pLeAsE sAvE mE… - mOtHeR NaTuRe
Wednesday, September 27th, 2006-
Kahit saan tayo mapadpad, di pa rin natin makakalimutan ang ating pinagmulan. Dito ako lumaki na sakop nito. Dito na rin ako nag-aral hanggang hayskul. Tapos pagtuntong ng kolehiyo ay sa Kamaynilaan na ako nag-aral.
Matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa isyu na ‘to ngunit ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko rin ang tulong ninyo.
Ganito po ‘yun. Marami na tayong nababalitaan na hindi magandang nangyayari pagdating sa pagmimina. Marami nang buhay ang nakitil at maraming nawalan ng tahanan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dadagdagan pa ba natin ulit?
Bakit ko nasabi ito? Dahil sa ngayon mayroong isang Nickel Mining Company na nais sumira sa kagubatan namin. Na suportado naman ng ibang pulitiko na nagmamaang-maangan na sila’y kasabwat. Tunghayan po dito ang lahat ng detalye at dito naman para sa inyong suporta online. Walang bayad, ang kailangan lang ay ang inyong pirma kung gusto niyo rin na maisalba ang aming bayan.
Wala man ako doon sa amin ngunit ang puso’t isipan ay nandoon pa rin. Sa mga hindi pa nakabisita sa bayan namin, ang masasabi ko lang ay isa ito sa mga lugar sa atin na may angking likas na yaman.
Sabayan ninyo ako sa pagsigaw. “No to mining in Sibuyan Island!!!”.
Ang mga link na ibinigay ko ay nasa sidebar po ng aking tahanan.
Maraming salamat po!
SAM (Sibuyanons Against Mining) - A worldwide organization of Sibuyanons and concerned citizens with the aim of protecting the ice-age Sibuyan Island from the pre-approved nickel mining activity. Willing to give their lives for the protection of the island where the world’s densest forest flourishes, the Philippine’s cleanest river flows, and the majestic Mt. Guiting-Guiting dwells.

