GoNe FiShInG

    Habang naglalaba at nagluluto ako ng hapunan kagabi bandang alas-sais… nag-ring ang cellphone ko, nasa kabilang linya ang isang kaibigan. Pupunta daw sila (matt, bong at rommel) sa dagat at mamimingwit. Pangatlong beses na nila akong niyayaya kaya lang busy ako sa ibang libangan kaya di nakakasama sa kanila. Sabi ko naman pag maaga matapos ang aking mga ginagawa, susunod ako.

    Samakatuwid, natapos ko ng maaga ang aking mga ginagawa. Kumain lang ako ng hapunan, nagbihis at sumunod sa kanila. Habang nasa daan ako, tumawag ulit… nagpapabili ng meryenda. Kaya dumaan muna ako ng tindahan at bumili ng softdrinks at chichirya.

    Pagkaraan ng 15 minuto nasa dagat na ako, me huli na silang tatlong pirasong isda. Hindi lang kami ang naroroon, meron pang ibang mga pinoy na nagpapalipas din ng lumbay sa pamamagitan ng pamimingwit. Malamig na ang simoy ng hangin at bilog pa ang buwan na tumatanglaw sa mapayapang karagatan. Naglakad-lakad muna ako sa baybayin habang nakikinig ng musika ng ‘cueshe’ sa aking mp3player.

    Pagbalik ko sa pwesto nila, tanong ako kung may huli na ulit. Sagot nila wala pa raw. Lumipas ang isa, dalawang oras wala na silang huli. Ba’t kaya? Dumating lang ako ah… :) Tapos kumakanta-kanta lang naman ako :)

    Inantok na si rommel kaya nagkayayaan ng umuwi bandang alas diyes ng gabi. Bukas ay mamimingwit ulit sila, gustuhin ko man sumama at bumili ng gamit hindi talaga uubra dahil sa praktis namin sa choir.

    Happy weekend ahead!!!

24 Responses to “GoNe FiShInG”

  1. ralphT Says:

    fun naman magfishing e! haha ;)

  2. teklasdiary Says:

    dami mo nmn talent, painting, drawing, fishing, singing, cooking at washing hehehe

  3. manilenya Says:

    weekend na ba? e myerkules pa lang ha …mamadali pre ha

  4. wendy Says:

    Sayang wala masyadong huling isda… anyway, malamang nag-enjoy naman sa pamimingwit, tama ba?
    Walking along the beach… naks, senti mode ah.

  5. balikbayan-balikpang-aasar Says:

    dala mo pa kc ang sumpa ng sirena :P

  6. ghee Says:

    masarap nga raw mamingwit,nakakarefresh ng mind at chaka pang soul searching :)

    plus music!! wow! panalo ka! haha!

    goodluck sa choir :)

  7. ev Says:

    masarap talaga yung bagong huling isda…ang sarap ng sabaw nyan kapag fresh…hmmm…parang gusto kong manghuli ng isda sa palaisdaan ng kapitbahay namin sa weekend ahh!;0)

  8. rHo Says:

    fishing naman ngayon… kakaiba ka talaga pare ko!! hehehe! pero ayos yan, libang-libang! hehehe… gudlak sa choir mo! ingatz lagi si kneeko en hapi weekend sayo!

  9. mousey Says:

    hahah! natakot sa iyo pakner

  10. mics Says:

    kuya, dapat nagpa-charming ka muna sa mga isda… bwahahah… :P enjoy!

  11. laureen Says:

    hiyee! long time no see. hehe. na-busy ako eh.

    anyhow, fishing. i’ve gone fishing…hindi ako humawak ng pamingwit, tumambay lang ako sa fishing dock habang nag-fishing ang family friends namin. hehe.

  12. Michelle Says:

    Wow fishing, mukhang enjoy yan ahh.. Di ko pa na-try eh. Hopefully maranasan ko din.

    BTW, thanks po sa pagbisita :)

  13. ethel Says:

    argh! nalilito ako palagi sa pag coocments dito palaging sa baba yongpinipindot ko hahaha nasa huli yong post ko baldo hahhaa

  14. TIKEY Says:

    Ama, palagay ko nga ikaw ang nambulyaw ng mga tahimik na mga isda! nyahahah!!

  15. TIKEY Says:

    Nag move na nga pala ako ng blog, paki change nlang ung link Ama.. tnx

  16. sasha Says:

    Pinakyaw mo na nga lahat ng talent! Pati fishing! Magsaka ba alam mo rin, pakner? hehe

  17. jong Says:

    haha weekend nga pala ngayon dyan sa disyerto!

    Anyway, libangan din namin ang fishing noong nandyan pa ako.. malapit lang kasi kami sa corniche.. dati marami kami kasama mga family friends kaya lang nalagas na hanggang sa naging kami na lang ng tatay ko haha. enjoy talaga, mas enjoy kapag maraming huli. Pero sila lang kumakain haha..

  18. eden Says:

    Hanggang 3 isda lang talaga sila :)sabi nung SIRENA iba daw kasi pag ikaw na ang namingwit,baka maubos sila ;) nyahahahaha!

  19. eden Says:

    pahabol —-pwedeng pwede kana pala dito sa CANADA at maging Canadian,qualified ka na

    laba-canadian
    saing-canadian
    luto-canadian
    kanta -canadian
    mamingwit-canadian

    o d ba? :)

  20. gracita Says:

    hahaha, malas ka pala sa mga mangingisda.

    fishing ba talaga libangan ng mga kabayan jan sa saudi? papa ko kasi, sa jeddah naman naka-base, mahilig din mangisda. dati nga, sobrang dame ata niyang nakuha, ginawa niyang daing yung mga isda at pinadala pa sa pinas! nun lang ako nakarinig ng nagpadala ng daing mula saudi! san ka pa!? :)

  21. iskoo Says:

    di ko pa nasubukang mag fishing pero mukhang masaya…

    ang galing mo siguro kumanta, mala cueshe na tinig ba?

  22. ruthing Says:

    wow..nakakainggit naman yang pamimingwit nyo..tanong ko lang pag nabo-bored ka..anung mga bagay ang hinahanap-hanap mo??[parang may kinalaman ung tanong ko sa post mo ah -_-'''??]

    nsaubukan ko na magfishing kaya lang wala akong nahuli.:(

  23. kneeko Says:
      @ralphT, kahit walang huli masaya pa rin :)

      @teklasdiary, kulang pa hahahha

      @manilenya, tapos na weekend.. lam mo naman d2 huwebes hanggang sabado wala pasok sila… ako rin minsan :)

      @wendy, enjoy naman po… kunwari senti hehhe

      @balikbayan, baka nga bumalik ka na kasi eh..

      @ghee, pangaluluwa ata ung soul searching ah hehhe

      thanks po..

      @ev, oo naman kahit ihaw lang masarap basta bagong huli..

      cge mamingwit ka na sa palaisdaan ng kapitbahay mo hehe

      @rho, sumama lang ako para mangulit :)

      @mousey, mukhang daga raw kasi eh kaya natakot :)

      @mics, paano ba magpacharming sa mga isda :)

      @laureen, ano naman po ang pinagkakaablahan nyo? :)

      ok rin tumambay basat maraming baon na kwento heheh

      @michelle, sige try mo rin…

      okies bisi-bisita lang tayo..

      @ethel, honga nalilito ka bat kaya? takot kay hubby mo hehe

      sa susunod pag ganun pa rin malas nga tlaga :)

      @tikey, masakit siguro sa tenga ang narinig nila hahaha

      napalitan ko na link mo..

      @sasha, yan.. lam din magsaka kahit papano hehe

      @jong, nilalakad nyo lang din siguro ano…bat naman di ka kumakain ng isda?

      @eden, honga eh me nakabantay kasi na sirena, binubulungan siguro na wag magpahuli :)

      aba me pahabol pa… “) pede pala ako dyan hehhee

      gusto mo malaman tunay ko na pangalan?

      ako po ay si kneeko diandialani hehehe

      tama ka na nga dian..

      @gracita, yup isa to sa libangan maliban sa sports..

      hahaha baliktad nga ung ginawa ng tatay mo kakaiba nga hahaha

      @iskoo, subukan mo rin…

      feeling lang na magaling kumanta hahhaha

      @ruthing, pag nabobored? hmmmm bihira na langn mangyari sa akin yun dahil marami akong libangan… pero minsan namimiss ko ung inuman dyan sa atin tsaka ung gala sa kung saan saan..

  24. yen Says:

    ikaw ba ang may balat sa wet-pu at wala silang nahuli nung pgdating mo haha. joke! uu nga ang lamig na in fairness kasi nag picnic kmi kagabi grabeee lamig na ng simoy ng hangin.. feel na feel ko ang pasko (kht walang pasko satin haha)

Leave a Reply