahil sa tag init sa labas… parang ang halo-halo diba masarap sya tuwing summer? at ang kape nman e masarap sa tag ulan at tag lamig… tapos masarap ang spagetti at pansit tuwing may bertdey.., para din yang queso de bola tuwing pasko.. at payong tuwing tag ulan…
    Para ring si Joe d Mango na talak ng talak ngunit me kabuluhan ang mga sinasabi..,, kulang paba mga exampol ko? eto nlang mas ok… ananhin mo pa ang kabayo kung pilay nman ito??? o eto nlang tlga…. kagaya ng cactus kaya nyang mabuhay sa disyerto kahit puro tag araw at hindi nadidiligan… walang tag tuyot o tag lamig sa kanyang mundo… gaano man katindi ang sikat ng araw, patuloy parin syang nabubuhay, tumitindig at proud sa kung ano man sya…

    O tama na bayan?? alam ko malayo yan sa entry mo… heheh! gusto kolang mag comment ng mahaba kc onti ng sayo eh! hahah!

  8. ann Says:

    San ka ba nakatira kneeks? Bakit dito sa amin eh malamig naman….hehehe.

  9. rHo Says:

    ako rin TK, natawa sa sinabi ko! hahaha! alam ko naman na mabango si fafah kneeko noh.. inaalala ko lang sya, kasi db kuya andyan ka sa gitnang silangan?! nakowwwsss!

  10. eden Says:

    naku nakaka miss nga ang maligo sa sariling pawis eh ,dito sa canada malabong mangyari yan. dadaan ka muna sa sangkaterbang ehersisyo bago ka pagpawisan.

    ok babush sa uulitin :)

  11. karmi Says:

    naku ninong!! sobrang init pala dyan..

    dito rin mainit, pero di ka naman pagpapawisan.. sasakit lang ang balat mo.. kaya di na rin ako masyadong gumagala eh..

    pero nakakamiss din ung pagpawisan.. natatanggal ang excess fats! hehehe…

  12. yen Says:

    hndi ka nag iisa jan iho… umabot na nga ng singkwenta d2 nung isang araw.. binabarbeque na2man tyo ng buhay d2.. sana matapos n ang summer at nkakapng init n ng ulo ang init ng araw ah at wa poise tlga pg pawisan noh! buti n lang hndi ako mahilig maglalabas ng tanghaling tapat.. sa gabi lang haha..

  13. kathy Says:

    … grabe pala jan no? habang binabasa ko post mo pinapawisan na ko eh ;)
    … init din dito sa Tokyo kaya lumalabas kami pag hapon na hehe… mestisa kase ko :) hangin lang bumabalik na dating kulay ko… nyeee! ;)

  14. royce Says:

    Dre, invite kita dito sa amin pag summer diyan. Ganda klima namin dito - walang pawis kung hindi sa loob lang ng gymn at sauna hahaha. Suwerte ka dito pag pinagpawisan ka. Blessing pa nga…hahaha

  15. jaja Says:

    kamusta naman un
    jabaricious ka na
    pagpasok mo sa ofis
    hehe (^_^)

  16. kneeko Says:
      @mmylei, kaw din ah kuripot :) di na humid now pero umaabot naman ng 47degC ang temperatura sa labas.

      di ko alam bat mahangin dyan. :(

      @kd, ganun ba? honga pala flawless ka :)… honga bakit bakit bakit?

      @sirena, depende sa ginagawa. :) nakakatiis pa naman..

      bihira na ako tumikm ng sadiki.. nakakalabo ng paningin.. :)

      @rho, honga wala lang amoy.. pero ung ibang lahi iba tlga amoy wheeew :(

      @ethel, nakupo.. bihira na taxi driver d2 na pinoy. tama ka dyan kung di sanay kokolaps ka :)

      hehehe okies

      @tekla, hahaha sige maam punta ka rito hehe..

      @tk, opo tama na yan :) maraming uri ng cactus d2.. nagtanim nga ako ng cactus ung maliliit.. sa limang piraso, isa lang ang nabuhay na cactus.. :(

      @ann, sa loob ng kahon ako nakatira.. hmmmp

      @rho, aba bbmalik pa si rho ah :) oo naman kelangan mabango kahit di nagpapabango :)

      @eden, nakarating ka na ba d2? di ba umiinit dyan?

      @karmi, honga eh.. maiinit tlga sa labas kaya nakakatamad gumala.

      honga wag ka na gaumal, masisira kutis mo :)

      @yen, whoaaa.. mas matindi pala dyan ah… paniki girl ka kasi kaya gabi lang gumagala :)

      @kathy, pinagpawisan ka rin ba? hehehe tindi naman ah :)

      mestisang ano?

      @jaja, mabango pa rin kahit me pawis na hehehe :)

  17. didi Says:

    oh dear kuya baldo..shemay! and init..hahaha…ayaw ko jan..at least dito samen mejo nag cool down na..nilalamig nga ako ngaun eh..hahaha…miss u soo much kuya! mwaaah!!

  18. TK Says:

    Naku wawa nman pala ung 4 na cactus..,, na dedbol.. baka nman piang sisksikan mo sila? o baka nilunod mo sa tubig? hehe!

  19. cruise Says:

    para ka palang nasa steam or sauna bath yan! papayat ka.

  20. jane Says:

    hello pare ko, musta na? mas okay na sa akin ang taulan dito at malamig he he :)

  21. kneeko Says:

    @didi, hahaha.. masarap dito hehhee.. lika na. :)

    @tk, baka nalunod nga sa tubig hehehe… at least meron pa rin isang nakasurvive. :)

    @cruise, papayat ka kung sasabayan ng exercise.. pero kung hindi, maddhyrate ka lang pag naubusan ng tubig ang katawan..

    @jane, hahaha ganun ba mare… hmmmm bat gusto mo tag-ulan at taglamig… ? siguro… :) hehe

  22. kay Says:

    hello po.. aun sorry for the late reply =[ auN! aniwais..ye related ako kay didi.. she’s my older sis.. hihi ..link ex?

Leave a Reply