Archive for the ‘SpOrTs’ Category

UsEd To Be My PLaYgRoUnD

Wednesday, July 5th, 2006
    deserted playground

    Deserted Playground
    Water Color on Paper
    16″x12″
    2006
    Photographer: master

    Deserted Playground - An abstract painting. The bench alone and the green background represents the playground. A baloon tied on a tiny thread flies away together with the games (we used to play) inside it, until disappears beyond the dark skies but to be cherished in our hearts forever.

    Why i used the pink color for the baloon? Because it’s one of the artists and interior designers choice color for 2006 spring… favorite na kulay ni manay ethel.

    Hindi dapat ganito ang subject ko pero habang pinaglalaruan ko ang water colors at brush ay naaalala ko ang aking kabataan para akong bumalik sa pag-gamit ng guitar water color na pang elementary habang nagpipinta. :)

    ***************
    Nasaan na nga ba ang mga larong pinoy? Naaalala ninyo pa ba ang tumbang-preso? shato? piko? bahay-bahayan o lutu-lutuan? titser-titseran? chinese garter? luksong-baka? luksong tinik? taguan-pung o tagu-taguan? patintero? habulan-taya? laruang sumpit? tirador na nakasukbit sa mga leeg ng mga bata?

    Alam pa kaya ng mga makabagong kabataan ang mga larong ito? Sa palagay ko kung meron mang nakakapaglaro sa ngayon nito ay hindi na kasing-saya kesa dati.

    Malaki na talaga ang pinagkaiba noon at ngayon. Noon, ang mga laro ay isang paraan ng pag-eehersisyo ng mga bata dahil pinagpapawisan sila tuwing tumatakbo at kadalasan ay madungis na uuwi ng bahay dahil sa punas dito, punas sa kahit saang parte ng katawan.

    Ngayon, moderno na at mabilis ang pagbabago ng buhay, kabilang na ang mga uri ng laro o laruan na makapaglibang sa mga bata. Andyan ang nintendo, gameboy, playstation at iba pang computer games na kinahuhumalingan ng mga bata. Masarap silang pagmasdan habang masayang naglalaro sa paraang sila lamang ang higit na nakakaunawa. Mainam nga naman dahil hindi na lalabas at hagilapin sa kalsada ng kani-kanilang mga magulang sa pagtawag sa kanila sa oras ng pagkain o may importanteng kailangan dahil nasa loob lamang sila bahay.

    Ngunit, sa tingin ninyo alin ang mas mainam na mga klase ng laro para sa mga bata… noon o ngayon?

    Naalala ko noon middle man ang pwesto ko sa patintero - ang laro ng maliliksi, mabilis, listo at madiskarte. Tuwing hapon kapag araw ng sabado o linggo kami ay nagkikita-kita sa kalsada at sabay-sabay na tutungo sa playground na malapit sa eskwelahan namin at kung ano ang napagkasunduan ng nakakarami ay yaon ang lalaruin.

    Kung sino ang may gustong maglaro ng mga larong kinamulatan noon sumunod lang sa munting playground ko. Magbalik-tanaw sa mga sigawan at mumunting halakhak natin noon.

    This used to be my playground
    by Madonna

bIg NiGhT

Monday, May 8th, 2006
    Isang makapigil hiningang labanan ang naganap kagabi sa pagitan ng Pasaway at Klasmeyts. Nanalo ang koponan namin, dalawang puntos lang ang lamang.

    Matibay ang loob ng mga kasamahan ko hanggang sa huli lumaban ng husto. Last quarter medyo uminit na ang labanan dahil sa ang isang kasamahan namin ay sinahod. Pagkatapos ng laban humingi din ng despensa ang grupo ng Pasaway dahil sa halos mga kakilala naman at ang iba ay kumpare pa.

    Gustuhin ko man maglaro ay ipinagliban ko muna dahil din sa mga payo ninyo. Habang hindi pa nagsisimula ang laro pinahilot muna ang pilay ko sa dati kong kasamahan sa kumpanya.

    Para sa kumpletong detalye bisitahin ito, klasmeyts. Sana tuloy-tuloy na ang panalo ng aming koponan.

    araykupo...

    ankle ko

ThRoBbInG dAy

Saturday, May 6th, 2006
    First game ng klasmeyts ng nakaraang huwebes, dahil sa nagkasabay ang schedule ng laro sa Port at Da?awah, walo lang kaming nakalaro plus coach master. Ang lima naming kasamahan ay piniling maglaro sa port dahil knock-out game at kulang din sila.

    Kalagitnaan ng 1st quarter bumalik ang sakit ng nasprained kong left ankle kaya hindi na ko nakapaglaro ng tuluyan. Lumaban ang mga kakampi ko kahit kulang, ngunit bandang huli hingal kabayo na kaya natalo rin.

    Bukas me laro ulit kami ngunit ipapahinga ko muna ng dalawang linggo ang ankle ko para makapaglaro pa sa huling laban sa May 23 para sa pagtatapos ng elimination round.

    Parang naulit lang ang nangyari ng nakalipas na dalawang linggo, paika-ika na namang naglalakad habang nag-iikot sa opisina. Sana ay gumaling na ng maayos ang paa ko para tuwid na lakad ko.

sHoOt OuT iN tHe DeSeRt

Saturday, April 29th, 2006
    Usapang bola pa rin, kagabi ay dumalo kami sa opening ng Jubail Da’awah & Guidance Center - 1st All-Filipino Basketball Tournament.

    First time kung makasama sa “klasmeyts” dahil ng nakaraang taon ay hindi ako nakabalik dito. Magkakasama kami sa iisang kumpanya dati
    ngunit karamihan ay lumipat na, may kanya-kanyang dahilan.

    Andito po ang iba naming mga kuha. Iklik lamang ang picture para lumaki. Sa gusto pang makakita ng kulitan namin sa basketball court puntahan lamang ang bahay ni master.

    the klasmeyts return

    master genie

    ayaw ituloy ni deks tawa nya.. bat kaya?

    woow kinis ni bien ah

dRiBbLe ThE tWo BaLLs

Saturday, April 22nd, 2006

Paika-ika akong naglalakad kaninang umaga papasok sa trabaho. Kahit ng maligo ako, nakaupo pa ko para di mapuwersa ang kaliwa kong paa. Sa hindi pa nakabisita sa bahay ni master, ikukwento ko kung anong nangyari sa akin.

Last thursday night, nag-praktis kami ng basketball for another tournament na sasalihan namin. Pag-buslo ko ng bola, bumagsak ako eksakto sa mismong bitak sa loob ng court. Ayun, di na ko makatayo sa sobrang sakit. Malas yata ang bagong suot ko na sapatos, pinabili ko pa naman sa Estados Unidos o hindi talaga siguro para sa akin ang larong basketball.

Mabuti na lang nag-suggest ang isa naming kaibigan sa dating kumpanya na ipahilot ko agad para hindi na lumala. Kaya ginising pa namin ang marunong manghilot para maagapan lang. Napapahiyaw ako sa sakit habang hinihilot niya. Sabi ko sana matapos na agad baka mahimatay ako kung tatagal pa.

Nang matapos, nakahinga ako ng maluwag at bumalik na ulit sa kwarto kung saan merong salo-salo para sa 2 miyembro ng ‘klasmeyts’ na may birthday. As usual, kinabukasan na naman kami nakauwi pagkatapos mananghalian.

Kanina, pagkatapos mananghalian, dumaan ako sa clinic para makahingi ng gamot, mabuti na lang kababayan natin ang nurse kaya binigyan ako ng bandage at anti-swelling, anti-inflammatory na ointment. Pagpasok ko ng opisina nilagyan ko agad ng ointment at binalutan.

Pagkaraan ng dalawang oras, nakatanggap ako ng tawag mula sa Nurse. Pinapupunta daw ako ng doctor para macheck-up, punta naman ako. Tiningnan niya at ang sabi’y mild sprain lang daw. Hayyy salamat.

Mahirap ang magkasakit dito, walang mag-aalaga dahil pare-parehong pumapasok sa trabaho hindi katulad sa atin na maraming matatakbuhan. Kung pwede nga lang sana hindi na kami dapuan ng sakit dito. Nasa ikatlong palapag pa naman ang aming tinutuluyan tapos pagdating sa opisina, pangalawang palapag naman ang kwarto ko. Parusang tunay ‘to ah, delayed ang penitensiya ko dahil ng biernes santo ang saya-saya sa bahay nina KD at Ann. Wheew…

Sa ngayon, napag-isip isip ko… Ititigil ko na kaya ang paglalaro ng basketball? At ang laruin ko na lang ang basketball na dribble muna bago shoot? Dumudumi na naman utak ko ah. Huwag naman sanang mahawa ang kanang paa. Amen.