Archive for the ‘ReLiGiOn’ Category

NeW cReAtIoN

Wednesday, November 7th, 2007

new creation

New Creation
16″x 12″
Watercolor on Paper
2007

The painting [completed) 3 (three) weeks ago] shows a hand with a whole new world on HIS hand coming out from the blaze…This painting reflects my personal faith to GOD. HE took me out from the dark thoughts and opened my heart through HIS words. HE is truly a merciful and loving GOD.

“Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!” - 2 Corinthians 5:17 (NIV)

Wheeww, due to some commitments this year, this is just my third (3rd) painting for the year 2007. Unlike last year where I made 8 (eight) paintings plus 4 (four) pencil on paper sketches.

BaLaYaN,BaTaNgAs-LeChOn PaRaDe 2007

Sunday, September 30th, 2007

Parada ng Lechon - a yearly festival falls on 24th of June (Feast of Saint John the Baptist) observed by the locals of Balayan, Batangas. My classmate W, who’s from Balayan always invite us during our college days but it was my second time only to witnessed the festival.

3.JPG
The Church

img_2598.JPG
A lady lechon dressed in gown. :)

img_2603.JPG
Lechon - a whole piglet or pig cooked on a spit over charcoal.

9.JPG
Newsmen from one TV Station

6.JPG
The parade

img_2582.JPG
My college classmates

My shots were limited due to the water sprays coming from every corner. I covered my camera with two plastic bags to avoid getting wet, specially when we passed by near the Fire Station Department who used bigger hoses.

For more shots please click THIS.

BaBy SeTh

Sunday, February 11th, 2007
    Last Thursday night, I was able to attend the christening of Baby Seth - youngest son of my couple friends/highschoolmates here. We welcomed him in the Roman Catholic Church in an “unknown dome” and baptized by “nameless priest”.

    I was one of the Godfathers and at the same time as a photographer. :) Just want to share some pictures taken from their home (I woke him up) and at the reception only.

    During the celebration, our friend photographer came (together with four photographers), flashes everywhere… Baby Seth looked like a celebrity then.
    ****
    “Ninong antok pa po ako eh.”



    ****
    “Wala pa po ako sa mood tumawa.”



    ****
    “Giveaways sa mga bisita ko.”



    ****
    “Wow me regalo, ngiti na ako.”



    ****
    “Si kuya Luke me bagong kalaro.”


    Happy Sunday everyone!

AsSoRtEd

Wednesday, October 18th, 2006
    Wheew.. one week na naman akong walang update ah. I’ve been busy for the past few days, practicing some stuffs for our future shows hehehe. Kwento ko next time kung ano ‘yun, di ba ate ann? :)

    Inabot din ng 2 weeks ang ubo’t sipon ko, meron pa nga rin latak na lang. Sinabayan pa ng tooth ache kaya nakakaaburido. Pinatingnan ko sa clinic namin noong nakaraang araw tapos ang sabi ay wisdom tooth daw pero ang pakiramdam ko ay nabasag ang ung isang ngipin kung pinastahan. Kung kelan ka matutulog doon naman sumasakit kaya nakakaistorbo.

    Last night, pumunta na ako ng hospital para malaman ko kung ano talaga. Pagktapos mag-fill up ng form dinala na ako ng isang filipina nurse sa syrian lady dentist. Tiningnan niya kung ano ang problema, ang sabi niya ay nabasag nga ung ‘filling’. Nang simulan na niya ang pag-aayos tinanong niya ako kung gusto ko raw turukan ng pampamanhid. Sabi ko naman hindi na, saka na lang pag di ko kaya.

    Nakayanan naman hanggang matapos kahit medyo masakit :) Babalik pa ako sa October 30 for final touch at pati ang iba ko pang ngipin na kailangan ng amalgam/composite (non-cosmetic) fillings or root canal treatment ay ipapagawa ko na rin. Cover naman kasi ng health insurance kaya walang problema.

    ******
    Last week, ay umatend kami ng isang get-together dinner na tinatawag nilang “iftar” during ramadan. Hindi sana kami pupunta kaya lang intercontinental hotel ung nag-cater kaya go kami hehe. Hinintay munang lumubog ang araw bago kumain. Maraming pagkain ang nakahain, meron pa kaming naiuwi. Kahit parang kulog ang ubo ko at sumisinga pa, banat pa rin :)

    Baka isipin nyo na malaki subo ko… Kunwari lang yan :) prutas ang nilantakan ko :)

    ******
    Volleyball Update:

    Our semi-final game will be on sunday (22 oct) sana makapasok kami sa finals… pero imposible sa galing ng kalaban namin.

    ******
    Baka nagtataka kayo dahil mahaba ang post ko. Eto ay dahil next week ay “Eid Al-Fitr Holidays”. From 21 - 24 ay wala kaming pasok, pag tinopak ako hanggang 27 na un :) Sa pinas ata nagdeklara rin si GMA na ang october 24 din ay holiday para sa mga kapatid nating mga muslim. Gusto ko nga sanang pumasok para double pay pero hindi ako pinayagan ng boss ko.

    Maraming salamat po sa mga dadalaw sa bahay ko kahit wala ako. Huwag lang kayong magkalat huh. Sa mga kablogmates kong andito rin sa gitnang silangan… ano naman gimik nyo sa darating na holidays?

HiDe & EaT

Monday, September 25th, 2006
    Maraming salamat sa mga dumalaw habang wala ako. :) Masaya ang tatlong araw kong pagkawala sa opisina. Umatend ako ng isang kasayahan gabi ng thursday at pagdating ng friday ay naglaro naman ng badminton hanggang alas onse ng gabi.

    Sa panahon ng Ramadan, syempre dapat respetuhin natin ang mga kapatid nating mga muslim na nagfafasting. Open ang cafeteria namin pero walang paninda, doon lamang kami kumakain ng mga baon namin at andun din kape at tubig. Iba’t ibang lahi pa rin ang pumupunta doon karamihan ay mga pinoy at puti na may kanya-kanyang baon. Walang baon gutom ang aabutin :) hehe

    Sports Update:
    Mamayang alas-nuwebe ng gabi ay pangatlong laro namin sa volleyball. Isang laro lamang tuwing gabi, tatlong beses sa isang linggo, kaya matatagalan siguro matapos ang tournament.

    Sana naman ay manalo na kami para makapasok sa magic four.

CaLLing?

Thursday, April 13th, 2006
    Tuwing semana santa sa bayan namin, me isang santong imahen na binibihisan sa bahay para sa prusisyon bukas - biernes santo. Siya ay si Maria Magdalena ang makasalanang babae na naisulat sa bibliya. Matagal na rin sa amin ‘yun dahil simula ng bata ako lagi nang kasama sa prusisyon. Sa tantiya ko mahigit na 50 taon pero matibay pa rin kahit kahoy lang.

    Sa mga oras na ito’y binibihisan na nang Nanay ko o baka tapos na kaninang umaga pa at nadala na sa simbahan. Isinasakay sa kariton at tinutulak namin paikot sa bayan simula at nagtatapos din sa harap ng simbahan. Pero ng ako’y humantong ng 11 years old, naging isa na akong sakristan hanggang sa edad na 16. Marami rin akong kalokohan na di pwede sabihin hehehe.

    Pagka-graduate ng highschool, sa seminaryo dapat ang bagsak ko ngunit pinili kong mag-aral ng Engineering sa isang unibersidad sa Metro Manila sa dahilang sikat ka kapag umuwi ng probinsiya . Karamihan sa kamag-anakan namin ay pawang nag-aral sa seminaryo. Sa mahigit 10 na mga kamag-anak kung lalaki na pumasok sa seminaryo, 3 lang ang naging pari ngunit 1 na lang ang natitira dahil lumabas ang 1 at nag-asawa, ang 1 naman ay nagumon sa bawal na gamot kaya pinagbawalan na siya ng Obispo na mag-misa o pinatawan ng Apostolic discipline - tama ba? Ang iba naman ay lumipat sa ibang eskwelan at sinunod kung anong gusto na kurso.

    Ang half-brother ko naman pagkagraduate niya sa UST Seminary ng 2002 yata ‘yun di ko na matandaan, nakalaya na rin at me ilang taon pa siyang makapag-isip kung babalik pa siya o hindi na. Ayun hanggang ngayon di pa bumabalik, nagresign na rin siya sa Letran College kung saan siya’y nag-tuturo.

    Kaya ngayong semana santa, nag-iisip ako ng malalim kung ako kaya’y pumasok sa seminaryo - nakatagal kaya ako? Nakalista na kaya ako sa tatawagin ni Jesus Christ… Tatanggapin ko kaya alok niya? Natandaan ko pa ang tanong ng Obispo sakin minsang panauhin namin siya sa isang hapunan sa bahay.
    “Oh Nick, kelan ka papasok sa seminaryo?”
    Ngumiti at sinagot ko, “Bishop, wala pang calling.”

    Aahhhhh lalo tuloy sumasakit ulo ko sa…