eNjOy To ThE mAx

    As usual every weekend ay nasa al-khobar ako, praktis sa aming choir. Kapag huwebes mga tatlong (3) oras ang praktis namin at pag biyernes ay inaabot naman ng anim (6) na oras. Dibdiban ang praktis hanggang 1st week nang december dahil sa nalalapit na all filipino community day.

    Kahapon ay umaambon na… at nagsimula ng lumamig ang simoy ng hangin… pumapasok na ang taglamig.

    *****
    Sa mga nagsasabing nag-eenjoy ako sa pagkuha ng kung anu-anong subject gamit ang baby ko… Well tama kayo lahat enjoy na enjoy ako hehe… may mga nakapending pa nga akong paintings wheeew…

    Ang mga sumusunod ay mga napulot kong mga bato noong ako ay lagi sa tabing-dagat tuwing hapon… Me libre pang pakpak ng kalapati :)

    [inspic=154,,,0]

    [inspic=155,,,0]

    [inspic=156,,,0]

    [inspic=157,,,0]

13 Responses to “eNjOy To ThE mAx”

  1. yen Says:

    kawawang bato.. pati sila nadamay sa mga kalokohan mo hahaha.. biro lang!!! ang linaw tlga ng baby mo.. kaso ayko naman nian at lahat ng pores ko at flaws ko sa muka kitang kita…

    pasukan na naman bukas waaaahh…

    pansin ko lang pla d ka masyadong active sa filipino community jan ah.. at wla ka dn masyadong talent.. hehehe… tsk! gifted ito!!! ;)

  2. mousey Says:

    pakner gusto ko yung gray panghilod! hahaha

  3. vanny Says:

    aba! at batong bato ka jan huh! hehehe. gawain ko din yan long long time ago.. mamulot ng mga bato.. hihi. :D

  4. ghee Says:

    aba,ang galing ah!pang pro nga ang baby mo,imagine bato lang naging artistic ang dating..ganda kasi may lens sha,pwede ang focus.i mean..alam mo na yun.

    dont forget your another project din ha?wala pa akong makitang pic :)

  5. sasha Says:

    Ang linaw! Gusto ko yung unang bato… ayos! Artistic ka talaga. Picture pa! :D

  6. gracita Says:

    wow, binigyan mo ng buhay yung bato. very nice…

    malamig na nga no? nagulat ako kanina pag labas ko kasi umaambon at malamig! as in puede ka ng mag jacket sa lamig. sana ganito nalang parati… :)

    goodluck sa praktis!

  7. nona Says:

    galeng…iba talaga kapag maganda at mahal ang cam…simple object pero ang ganda ng dating…very artistic, mapag-ipunan nga iyan…sacrifice ko muna kakikayan thingy, hmmmpt…ano ama?

  8. arch Says:

    Aba nga naman oo. Malapit na kasing magbakasyon kaya kelangan gadget, he he he. Partneran mo pa ng ipod at he he he, in na in ka niyan sa ‘Pinas tsong.

  9. ann Says:

    Ganda nga yata yan, very clear ah..tamang tama sa friday.

  10. ralphT Says:

    aliw! ’stig yung mga bato. haha. pramis! hehe ;)

  11. kneeko Says:

    @yen, kita ba lahat ng pores hehe… maraming gamit ang bato..

    tama ka hindi naman active noon.. ngayon lang.. :)

    @mousey, marami na bang libag? sabagay malamig dyan.. di ka siguro masyadong nalili…. oops hehe :)

    @vanny, ganun ba? sige balikan mo ang gawain mo..

    @ghee, pang pro nga si baby hehe..

    honga pala me assignment pa ako.. later na lang po maam :)

    @sasha, nababato kaya ako kaya pinagtirapn ko ang bato.. kesa naman gumamit ng bato :)

    @@gracita, nakasout na nga ako ng jacket.. lama mo namn manipis katawan ko hehe.. honga sarap din wag lang amsyadong malamig..

    thanks..

    @nona, sige magsakripisyo ka muna.. masarap ang libangan na to… sabay tau.. :)

    @arch, alam na alam mo ah.. mp3 palyer lang ayos na… musta naman dyan work mo?

    @ann, baka di ako makapunta sa friday pero try ko huh!

    @ralphT, thanks bro.. :)

  12. cruise Says:

    nag-iisip tuloy ako kung kailnagan ko pang bilugin ang… hehehe… alam mo na yun..

  13. Raquel Says:

    Ano ang location mo pare, sa Mla ba? Puede ang Maynila naman ang kunan mo. Na mimiss ko na ang Maynila eh.

Leave a Reply