dRiBbLe ThE tWo BaLLs
Paika-ika akong naglalakad kaninang umaga papasok sa trabaho. Kahit ng maligo ako, nakaupo pa ko para di mapuwersa ang kaliwa kong paa. Sa hindi pa nakabisita sa bahay ni master, ikukwento ko kung anong nangyari sa akin.
Last thursday night, nag-praktis kami ng basketball for another tournament na sasalihan namin. Pag-buslo ko ng bola, bumagsak ako eksakto sa mismong bitak sa loob ng court. Ayun, di na ko makatayo sa sobrang sakit. Malas yata ang bagong suot ko na sapatos, pinabili ko pa naman sa Estados Unidos o hindi talaga siguro para sa akin ang larong basketball.
Mabuti na lang nag-suggest ang isa naming kaibigan sa dating kumpanya na ipahilot ko agad para hindi na lumala. Kaya ginising pa namin ang marunong manghilot para maagapan lang. Napapahiyaw ako sa sakit habang hinihilot niya. Sabi ko sana matapos na agad baka mahimatay ako kung tatagal pa.
Nang matapos, nakahinga ako ng maluwag at bumalik na ulit sa kwarto kung saan merong salo-salo para sa 2 miyembro ng ‘klasmeyts’ na may birthday. As usual, kinabukasan na naman kami nakauwi pagkatapos mananghalian.
Kanina, pagkatapos mananghalian, dumaan ako sa clinic para makahingi ng gamot, mabuti na lang kababayan natin ang nurse kaya binigyan ako ng bandage at anti-swelling, anti-inflammatory na ointment. Pagpasok ko ng opisina nilagyan ko agad ng ointment at binalutan.
Pagkaraan ng dalawang oras, nakatanggap ako ng tawag mula sa Nurse. Pinapupunta daw ako ng doctor para macheck-up, punta naman ako. Tiningnan niya at ang sabi’y mild sprain lang daw. Hayyy salamat.
Mahirap ang magkasakit dito, walang mag-aalaga dahil pare-parehong pumapasok sa trabaho hindi katulad sa atin na maraming matatakbuhan. Kung pwede nga lang sana hindi na kami dapuan ng sakit dito. Nasa ikatlong palapag pa naman ang aming tinutuluyan tapos pagdating sa opisina, pangalawang palapag naman ang kwarto ko. Parusang tunay ‘to ah, delayed ang penitensiya ko dahil ng biernes santo ang saya-saya sa bahay nina KD at Ann. Wheew…
Sa ngayon, napag-isip isip ko… Ititigil ko na kaya ang paglalaro ng basketball? At ang laruin ko na lang ang basketball na dribble muna bago shoot? Dumudumi na naman utak ko ah. Huwag naman sanang mahawa ang kanang paa. Amen.
April 22nd, 2006 at 8:33 pm
wawa naman si m?uschen
April 22nd, 2006 at 9:43 pm
wg ka 2migil sa basketball.. lahat naman ata ng mga naglalaro naexperience yan eh.. naalala ko kapatid ko noon gs2 n dn 2migil pgkatpos mabalian pro bumalik dn cia sa paglalaro after a while..
April 23rd, 2006 at 2:50 am
Kawawa naman yong paa mo
nagpaalam ka kaseh na beerday ang puntahan mo, yon pala’y basketball, kong inuna mo muna yong kainan tiyak nabusog ka’t nalasheng.
Next time kelangan mababaw lang ang lundag mo ha, kagaya ko sinunod ko yong sabi mo na kelangan mababaw lang isipin ko pag nag drayb.
Ituloy mo na yang pag basketball mo, palitan mo lang yong sapatos mo baka yon ang dahilan ng pagka pilay mo.
O cge panalangin ko na rin na sana di mahawaan ang kabilang paa mo. Amen!
Yala, masalam….
April 23rd, 2006 at 12:38 pm
eto ang scenario:
fastbreak play, mousetrap ahead by 2 steps. hinabol ni idol para depensahan, para maka-iwas, cross-over dribble ang daga to the left sabay tira ng jump shot, pagbagsak lusot ang paa sa
lunggacrack. ang ending, hindi na-shoot ang tira, pilay ang daga!pagaling ka tol, ikaw ang first five sa dawah!
April 23rd, 2006 at 12:46 pm
ikaw kasi eh kulang sa praktise ng basketball iba na kasi kinakarir mo…concert at the park hehehe. dapat pantay lang ng level ang energy mo pag naglalaro ng basketball at sa pagiging karaoke prince (si master ag karaoke king diba) Pagaling ka, ikaw din iba kukunin nina maam teks at master na mag ooficiate ng kanilang kasal di ba padre damaso hehehe
April 23rd, 2006 at 4:27 pm
Baka po hindi muna kayo nag opening prayer bago mag basketball hindi kaya?! or dapat pinrey ober muna ang bola bago ishoot?! at kelangan kung bibili kayo ng bagong shoes eh pakibili narin kami… hehe!! size 8 and 1/2 po ang size ng aking feet. tenkyu po!!
April 23rd, 2006 at 5:48 pm
@tsoko, kaya pa naman, ginagamit ko naman buntot ko na aprang tungkod
@yen, tama ka dyan. salamat sa suporta.
@ethel, di na ko lulundag, dadayb na lang hehe. busog pa rin naman kahit nabalian.
shokran, habibi
@master, minsan na nga lang mag cross-over eh… wheew. Pa-impress kasi kay coach phil “master” jackstone
@KD, concert sa disyerto ba hehe. honga raw ako magsasakal sa kanila. dala ka ng matibay na lubid huh.
@TK, dapat pala dasal nga muna wheew. anlaki pala ng paa mo ah, me takong ba gusto mo?
April 23rd, 2006 at 6:07 pm
Pader hindi ko napo kelangan ng takong dahil kcing taas ko nman si dagul ay este si Bonel! basketball player din ako dati sa skul kaso lang mas priority daw ang lalaki, at maliitin daw ba kami. nagtampo tuloy ako kaya nag chess nlang ako hehe ang layo ng narating ko no?!
ok lang fader ang size ng paa ko kc matangkad nman ako, yoko nga lang mag takong kc wawa nman ung aking Mahal, lalong naging kapiranggot nlang. thank u fader ha? ipapa fedex moba or UPS?!
April 23rd, 2006 at 7:43 pm
just keep playing basketball til you drop! haha!
April 23rd, 2006 at 8:01 pm
Wawa ka naman, kaya pala para kang tuliro. Bakit naman may bitak yang basketball court nyo? Sabi ko syo wala kang future dyan eh, mag piko ka na lang kasi.
Hirap talagang magkasakit dito dahil nag-iisa ka.Tagal pa namang gamutin nya ,more or less mga 1 week cguro, ok ngayong gabi kinabukasan paggising mo sa umaga masakit na naman.
April 24th, 2006 at 11:06 am
Para madaling gumaling kailangan nakasaklay ka para walang force yun paa mo. Ingat ka lang sa mga NSAID na gamot ha? Kailangan may laman ang tiyan at reseta ng doktor.
Yun sa toga naman, baka di Jordan ang suot mo’t Elpo lang hahaha
April 24th, 2006 at 3:52 pm
sabi na kasi wag ng maglalaro ..ayan kundi talo naaksidente ka ..tigas ulo e tsk tsk tsk!
April 24th, 2006 at 5:00 pm
..dribble muna bago shoot??
yan kase ,kaya ka napipilayan..tsk tsk!yaan mo na sila sa basketball..kanta ka na lang kneeko 
April 24th, 2006 at 6:09 pm
@tk, tiki tiki for baby hehe… woow runong ka pala chess? ako naman hilig cheese
bat naman kinakawawa mo mahal mo? hehe
email ko na lng hehe..
@lianne, tama ka dyan
@ann, honga eh… sige piko na lng kasama sina josh
honga… mabuti kayo andito lahat. me taga alaga si kd pag me karamdaman…. hayyyy
@royce, di na ko take gamot.. ointment at bandage na lang, ok naman ngayon..
nike shox - elite ung gamit ko hehe
@melai, eh kasi ano eh… ah eh…:(
@katya,
di na ko kakanta… ayaw mo naman kumanta eh… honga pala ang boses mo ano harharhar
April 24th, 2006 at 7:01 pm
Pano ko kaya masuot un sa email lang, ano un drawing? hehehe!! Sketch mo nlang ang katawan mo, wearing only this (bwahahah! at gayahin daw si Rose at si Jack!)jokjokjok!!
April 25th, 2006 at 4:00 am
pader, di kaya may kumulam sa yo? ksi hanggang ngayon kinakain mo pa rin ung natirang sirenang luto ni tita ann. itapon mo na yun at baka mangitlog pa at dumami… parang awa mo na, tama na ang isang sirenang niluto… hehehe.
pagaling ka pader, kawawa naman ang naghihintay sayo…
April 25th, 2006 at 4:09 am
don’t quit! you love the game right? well,I play it with my 10 year old cousin - more of “catch and shoot” hehe..
oh a piece of advise,don’t pressure your feet to much if you want a fast recovery. i sprained mine too ages ago.
April 25th, 2006 at 9:32 am
haha. wawa ka naman. siguradong magaling na yan noh? walang thrill ang buhay kapag hindi nasaktan, kaya ok lang yan kuya!
April 25th, 2006 at 2:48 pm
@tk, hmmm maitry ko nga suggestion mo… titingnan ko sa harap ng salamin
@mmy-lei, honga d na ko kakain ng sirena, patingin nga muna ako sa albularyo.
kunti na lang sakit… ayos na to dis week.
@kitols, yup, yup… anong klaseng bola na ginagamit mo?
tnx for ur advise…
@bianca, tama ka dyan… parang damdamin din yan na nasasaktan… eiwww..
April 25th, 2006 at 2:54 pm
nice blog , ganda mong mag sulat.
salamat din sa pagbisita sa kinakalwang ko ng site.
keep it up
April 25th, 2006 at 3:48 pm
laro lang ng laro, ayos lang ‘yan! haha
April 25th, 2006 at 5:19 pm
lumipad na ba iyong ebon?
April 26th, 2006 at 12:04 am
hehehe!nice blog!:)actually,nakikibasa lang…
April 26th, 2006 at 1:46 pm
hoy, ano yan? karma siguro! nyahaahah! dahil yan sa gingawang mong pang aapi saming mga sirena!
pkabait ka na.. magaling na ba? kung di pa, paggaling na okie?
April 26th, 2006 at 3:24 pm
@rattlesnake, tnx… update ka na rin po..
@arvin, ok bro sinabi mo eh hehe..
@tsokoleyt, hindi pa, kumakapit eh.
@ev, sige.. basa lang ng basa .. tnx
@marina, hindi na nga mang-aapi ng sirena… lalaitin na lang hehehe…
medyo magaling na rin… tnx 4 ur concern..:)
April 27th, 2006 at 12:57 pm
maganda yung isang basketball na nasa isip mo, turuan kita ng tricks dun, dribbling while dunking!! haha
April 27th, 2006 at 6:05 pm
@major, cge gusto ko ung me tricks… basta hindi mahirap huh. hehe