Archive for the ‘JoKeS’ Category

nAnG iSiLaNg Si DiEgO

Sunday, July 9th, 2006
    Isang kwentong kathang isip mula sa tahanan ng isang Dyosa (di pa nag-kukrus ang aming landas kaya di ko pa kilala) umikot-ikot na parang buhawi ang kwento, napadpad sa gitnang silangan kay KD at dahil sa sandstorm napunta ng Luxembourg, ethel. Sa hindi malamang kadahilanan bumalik ulit sa gitnang silangan pero nalihis ng landas at sa akin inihampas ng mainit-init na hangin.

    Mechanics:
    1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya.
    2. Itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
    3. Mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
    4. Sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
    5. Bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

    Whew. Ang hirap ng pinapagawa… lumabas ang mga litid ko sa noo at tumulo ang sipon ko na may kasamang dugo sa pag-iisip. Nagkaroon tuloy ako ng eye bugs dahil sa hindi makatulog ng maayos. Di mabilang na hibla ng buhok ang nakita kung nagkalat sa banyo kaninang umaga habang ako’y naliligo dahil pa rin sa gawaing ito.

    Ok.. ang napili kung magtutuloy ng aking kwento ay si….. maam tekla… na aking anak-anakan… Isang mabagyong araw para sau. :)

    Ang katapusan ay sa ika sampung(10) tag..ano kaya ang magiging wakas?? Katuwaan lang… at sana nga ay matuwa kayo….

    Ang Karugtong… Kabanata 7

    “Di ko talaga matanggap sa aking sarili na sa ilang taon nating pagsasama ganyan ka pala”. Mangiyak-ngiyak na sambit ni Gabriela.
    “Mabuti na lang at inamin mo agad sa akin kung ano ka talaga. Paano na lang kung nagpakasal pala ako sa ‘yo?” dugtong pa nito.
    Si Diego ay nakayuko lamang at hindi umiimik habang nakikinig. Isang huling halik sa pisngi sabay bulong ng “bye” at umalis na si Gabriela… Hindi na babalik kailanman.

    “Eiwwww humalik pa.” bulong ni Diego sa sarili… Nang makita nyang nakasakay na ng taxi si Gabriela, bigla siyang tumalon-talon at sumigaw ng, “Malaya na ako, dalaga na ako…”. Diyata’t isa palang lahi ni Eba si Diego.
    “From now on, Digna is my name”, ang sabi niya sa sarili habang nakaharap sa salamin.

    Tinawagan niya agad ang kanyang matalik na kaibigang si Brando (a.k.a. Brenda) na nakakaalam sa lihim niya.
    “Hoy, bakla rampa tayo mamayang gabi may sasabihin ako sa ‘yong magandang balita”, excited na sambit ni Digna.
    Kinagabihan nga alas-otso ng gabi ay nagkita sila sa may Timog QC. Masaya silang nag-iinuman at nagpapakyut sa mga kalalakihan ngunit wala silang makuhang fafa. Lumipat sila sa Morato at pagkatapos ay sa Malate naman at doon ay nagpakalunod sila sa kasayahan hanggang abutan ng pagsikat nga araw.

    Ngunit isang gabing pauwi si Diego galing sa gimikan, sa isang kantong may kadiliman na malapit sa tulay ng Ilog Pasig, hinarang siya ng tatlong kalalakihan. Sabay tutok ng balisong at bulong ng isang holdaper, “Holdap ito, ibigay mo lahat ng alahas, cellphone at pera mo”.
    “Pede bang puri na lang po”, sagot ni Digna.
    “ Pu+@^& ‘*@ bakla ambisyoso ka akina na yang bag mo”, pagalit na sambit nito.
    Subalit sumigaw si Diego at nagtangkang lumaban. Bigla siyang sinaksak ng pangatlong holdaper dahil sa kabiglaan, napaigik siya at napaupo ng dahan-dahan. Di pa doon natapos ang kalbaryo niya. Binuhat siya ng kalalakihan at itinapon sa may tulay.
    “Splasssssssssssssh”. Tunog ng tubig pagbagsak ng katawan ni Diego… Sabay takbo ng mga holdaper, tangay ang mga nakulimbat sa kaawa-awang si Diego…

    Itutuloy…

    Maam Tekla ayan na ikaw na bahala bwahahaha… Haayyyy nakahinga rin ako… :)