Archive for the ‘NaTuRe’ Category

BeAcH pArTy - 01

Tuesday, March 27th, 2007
    Last Friday we were in Aramco Beach. Our group got a chance to celebrate the members birthday for this month. Dumating kami sa beach mga 630am - 7am kaya wala pang katao-tao.

    Here are some views of the beach.








    That’s all folks.. :)

ScHeDuLeD eNtRy 4 - LaNdMaRkS

Friday, February 2nd, 2007
    Ang sumusunod ay mga landmarks dito na nadadaan ko minsan. Medyo hindi lang maganda ang kuha dahil mahirap ang pwesto at tumatakbo ang sasakyan habang kinukuhanan ko ang mga subjects. Hindi ko rin alam ang mga landmark names :) Helpppp… Ann & KD:)

    The bridge connecting KSA & Bhahrain.



    Please click THIS for more pictures. Thanks… :)

ScHeDuLeD eNtRy 2 - Go… YaBaNg PiNoY!

Sunday, January 28th, 2007

Sumusuporta ako sa “Yabang Pinoy” Filipino Pride Campaign, kaya nagpabili ako sa isa kong kasamahan ng 40 pieces na yabang pinoy bands sa Pilipinas. Ang presyo nito ay P50/piece, gawa sa abaca, kahit mabasa at mainitan hindi nasisira. Ang mga yabang pinoy bands ay ipinamahagi ko sa mga kasamahan ko sa choir.

The “Yabang Pinoy” bands are currently made by men and women in Barangay Aplaya in Muntinlupa City. Barangay Aplaya is a depressed area by Laguna lake in Muntinlupa City.

The making of the bands is a source of livelihood or extra income for the people of Barangay Aplaya.

“Yabang Pinoy” is a project of Children’s Environmental Awareness and Action Foundation (CEAAF) whose thrust is environmental education on the richness of biodiversity in the Philippines. CEAAF is a beneficiary of the “Yabang Pinoy” project.

Proceeds from “Yabang Pinoy” go to projects that aim to instill pride among the Filipino people.

Sa mga gustong bumili at tumulong, please text (+63) 0917-5277141 or (+63) 0917-8151513 or visit www.yabangpinoy.com (nakalink din sa side bar ko) for more details.

PaSkO Na! PaSkO nA!

Sunday, December 24th, 2006
    Noong nakaraang biyernes, umatend kami sa thanksgiving at christmas party ng SAHI (Saudi Arabia Hiligaynon Inc.). May nakilala akong mga kababayan at kamag-anak na dito rin nagtatrabaho. Kahit na southern tagalog na ang province namin, pwede pa rin kaming maging kasapi nito dahil naging bahagi din kami ng western visayas noon. Hindi rin kami umuwi ng luhaan dahil halos lahat ay nabunot sa paraffle nila. :)

    ******
    Pasko na kupas… 2002, 2003, 2006… tatlong taon na dito ako magpapasko sa gitnang silangan. Kakalungkot man pero lilipas din ang araw na ito tulad ng paglubog ng araw… at sa pag-gising natin kinabukasan tuloy pa rin ang pakikibaka natin sa hamon ng buhay.
    C’est la vie…. praktis lang hehehe.


    Shot taken on our way home… after our weekend practice. Hindi kaya ng lente ko kaya malayo at tsaka tumatakbo pa ang sasakyan..

    More shots HERE….

    Maligayang pasko po sa inyong lahat at manigong bagong taon!

ReMiNg In KSA?

Sunday, December 3rd, 2006
    Noong nakaraang byernes, alas kwatro y medya ng hapon. Pauwi na kami galing sa praktis, malakas ang hangin, ulan at baha sa dinadaanan naming kalsada. Sabi ng isa kong kasama baka si reming daw yan bumibisita rin pagkatapos niyang manalanta sa Pinas.

    At pagdating sa bahay…. na kay master ang karugtong… :)

pLeAsE sAvE mE… - mOtHeR NaTuRe

Wednesday, September 27th, 2006
    Kahit saan tayo mapadpad, di pa rin natin makakalimutan ang ating pinagmulan. Dito ako lumaki na sakop nito. Dito na rin ako nag-aral hanggang hayskul. Tapos pagtuntong ng kolehiyo ay sa Kamaynilaan na ako nag-aral.

    Matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa isyu na ‘to ngunit ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko rin ang tulong ninyo.

    Ganito po ‘yun. Marami na tayong nababalitaan na hindi magandang nangyayari pagdating sa pagmimina. Marami nang buhay ang nakitil at maraming nawalan ng tahanan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dadagdagan pa ba natin ulit?

    Bakit ko nasabi ito? Dahil sa ngayon mayroong isang Nickel Mining Company na nais sumira sa kagubatan namin. Na suportado naman ng ibang pulitiko na nagmamaang-maangan na sila’y kasabwat. Tunghayan po dito ang lahat ng detalye at dito naman para sa inyong suporta online. Walang bayad, ang kailangan lang ay ang inyong pirma kung gusto niyo rin na maisalba ang aming bayan.

    Wala man ako doon sa amin ngunit ang puso’t isipan ay nandoon pa rin. Sa mga hindi pa nakabisita sa bayan namin, ang masasabi ko lang ay isa ito sa mga lugar sa atin na may angking likas na yaman.

    Sabayan ninyo ako sa pagsigaw. “No to mining in Sibuyan Island!!!”.

    Ang mga link na ibinigay ko ay nasa sidebar po ng aking tahanan.

    Maraming salamat po! :)

    SAM (Sibuyanons Against Mining) - A worldwide organization of Sibuyanons and concerned citizens with the aim of protecting the ice-age Sibuyan Island from the pre-approved nickel mining activity. Willing to give their lives for the protection of the island where the world’s densest forest flourishes, the Philippine’s cleanest river flows, and the majestic Mt. Guiting-Guiting dwells.

dAiLy LiFe

Wednesday, September 6th, 2006



    Reflections
    12″x16″
    Watercolor on Paper
    2006

    An eye is like a mirror that all things we see reflects on it. We also used it to witness the magnificence of the nature.

    Enjoy everyday life and do good things as long as we are still young… because someday will come that life melts like a candle… wick returns to ashes… and all of us want our souls be in heaven…

    Sometimes, we need to sacrifice inorder to make other people happy…

    Bahala na kayo umintindi ng gawa ko ah… Hahaba na masyado kung explain ko lahat. :)

    Happy weekend sa mga taga-gitnang silangan… :)

hUmId Me LiBaGin

Monday, August 7th, 2006
    Current Heat Stress Conditions
    As of 08/07/2006 09:27:32 am

    Dry Bulb Temp (°C)
    36.2

    Relative Humidity (%)
    46

    ‘Yan ang temperatura ngayon dito, pangatlong araw na. Kaninang umaga, paglabas ko ng bahay di pa ako nakakarating sa antayan ng service namin basa na ako ng pawis pati singit. Ang masaklap pa nito nakaka-suffocate dahil sa humidity.

    Habang naglalakbay na kami patungong planta, di na namin nakikita kung saan ang mga planta dahil sa kapal ng fog. Kung meron lang camera cellphone ko nakuhanan ko sana, kaya lang di pa kasama sa budget eh. :)

    Nakahinga lang ng maluwag ng makapasok na kami sa opisina… Wheeewww

    O baka kayo gusto niyong maranasan ang ganito.. Tara na maligo sa sariling pawis hehehe :)

eNdLesS pAsSaGe

Sunday, July 2nd, 2006

Endless Passage
Endless Passage
Water Color on Paper
16″ x 12″
2006
Photographer: Master

Life is survival - some people go elsewhere in order to provide his/her family a greener pasteur. Some succeed, some failed… and others are satisfied for what they’ve got.

Vine, trailing plant,creeping plant, liana, creeper - any plant, whether woody or herbaceous, with slender climbing or trailing stems. It may climb by tendrils, twining, or holdfasts or simply run along the ground.
******
Matagal din akong di nakapagpost ah. Inabot din kasi ako ng katamaran :) At ang sobrang init dito na lumalagpas pa sa 40 degC ay nakakaapekto talaga sa katawan para manghina at hindi na lumabas ng bahay.

Pero kapag biyernes, nakagawian ko na talga na pumunta sa tabing-dagat at maglakad-lakad sa tubig. Mamulot ng seashells at mga bato-batong kakaiba sa paningin ko. Di mo namamalayan pagabi na pala at nabawasan na naman ng isang araw ang pakikibaka sa gitnang silangan.

Ang pagbabalik ni Baldo :)

hOpElEsS

Friday, June 23rd, 2006

Hopeless
Hopeless
Watercolor on paper
16″x12″
Photographer: masterbetong

Five hours (for two nights plus five minutes for final coating) in the making. :)

“Hopeless” - A woman, represents our mother earth. Shows, dress getting more bulky and overlapping - that is the crisis she carries and encounters in everyday life. The background, supposed to be totally green but the air pollution (dark color) slowly destroying it.

Back view? For the reason that the problem is her face! hahaha… :) Joke

Seriously, she doesn’t want us to see her crying. :(

Save our mother!!!