HiDe & EaT

    Maraming salamat sa mga dumalaw habang wala ako. :) Masaya ang tatlong araw kong pagkawala sa opisina. Umatend ako ng isang kasayahan gabi ng thursday at pagdating ng friday ay naglaro naman ng badminton hanggang alas onse ng gabi.

    Sa panahon ng Ramadan, syempre dapat respetuhin natin ang mga kapatid nating mga muslim na nagfafasting. Open ang cafeteria namin pero walang paninda, doon lamang kami kumakain ng mga baon namin at andun din kape at tubig. Iba’t ibang lahi pa rin ang pumupunta doon karamihan ay mga pinoy at puti na may kanya-kanyang baon. Walang baon gutom ang aabutin :) hehe

    Sports Update:
    Mamayang alas-nuwebe ng gabi ay pangatlong laro namin sa volleyball. Isang laro lamang tuwing gabi, tatlong beses sa isang linggo, kaya matatagalan siguro matapos ang tournament.

    Sana naman ay manalo na kami para makapasok sa magic four.

19 Responses to “HiDe & EaT”

  1. nona Says:

    ako una?..cge na nga…

    Sports minded talaga huh..volleyball na nagbabadminton pa…anyway, maganda naman ‘yan sa health.ingatz lang at baka ma-over.

    Goodluck na lang pow sa laban niyo…:)

  2. ann Says:

    Badminton nga ba kayo? Sa loob? May naglalaro ng basketball sa labas noong umalis kami eh.

  3. yen Says:

    ramadan kareem… fasting ka pala… ako fast-eating hahaha.. malayo kasi ang canteen sa dept namin.. lamu naman pag sa site naka assign.. puro buhangin ang makikita mo bukod sa planta bgo mo matunton ang canteen kaya fast-eating n langm ako sa lamesa ko.. pg walang nakatingin paisa isang subo hehe.

  4. royce Says:

    Tama ka Dre, dapat talaga respetuhin natin ang religious beliefs and culture ng mga tao na kung saan tayo pansamantalang naninirahan.

    Dyan nakikita ang kabutihang asal ng isang nilalang…Dyan mo mapupuri ang mga magulang dahil sa wastong pagtuturo o pagpapalaki nila sa mga anak nila.

  5. jong Says:

    woot! ramadan kareem!

    dagdag ko lang royce, hindi lang dapat sa bansa kung san pansamantalang naninirahan tayo pero siguro mas mabuti kung lahat eh respetuhin natin.

    ang hindi ko lang alam ay kung bakit ang karamihan sa mga pilipino ay hindi kayang respetuhin ang mga kapatid nating mg muslim, pinoy ha. teka napapalayo na yata ako..

    aba naman, badminton na volleyball pa. laro ko rin yan nong nandyan pa ako, isama mo pa ang bowling at tennis.. woo sakit sa katawan.

    nakakamis saudi

  6. sasha Says:

    Nahuli sa pagkomento, heheh

    Panalo ba, pakner? ;)

  7. melai Says:

    walang anuman pare

  8. miles Says:

    Ramadan Kareem!

    Ako hinde ko magawa ang hide & eat dito s office namin kasi ako lang ang Christian…mahirap makipagtaguan…So fasting na rin ako and wait ko na lang ang 3pm uwian time for the fast eating!

  9. utakGAGO Says:

    Ramadan na pala? Di nga?

    Well. Hindi naman ako oppressor ng mga muslim e, and I respect the naman. :D

    Ayun lang. Wish you luck at sana makasama kayo sa F4. Hahaha! :P

  10. camille Says:

    ramadan? talaga? hehe. hindi ko alam.

    good luck sa inyo!

  11. iskoo Says:

    nag fa fast ka rin? buti nakakapaglaro ka pa rin ng badminton, naskakagutom yun ah. laro tayo badminton. hehe layo mo naman eh

  12. TK Says:

    ramadan. ramadan. ramadan. gusto kong pumunta jan para madiet din ako!

  13. kneeko Says:
      @nona, kaw nga. :)

      thanks sa pag-alala… talo kami ng isang gabi. 1win-2loses standing namin.

      @ann, yup.. 2 court, inayos lang namin.

      @yen, hehehe… honga mahirap pag nasa loob ng planta.. dapat may mini-kitchen ka sa ilalim ng mesa. :)

      @royce, dre… tama ka tlaga dyan. :)

      @jong, bumalik ka na d2 hehe…

      bowling at tennis ayos din yan :)

      @sasha, talo pakner..bawi next week. :(

      @melai, honga walang inuman hehhe

      @miles, kumain ka na lang bago pumasok para di ka gutumin agad :)

      @utakgago, opo….

      sana nga makapasok kami sa M4 hehehe…

      @camille, ayan alam mo na huh..

      thanks.. :)

      @iskoo, hindi ako nag-fafasting hehe…

      pampalipas oras din ang badminton… tara laro tayo… hehehe

      @tk, depende rin sau kung mag-dadiet ka d2. :)

  14. jologs_jaja Says:

    aba buti naman may sports ka
    mahusay yan.. nung elementary
    ako varsity ako ng volleyball

    ngaun wala na kong pulso
    sa paglalaro hehehe (^_^)

  15. ghee Says:

    gud luck sa laro nyo :)

    naku,kelangn masipag pala magdala ng baon,kundi diet talaga ang abot nyo :)

  16. ralphT Says:

    haha. kamusta naman dito? :)

  17. wendy Says:

    Wow, tatlong araw na bakasyon… sarap nun!
    Sa amin (work), pinakamahaba na ang 2 araw na bakasyon at ‘yun ay nangyayari lang kapag Holy Week (Holy Thursday at Good Friday).
    Happy Wednesday!

  18. kneeko Says:

    @jajalogs, pede pa yan tara laro tayo hehe

    @ghee, thanks.

    honga eh pag wala baon tubig, kape lang iinumin mo.. kakahiya naman manghingi hehe

    @ralpht, ayos lang iho :)

    @wendy, happy wednesday din..

    sa panahon tlga ng ramadan di masyadong marami ang trabaho..

  19. kathy Says:

    naku ganyan pala jan pag Ramadan? hirap naman ;( … gudlak sa laro nyo, sana manalo kayo ;)peace!!

Leave a Reply