GiViNgWaY
-
Unang laro ng aming koponan kagabi sa 5th Inter-Friendship Basketball Tournament. Hindi ako nakapaglaro dahil sa dami namin, labing pito (17) kami sa iisang team, karamihan naman dito ay pawang shifting ang schedule ng trabaho nila. Ngunit kagabi ay kumpleto, kaya ng ako’y dumating sa tagpuan namin sa bahay
Pagkatapos ng kunting briefing kami ay sabay-sabay na lumabas ng bahay, sila ay papunta na ng venue tapos ako naman ay nag-paalam na at magbibihis muna bago sumunod na lang sa kanila.
Pagkadating ko ng bahay ako’y dagling nagbihis, patugtog ng jazz music at nag-tanggal ng tartar. Tinamad na rin akong sumunod sa mga tropa ko dahil malayo din pag nilakad, halos 1km din naman papunta sa pag-dadausan ng laro.
Humiga na lang ako at nagbasa ng Bon Appetit magazine at sa ilang sandali ako’y nakaramdam ng antok. Bago makatulog hinagilap ko muna ang kalendaryo sa bed side table at minarkahan ng ekis ang araw ng linggo (March 26) tanda ng pagbabawas ng araw ng pamamalagi sa ibayong dagat.
“Ang nagpaparaya ay pinagpapala.”
*Kaninang umaga napag-alaman ko na nanalo pala ang koponan namin… ![]()
March 27th, 2006 at 6:03 pm
test uli!
March 27th, 2006 at 6:11 pm
ayaw ng mahabang comment???
March 27th, 2006 at 6:14 pm
niloloko yata ako nitong box ah!
akala ko pa naman ikaw ang magiging MVP kagabi!
1 km lang nalayuan na. tsk tsk
di tuloy nagamit talent mo bilang waterboy. heheh
sa susunod kahit “cheerleader” lang patusin mo para di ka nagbibilang ng araw. may uniform ako, type mong hiramin?
March 27th, 2006 at 6:51 pm
@neng, paminsan-minsan nga ayaw tumanggap ng comments… siguro depende rin sa comment hehe.
Sa Huwebes magagamit ng pagkawaterboy ko hehe.
Ano na namang uniform yan huh… Vodafone or pldt?
March 27th, 2006 at 7:28 pm
kung naglaro ka siguradong talo. hehehehe!
March 28th, 2006 at 4:02 am
huh! PG-13/31 ba dapat comments dito?
March 28th, 2006 at 4:09 am
don’t say bad words, baka isipin ng iba BI ako!
March 28th, 2006 at 9:57 am
wow! congrats at nanalo kayo. bakit ang dami niyo naman sa isang team? haha! good luck sa susunod na laro. sana makapaglaro ka na.
March 28th, 2006 at 9:15 pm
Next time maglaro ka na kasi, para siguradong talo, hehehe.
Galing yata coach nyo eh. si Master ba?
March 28th, 2006 at 10:26 pm
@neng, sino naman po salita ng bad words? hmmm
@master, sigurado talo kami sa thursday hehe. mag-lalaro na ako eh.
@lianne, tnx po… eh kasi para walang mag-tampo sinama na lahat hehe
@ann, di nabuo ang tema namin nina master eh… watak watak kami, next season na kami magkakasama.
malamang talo nga sa susunod. wheew