PaSkO Na! PaSkO nA!
Sunday, December 24th, 2006-
Noong nakaraang biyernes, umatend kami sa thanksgiving at christmas party ng SAHI (Saudi Arabia Hiligaynon Inc.). May nakilala akong mga kababayan at kamag-anak na dito rin nagtatrabaho. Kahit na southern tagalog na ang province namin, pwede pa rin kaming maging kasapi nito dahil naging bahagi din kami ng western visayas noon. Hindi rin kami umuwi ng luhaan dahil halos lahat ay nabunot sa paraffle nila.
******
Pasko na kupas… 2002, 2003, 2006… tatlong taon na dito ako magpapasko sa gitnang silangan. Kakalungkot man pero lilipas din ang araw na ito tulad ng paglubog ng araw… at sa pag-gising natin kinabukasan tuloy pa rin ang pakikibaka natin sa hamon ng buhay.
C’est la vie…. praktis lang hehehe.
[inspic=336,,,0]
Shot taken on our way home… after our weekend practice. Hindi kaya ng lente ko kaya malayo at tsaka tumatakbo pa ang sasakyan..
More shots HERE….
Maligayang pasko po sa inyong lahat at manigong bagong taon!

