Archive for the ‘SpOrTs’ Category

SpoRtS fELLoWsHiP @ tHe BeAcH

Saturday, November 17th, 2007

These shots were taken during our Sports Fellowship @ Al-Nakheel beach. We played basketball and volleyball around 10am - 12noon wheeww… The groups divided into four (4), we were third (3rd) in volleyball and champion in basketball.

Master and matt are familiar with this place.

al-nakheel beach 01

al-nakheel beach 02

al-nakheel beach 03

al-nakheel beach 04

BeAcH pArTy - 02

Friday, March 30th, 2007
    After this occasion, we will be focusing on our practice for more upcoming performances..

    Additional photos….


    ***Beach volleyball - one of my sports but enjoyed watching them and taking photos.


    ***Patintero - grabe… kakatuwang tingnan na hinihingal na sila sa pagtakbo :) Iba na talaga ang nag-kakaedad wheew…


    ***Baywatch? :)



    ***Luke - showered by dolphin…



    ***Jetskiing - wheewww I really love this type of watercraft…



    ***Birds having fun also…



    ***Foot prints… :)

SpRiNg HoRsE sHoW 2007 - PaRt 2

Wednesday, March 14th, 2007
    The following images are my selected shots during the show… capturing the moments…

    Scarf girl…



    Little rider…



    Sleepy Rider…



    Hop in…


    Please check my GALLERY section for more pictures… Thanks…

    You can visit also Matt because he attended the second day event… or visit our forum in DPP for more pictures.

ThIrD pLaCe? 5Th AnIv…

Saturday, November 4th, 2006
    Mamayang gabi ang huling laro namin sa volleyball para sa third place. Sana manalo kami… Pagkatapos nito ay next year na ulit ang paliga ng kompanya pero meron pang kasunod na indoor games sa darating na disyembre katulad ng billiards, bowling, table tennis, etc. Hindi ko pa alam kung sasali pa ako dahil sa busy ako lagi.
    *********
    Ang larawan na eto ay kuha ng isang linggo, sa aming bahay na pinagpapraktisan ng kanta. Umabot na sa limang(5) taon ang choir na sinalihan ko. Para maging masaya ay hinati sa apat ang grupo, bawat grupo ay may presentation.. mapadrama, comedy at sayaw. Hindi ko na ipapakita ang ibang pictures mahirap na hehehe:)

    *********
    Hindi kami nakasalang kahapon sa Filipino Fun Day. Nag-back out ang grupo at iba pang mga artists. Ang dahilan ay hindi ko rin pwedeng sabihin, mahirap na. Basta ang pagkakaalam namin ay hinanap daw kami ng mga taong gusto kaming makita sa entablado.

    Sa December 8 na kami muling mapapanood, sa Filipino Community Day together with Bayani Agbayani… See you there!!!

TiRiNg DaYs

Monday, October 30th, 2006
    Noong nakaraang gabi nakapaglaro din ako sa semifinals round ng volleyball tournament namin. Dalawang beses na akong di nakapaglaro kasi mas importante ‘yung praktis namin sa blocking para sa nalalapit na show.

    Natalo kami ng gabing yun kaya wala na kaming pag-asa na mag-champion at ang habol na lang namin ay third (3rd) place. Maganda naman ang nilaro namin, kinapos lang talaga. Pero kahit papaano meron naman akong nakuha na gasgas sa kanang tuhod ng hinabol ko ang bola. Mamayang gabi me laro pang isa, hindi na naman ako makapaglaro dahil may appointment ako sa dentista. May kailangan pa kasing pastahan na ibang ngipin kaya uunahin ko muna eto. Pagkatapos ay tutuloy ako sa praktis ng choir namin.

    The following pictures were taken during one of our weekend practice.

FiNaL fOuR

Monday, October 9th, 2006
    Sa wakas nanalo din kami last night. Lahat ay maganda ang nilaro, walang gigil at kaba kaya may sopas kaming pinagsaluhan hehehe. So, pasok na kami sa final four with 2win-2losses card. Meron pa kaming laro next week pero no-bearing game na kaya ok lang manalo o hindi.

    Inabot ng 3rd set ang laro, dapat 2nd set pa lang ay kuha na kaya lang naungusan ng 2 puntos. Binigyan lang magandang laban ang mga manonood hehehe..

    Ang sarap ng pakiramdam ng ako’y pinagpawisan. Naglabasan ang sipon at plema ko hehehe… Sana bukas ay magaling na talaga ako..

wAsTed

Sunday, October 8th, 2006
    Mahirap talaga magkasakit ang mga katulad naming nagtatrabaho sa ibang bansa. Walang magluluto ng pagkain, walang mapapakisuyuang bumili ng ganito at ganire.

    Last tuesday, tinamaan ako ng sipon, sakit ng ulo at sore throat. Lagi kasing puyat dahil sa mga importanteng commitments na kinakailangan at dala na rin siguro sa pagbabago ng panahon, lumalamig na kasi.

    Pero kahit may nararamdaman ako, ayoko naman na nakatambay lang sa bahay, kaya noong biyernes nanood kami ng stage play na binubuo at pinamamahalaan ng mga kababayan natin. Sinuportahan namin ung mga kaibigan naming actor at direktor. Nagkita-kita kami nina kd, ann & kids, nanood din sila dahil si tintin ay isa sa mga artista. :)

    Pagkatapos naming manood ay kumain pa kami sa chili’s dahil may birthday at celebration na rin dahil sa success ng stage play. Ayun, alas-dos ng madaling araw na naman kami nakauwi kahapon kaya ng pumasok ako sa trabaho ay lulutang-lutang na naman.

    Sa ngayon, may kunting ubo’t sipon pa ako. Salamat pala sa mga kaibigan kong nagbigay ng mga payo at sa pag-alala. :)

    Sports Update:
    Mamayang gabi ay may laro kami sa volleyball, magpapapawis muna. Sana manalo na kami para makapasok sa 2nd round.

HiDe & EaT

Monday, September 25th, 2006
    Maraming salamat sa mga dumalaw habang wala ako. :) Masaya ang tatlong araw kong pagkawala sa opisina. Umatend ako ng isang kasayahan gabi ng thursday at pagdating ng friday ay naglaro naman ng badminton hanggang alas onse ng gabi.

    Sa panahon ng Ramadan, syempre dapat respetuhin natin ang mga kapatid nating mga muslim na nagfafasting. Open ang cafeteria namin pero walang paninda, doon lamang kami kumakain ng mga baon namin at andun din kape at tubig. Iba’t ibang lahi pa rin ang pumupunta doon karamihan ay mga pinoy at puti na may kanya-kanyang baon. Walang baon gutom ang aabutin :) hehe

    Sports Update:
    Mamayang alas-nuwebe ng gabi ay pangatlong laro namin sa volleyball. Isang laro lamang tuwing gabi, tatlong beses sa isang linggo, kaya matatagalan siguro matapos ang tournament.

    Sana naman ay manalo na kami para makapasok sa magic four.

BiLoG aNg BoLa

Tuesday, September 19th, 2006
    Sports Update:

    Unang talo namin kagabi, standing: 1 win-1 loss… Ginawa naman naming lahat pero di talaga umubra. Hirap din ang kalaban (mixed nation - pinoy, arabo, nepalis at indians) sa amin hanggang sa huli, binigyan namin sila ng magandang laban. Medyo nainis ako sa laro ko, may mga error ako na di dapat mangyari… pero bilog talaga ang bola. Next game will be on Saturday, kailangan lang naming manalo ng isang laban sa 3 susunod na laro para makapasok sa magic 4.

AnAk Ng PaNdAy At PiPaY

Sunday, September 17th, 2006



    PaO
    8 1/4? x 11 3/4?
    Pencil on Paper

    I found this baby cute kaya humingi ako ng picture sa ina niya para mapagpraktisan ko. hehehe. Eto ang napili kung picture at napili rin ng kanyang ina na walang iba kung hindi si pipay. Ang sabi nga niya sa akin, that time daw ay tahimik lang at parang malalim ang iniisip ng bata kaya napagtripan niyang piktyuran gamit ang kanyang cellphone.

    Ginamitan ko ng graph lines kaya pag sinuri niyo ng mabuti ay may guhit-guhit pa. Pero kung ginamitan ng charcoal matatakpan din ang mga yun.

    Matagal na rin akong hindi nakagawa ng portrait by using charcoal. Siguro pag nakaluwag naman bibili naman ako ng gamit para sa charcoal painting. Hindi pa makaporma ngayon dahil sa hectic ang schedule, dagdagan pa ng mga rehearsals, pictorial at concerts… :)

    Sports Update:
    We won our first game last night. Dapat in two sets nakuha na namin, malaki ang lamang namin ng 1st set na umabot sa tabla tapos natalo 2 points lang ang lamang. Due to miscommunications at panggigigil kaya naging matamlay ang unang set. Lamang kami sa tao kesa sa kalaban namin. Wala silang play dahil walang setter or tosser at wala ring spiker. Pagdating ng 2nd set at decision set kinuha na namin ang panalo. Ang team na kalaban namin kagabi ay binubuo ng pinoy at indians na mga manlalaro.

    Monday will be our second game. Malakas ang magiging kalaban naming team na pinaghalong pinoy, arabo, indians at nepalis. Kami lang ang purong pinoy sa anim na teams.

    Have a blessed sunday sa inyong lahat!