DrEaMs

Malapit na naman ang Metrobank Art and Design Excellence (MADE) - National Competition na ginaganap taon-taon. May sculpture, watercolor painting, oil painting categories. Dapat nakagawa na ko ng entry ko para maipasa sa buwan ng Mayo pero andito ako sa ibayong dagat kumakayod para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko, hmmm kelan pa kaya un? Isa pa iniwan ko sa Pinas ang mga gamit sa pagpipinta dahil mabigat sa bagahe, kaya d ako makasali.

Last year, nagkaroon ako ng entry dahil na rin sa pinsan (Lotsu) ko na laging sumasali sa mga patimpalak sining. Kaya lang hindi na siya pwedeng sumali sa taong ito dahil hanggang 35 years old lang. Ako, meron pang 3 taon para makasali. Oo, wala na ako sa kalendaryo ngunit nasa lotto 42, mega lotto at super lotto pa naman ang edad. Hehehe.

Hindi man lang nakapasok sa semifinals ang entry ko dahil sabi ni Lotsu, karamihan sa judges ay pawang mga social realism ang area of expertise at wala masyado sa abstract. Ok lang meron naman akong natanggap na certificate of recognition at marami pa akong nakilalang mga sikat pintor.

chain of dreams
“Chain of Dreams”
20″ x 30″
Oil on Canvas
2005

Mga pangarap kong nais matupad, gaya ng paglalakbay sa mga historical art countries, particularly in Venice (City of Canals), NE part of Italy. Namamasyal habang nakasakay sa river boat (vaporetti) o di kaya nakikisabay sa pagpipinta sa mga dumadayong mga pintor na nakatambay sa St. Mark?s Square and the Piazetta, dito makikita ang Gothic Doges’ Palace (14th?15th cent.), the campanile (325 ft/99 m high; built in the 10th cent.; rebuilt after it collapsed in 1902); the Moors’ Clocktower (late 15th cent.) atbp. Dito sa lugar na ?to, makikita ang mga paintings na gawa nina Titian, Bellini, Carpaccio, Mantegna, Giorgione, Veronese, et al.

Whew. . . kailan kaya matutupad ang pangarap ko na makarating sa the city of artists? Ako lang ang nakakaalam hehehe.

Sa Metrobank, maraming salamat sa walang sawang pag-suporta sa mga kabataang pintor.

4 Responses to “DrEaMs”

  1. cruise Says:

    sipag mo naman pala, sa edad na nabanggit mo nag-ngingibang-bayan ka para kumayod. isa kang bayani ng pilipinas, mabuhay ka! sali ka nalang next year, layo mo pa sa age cut-off.

  2. tsokoleyt Says:

    hmmm.. bat di mo ipinta iyong utot na kulot? siguradong abstract ang magiging dating nun! hehehe

    mann, akala ko si paps na ang gusto moipinta, gusto mo palang sabayan si Pavarotti sa pamamangka..

    dapat siguro gumawa ka ng gimik para sumikat ka.. putlin mo rin tenga mo tulad ni van gogh. :)

  3. pintor Says:

    @ cruise, maraming salamat po… masipag lang pag me bossing hehehehe… jokss

    @ neng, baka mangamoy ang canvas pag yung utot ang subject ko nyahaha. buhok na lang gupitin ko, paubos na rin kasi eh hehehe… papanotzzi di na pavarotti

  4. masterbetong Says:

    Dre sisikat ka rin, dapat kasi tinanggap mo na ung suggestion ni willie dati. Dapat nagpasagasa ka sa EDSA habang hawak mo ang isang painting, siyempre sisikat ka sa jaryo at makikilala ka bilang isang tanyag na pintor ng makabagong panahon.

Leave a Reply