Archive for the ‘SpOrTs’ Category

PaLuAn Na…

Saturday, September 16th, 2006
    Kahapon ang grand opening ng basketball & volleyball tournament ng company namin. Inaabot ng dalawang oras ang biyahe ko from Al-Khobar kaya late na ako ng dumating. Kung may sariling sasakyan aabutin lang ng isang oras ang biyahe. Ang team namin ang susunod na ipakilala ng dumating ako kaya takbo ang ginawa ko upang makahabol :).

    Share ko sa inyo ang mga pictures… :) Gumamit na lang kayo ng sunglasses kung kayo’y nasisilaw :)

    Tonight will be our first game. Sana manalo at makapasok sa top four.

pAsTiMe

Monday, August 21st, 2006
    Last night, I’m working with my seventh (7th) watercolor painting entitled “REFLECTIONS”. Gusto ko sanang tapusin dahil ginaganahan ako pero kelangan hanggang 10pm lang para makapagpahinga agad.

    Siguro after one (1) week pa matatapos ‘yun dahil tatlong (3) gabi na sunud-sunod ang praktis namin sa volleyball simula mamayang gabi. Ang problema ko lang bumabalik ‘yung sakit ng sprained ankle ko kaya di makapaglaro ng maayos. Kahit nilalagyan ko ng anti-inflammatory ointment basta nagkamali ng galaw sumasakit. Hayyy ano kaya gawin ko?

cHoCk-A-bLOcK aCtIvItIeS

Saturday, August 12th, 2006
    Last monday, nagtry-out ako sa volleyball team para sa yearly tournament ng company namin na gaganapin sa susunod na buwan. Tapos ng martes nalaman kong nakapasa ako kaya pagka miyerkules nagpasukat na kami ng uniform, libre lahat pati sapatos.

    Eto ang laro ko ng highschool at sa college naman sumasali din sa intramurals, setter or tosser ang position ko. Medyo sumakit at namaga ang mga daliri ko dahil sa tagal na rin na di nakapaglaro, siguro mga 10 years na rin ang nakalipas.

    Kaninang umaga, kinausap ako ng mga kasamahan ko dito sa trabaho na magtatayo din daw sila ng team na ang sponsor ay ang pinagtatrabahuan namin ngayon. Huhugutin daw nila ako sa kabilang team pag naaprubahan nang management ang budget. Wheew, saan kaya ako maglalaro? Ngayon lang ata ako in demand ah pagkalipas ng sampung taon. :) Mag-isa na lang siguro akong maglalaro ng bola ah. :)

    ******
    Huwebes, hindi ako pumasok sa trabaho. Pagkagising ko ng umaga, naglaba ako para matuyo agad. Alas- kwatro y medya ng hapon, sumabay ako sa isang kasamahan ko sa trabaho papuntang al-khobar. Sinamahan ko muna siyang mamili ng mga pasalubong na dadalhin niya sa pagbabakasyon niya sa Pilipinas bukas.

    Ang sadya ko sa khobar ay bisitahin ang pamilya na kababayan ko na may bagong panganak na baby dahil kinuha akong ninong at meron pang monkey business, tsaka ko na lang sabihin hehehe :). Nagkita kami ng kumpare ko 6pm sa al-ramaniyah mall at napagkasunduan namin na susunod na lang ako sa bahay nila kahit anong oras.

    Mga 6:30pm naman nagkausap kami ni KD, berdey celebration ni josh, sabi ko magkita na lang kami pag nakatapos kami ng pamimili ng kasamahan ko. Tinawagan ko rin ang kaibigan ko na may pupuntahan lang akong birthday bago tumuloy sa kanila. Tapos, mga 8:15pm sinundo niya ako sa nabanggit kong mall kasama si justin at tumuloy sa bahay nila.

    Pagdating sa kanila, marami ng bisita at sobrang busy si ann sa paghahanda. Walang hinto datingan ng mga bisita nila…. ann at kd na ang magtutuloy ng iba pang kaganapan sa berdey ni josh :) hehehe

    ******
    Biyernes, sa bahay ng kumpare ko, inalagaan ko saglit si baby seth na 3months old. Sa isip-isip ko kelan kaya ako magkakaroon nito? :) Pagkatapos, nakipaglaro din ako sa kuya luke niyang 6yo old naman.

    Alas 9:30pm na ako nakauwi kagabi at nakatulog din agad dahil sa pagod sa biyahe. Sa susunod na huwebes, muli akong magbabalik sa al-khobar dahil sa hindi natapos na transaksiyon. :) :) :) Abangan!!!

gAmE oNe WoN

Saturday, July 22nd, 2006

Last night we won our first game sa JUBA Tournament (2nd conference). Kahit kulang, pinilit ng tropa na manalo. 3rd Quarter ng laro isang importanteng player (oliver) ang na-sprain, 2 na sila ni jojo sa injured list . Bukas may laro naman kami sa Dawa’h tournament (2nd conference din). Yes, lagare kami kasi dalawang liga ang sinalihan namin. Sana, manalo naman bukas. :)

kayan team
standing from L-R: marlon, master, edgar, doms, jim, jojo, oliver, yhmbet, kaka & deks
seated from L-R: gerald, ren, allan, donald, nhato & ? :)

rommel, ariel & ?

aLa EyFrEn BaTA

Thursday, July 13th, 2006
    Year 1999-2000 ng maadik ako sa larong billiards. Wala akong trabaho ng panahon na ‘yun kaya nang inalok ako ng isang barkada ko na magtrabaho sa kanyang bagong tayong negosyo tinanggap ko agad.

    Ako namahala ng kanyang bilyaran na may walong mesa. Bibihira lang ako umuwi sa bahay kasi pede naman matulog doon. Hindi naman ako kagalingan ngunit nakakawili ang larong ito lalo na pag may pustahan mapa-9 balls, 15 balls, 8 balls o gagamit ng baraha. Inabot din ako ng mahigit apat na buwan sa bilyaran na yun na walang naipon kahit bola kundi ang bola at stick lang na dala-dala ko kahit saan. :)

    Kagabi bumili ako ng gamit dahil may pa-try out sa kumpanya namin sa susunod na buwan. Pangatlong tako ko na ‘to, may kamahalan nga lang dito. Sa atin tumambay ka lang sa isang bilyaran makakabili ka magaganda pang second hand sa mga talunan sa pustahan.

    Kailangan magpraktis muna baka sakali makasali sa company tournament namin dito. Sino ba pede lumaban ng tumbungan tumbukan dyan? Bukod kay master :)

    cue stick, cue case, billiard chalk

    tako