DeSeRt ToRnAdO

    Simula pa ng Miyerkules na pabugsu-bugso ang ulan dito. Kapag hindi umuulan, sandstom naman ang humahalili.

    Around 9PM KSA time kagabi, 13 April, Jubail, , habang naghahapunan kami (ng dalawa kong college classmates) sa KFC, nagulat kami sa pagbuhos ng ulan na may kasamang hangin na humahampas sa glass wall. Ito’y parang isang tornado, umiikot ang hangin sa iba’t ibang direksiyon. Maya-maya pa ay may tumutulo nang tubig-ulan galing sa kisame ng KFC. Sa labas naman ay huminto ang mga sasakyan at nag-park muna sila dahil nagliparan ang mga basurahan at may mga sangang bumabagsak sa daan. Ang ilaw naman ay patay-sindi pero di naman tuluyang nag-brown out.

    Kukunin ko sana ang camera sa sasakyan para makuhanan ko ang mga pangyayari pero hindi ako pinalabas ng Supervisor ng fast food at hindi na ako nagpumilit baka ilipad din ako ng hangin. :)

    Pagkaraan ng 15 minutes humupa din at paglabas namin baha ang tumambad sa amin dahil walang drainage na tutuluyan ang tubig. Hindi pa nga tuluyang naubos ang tubig sa kalsada eh nadagdagan na naman.

    Nag-alala ako sa bahay namin dahil pumapasok ang tubig sa bintana kaya tinawagan ko si Deks sa cellphone niya pero hindi sumasagot. Pagdating ko sa bahay ay andun siya at nahawi na niya ang mga dapat hawiin. Di ba master? :)

    Habang papasok kami kaninang umaga ay umaambon pa rin, nadaanan namin ang mga sanga ng ng mga punong-kahoy na nakahambalang sa gilid ng kalsada. Ang nangyari kagabi ang usap-usapan sa loob ng sasakyan, sabi ng iba’y limang taon, siyam na taon na raw sila dito pero ngayon lang sila nakaranas ng ganun katinding hangin na may kasamang ulan.

    Paano kaya kung inabot ng isang oras, dalawang oras o isang araw ang malakas na hangin at me kasamang ulan? Anong mangyayari?

    Abangan sa susunod na kabanata… :)

23 Responses to “DeSeRt ToRnAdO”

  1. master Says:

    happy days are here again!

    parang unusual yung ulan na yan… problema na naman yan!

  2. melai Says:

    kung sakaling humaba yang ulan na yan e baka kailanganin nyo na si Noah lol! hmmnn dapat kasi pre laging nakasabit ang camera sa leeg para lahat ng nangyayari nakukuhanan mo.

  3. ghee Says:

    nakakatakot naman!may baha din pala jan sa inyo?at para ka palang sundalo?gusto mo pang lumabas para lang kumuha ng pic?ngekk..baka nga tangayin ka na rin eh di wala nang mag pupost dito,bago pa nmn ang template mo.

    happy weekend!! sa amin lang pala,tapos na kayo :)

  4. sasha Says:

    Ano ba yun! Scary naman yan, pakner! Kakaiba talaga ang lugar nyo. May baha pa! Kaya pala basang sisiw ka na naman hehehe

    Ingats na lang lagi :)

  5. Misyel Says:

    Paano kaya kung inabot ng isang oras, dalawang oras o isang araw ang malakas na hangin at me kasamang ulan? Anong mangyayari? — Naku wag naman po sana, baka parang sa days of noah na yan… Ingat pare!

  6. Francesca Says:

    hi kneeko. Hope ok ka na, wala ka na kaba sa storm last night.

    Email me, oks lang, just click an envelope in my blogsite,
    have a nice sunday

  7. gracita Says:

    kaya pala umaambom din dito…pero hindi naman ganon kalakas. unusual nga daw ang panahon, dahil siguro sa global warming…

    sana ok na kayo :)

  8. karmi Says:

    ang lakas pala ng ulan dyan kneenong.. ingat ka!

    kaya pala nakisilong ka sa bahay ko.. cge kneenong, dun ka muna.. :)

  9. mousey Says:

    hahah kaya pala nakikisukob ka. iba na talaga ngayon ang panahon. kaya sa mga maiinit na lugar tulad dyan sa inyo di malayong mangyari mag snow na rin at sa mga malalamig na lugar gaya ng russia pwede nang magpatubo ng palm tree.

  10. yen Says:

    ay naku pareho lang d2 pare… salitan lang ang ulan at sandstorm…. nakakainis na nga eh ksi nakakasira ng mga lakwatcha hehehe,

    oi ha, nag comment sakin ang pakner mo at email ko daw siya kng gs2 ko parenovate ang bahay ko. kala mo ha hahaha… email ko siya one of these days…. gs2 ko makabog ka sa bagong bahay ko.,.. maganda pa d2 hehehehe…

  11. tina Says:

    ang weird na talaga ng weather…

  12. malaya Says:

    Unusual na ba ‘yang ganyang pangyayari dyan? Siguro kasi talagang iba na ang panahon ngayon, epekto ng global warming. Anu’t anuman, mabuti at hindi naman kayo naperwisyo nang husto. Ingat lagi, kabayan!

  13. wendy Says:

    Buti pa jan umuulan… dito… ang init-init… sobra! Parang ang sarap mag-swimming sa Sabado, ano Malaya?
    Mas iinit pa raw pagdating ng May… whew…

    Ingat-ingat!

  14. chelsea Says:

    weeee.. ligo na sa ulan!!!

  15. eden Says:

    unusual talaga ang panahon ! dito nga april 16 na eh hayan at umuualan na naman ng yelo hayyyyyy buhay talaga . pero pasalamat tau we’re safe and sound with GODS blessings !

  16. lady cess Says:

    if i’m not mistaken, epekto rin ito ng global warming :( sana walang napahamak na tao dyan . buti nga at hindi ka lumabas ng resto at baka may nangyari di maganda sa iyo/

  17. kneeko Says:
      @master, honga kakaiba talaga… hailstorm dre..

      @melai, pre me kontak # ka ba ni noah hehe… alam mo naman dito hindi pa masyadong alam ng iba na pwede ng magkuha sa public kay ingat muna sa pagsabit ng cam sa leeg.. :)

      @ghee, parang sundalo ba te hehe… para nga akong tatangayin eh hehe

      @sasha, pakner… iba nga talga.. wheew

      @misyel, pre.. salamat sa pag-alala.. wala ng baha..

      @francesca, ate di naman ako kinabahan hehe

      @gracita, dito nga tlaga ang malakas.. tama ka global warming nga..

      @karmi, di na ngayon umuulan.. silong ulit ako sa bahay mo pag umulan huh hehe

      @mousey, insan.. hailstorm ung nangyari… may mga hailstones na kasama sa ulan… di ko lang napansin.. un pala ung tumatama sa aircon namin na parang binabato hehe

      @yen, ayos lang yan at hindi ka makapag-lakwatsa hehehe

      aba closed na agad kau ng pakner ko hahaha… hmmp gusto pang maganda sa bahay ko ah

      @tina, tama ka dyan..

      @malaya, opo unusual lalo na april na ngayon dapat wala ng ulan… salamat kabayan..

      @wendy, lika punta ka dito hehe para maranasan mo ang init sa mga susunod na buwan hehe

      @chelsea, takot ako maligo sa ulan hehe

      @eden, parang late na nga ano? spring na ulan pa rin ng yelo.. tama ka pasalamat n lang tau sa taas..

      @lady cess, epekto nga talga ng global warming… buti na nga lang di na ako nagpumilit hehe

  18. chelsea Says:

    hailstorm? gawa ka ng halo-halo hehe. seriously. hope all is ok na :)

  19. ralphT Says:

    buti pa jan umuulan, dito sa ‘Pinas, taenang init! haha

  20. melai Says:

    danun ba pre kaya pala naman e :) ..uy pre danda nung kanta mo kaya lang di ko alam yung kantang yun e ask tuloy si karmi kung totoo bang kanta daw yun :)

  21. Ferdz Says:

    Grabe, biglaan yung ulan na yun ah. Epekto yata ng pagbago ng panahon yun. Ah. housemate pala kayo ni Master?

  22. iskoo Says:

    umuulan din pala ng ganyan kalakas sa KSA! sana dito umulan ulit, sobrang init!!!

  23. mhay Says:

    Well napansin ko lang po grabe na lakas ulan pero gusto nyo pa lumabas para kunin ang cam nyo ha…hmmmm!!! I hope ur ok n ganun din po ang bahay nyo :-)

Leave a Reply