FlOaTiNg MiNd
-
Para akong lumulutang habang naglalakad papunta sa abangan ng aming service coaster papasok ng opisina. Habang nasa sasakyan, pumikit lang ako pero gising ang diwa hanggang makarating sa aming pinapasukang kumpanya.
Hindi kasi ako makatulog kagabi, dahil ng araw puro tulog ang ginawa namin. Dakong alas onse ng umaga nagising ako, hindi pa sana ako babangon ngunit ng maamoy ko ang luto ni master na sinigang na maya-maya biglang kumalam ang sikmura ko (sarap master hehe).
Pagkatapos mananghalian balik ulit sa higaan, kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko bandang alas-kwatro ng hapon siguro tulog pa rin ako. Suma-total ng tulog ko’y mahigit labing-limang oras… wheeew.
Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan lumabas kami. Si Deks punta netcafe at kami ni master bibili ng tubig inumin. Bago tumuloy sa grocery store, niyaya ko muna siyang magkape. Order ako ng cafe mocha at sa kanya naman ay cappuccino. At nang maubos, ikot-ikot naman kami bago bumili ng tubig inumin at tuluyang umuwi na sa aming tahanan.
11pm… pabaling-baling lang ako at pagdilat tingin sa orasan. 12:30am, 1:30am, 2:30am, 3:30am 4:30am, 5:30am - wake up call.
Ba’t kaya ako di nakatulog? Homesick? Nasobrahan sa tulog? O, kulang sa kape?
Eto ako ngayon, antok na antok na. Di bale idlip na lang mamaya after lunch. Zzzzzzzzzzz
May 13th, 2006 at 4:16 pm
Ako inaantok ngayon parati kasi malamig.
(Nagutom din tuloy ako. . .favorite ko kasi sinigang eh.)
May 13th, 2006 at 4:22 pm
hehehe! alam ko kulang sa iyo!
May 13th, 2006 at 4:44 pm
ikaw pala si sleeping beauty!
May 13th, 2006 at 5:34 pm
nasobrahan ka sa tulog…at saka…
May 13th, 2006 at 5:35 pm
sabi nga “tulog ng tulog puyat.” tama, nasobrahan ka nga ng tulog… sana magkaroon ka ng kakaibang panaginip tulad ng sinasakal ka na daw o kaya ihuhulog ka sa bangin para bigla ka ng magising… harr!harrrr!!!! ^_^
May 13th, 2006 at 5:44 pm
ginawa kasing hobby ang pagtulog! ako antok din!!!
May 13th, 2006 at 8:02 pm
AHA!! sayo ko pala namana AMA ang ugaling ganyan.. lalo na pag weekends.. khit di ako kumain matulog lang sana ako… hehe!! alarin akong paki khit matulog maghapon tapos hirap na hirap matulog pag gabi…
sarap kcing matulog hindi ba? kc pag tulog ka… madaming chance na makita mo ang mahal mo,, at mabilis maabot ang pangarap… at nakikita mo ang sarili mo… heheh!!
ill be praying for ur dream house too… sama syempre ang INA ko!!
May 14th, 2006 at 12:58 pm
Eh kasi naman yang lugar nyo mas masarap pa matulog kesa lumabas.
May 14th, 2006 at 2:30 pm
baka natinik ka kaya ndi makatulog nyahahaha
isa lng ang alam ko..kaya ndi makatulog kasi ndi pa inaantok hehehe
May 14th, 2006 at 2:58 pm
@skwayred, sarap nga matulog pag malamig.
Tara kain tayo?
@kisses, ano na naman?
@sirena, me beauty ba? Hehehe
@ghee, siguro nga.. at ano pa huh! J
@mistysa, bangungot na yan sinasabi mo eh waaaah? wag naman.
@master, sarap matulog pero pangit din pala pag sobra wheew
@tk, hahahaha? ganun ba? Ano pa kaya ang namana mo sa kin? Hmmm
kahit gising nangangarap din ako.
@titser, natinik ng ano? hmm
tama ka dyan hehehehe
May 14th, 2006 at 3:08 pm
ay mali, beauty & d beast pala!
alam mo na kung sino ka doon. heheheh
May 15th, 2006 at 4:28 am
@ann, honga eh. walang mapupuntahan d2 sa lugar namin. wheew… dulo pa.
@sirena, alam ko hmmmp
May 15th, 2006 at 4:47 am
Aba masarap din mangarap ng gising no! mapipili mo ang mga characters sa kwento mo heheh
May 15th, 2006 at 12:20 pm
Una sa lahat Happy mothers day sa mama mo cackyut hehe.. akoy naguguluhan dami mo kaseng pangalan habibi.
Ang galing mo sa pelikula tumutulo pa sipon ko dine heheh
Pero lumabas naman ngalangala ko na naging panot ka?! hahaha coolit mo habibi.
Teka hindi ako buntit ha, ikaw kaya ang mauntog jan cguradong himatayin ka hehe..
Happy MOnday!
yala masalam habibi
PS. gwafa ng layout mo ngayon ah!
May 15th, 2006 at 12:44 pm
hello,
thanks for the greetings!i had a great mothers day:)
kind regards!
May 17th, 2006 at 6:59 pm
Dre ang ganda naman ng kwento mo. Parang pelikula, pero tutoong buhay at experience! Hindi mo talaga ma-appreciate ang katayuan mo ngayon kung hindi mo maire-relate sa past. Very touching and life experience mo.
To you my friend, my wish for you is: Sana, tumubo na ulit ang mga buhok mo (sa ulo, sa itaas ng mukha!), at sana’y unti-unti ka na rin tumaas tulad ni Michael Jordan! Yun lang, hehehe….
May 18th, 2006 at 6:59 am
@royce, marami pang kwento… hanggang sa ngayon hehehe…
usapang buhok na naman wheeew… sa ibang parte na lang ng katawan tumutubo ng mga buhok ko eh… ayaw na tlga sa ulo ko hehehe.
wala ng pag-asang tumangkad… noo na lang ang tumataas hehe
May 18th, 2006 at 8:47 pm
pagbalik ko email mo sa akin name & add mo jan at oorder tayo ng pangtakip sa ulo para di ka ma-sunburn.
Yung pangtakip na may icon nung mamang tumatalon hehehe basta, tuloy mo mga kuwento mo ha?