Archive for the ‘ThIs Is Me’ Category

StAtUs

Wednesday, January 10th, 2007
    Inside a crystal ball
    Within a sealed dark box
    Heart throbbing
    Mind frozen
    Unable to hear anything
    Unreachable
    Wandering in undisclosed destination
    Beyond the murky skies

    In search of perpetual peace and happiness.

SiMpLe ThInGs

Thursday, November 23rd, 2006
    I’m addicted with these things since college days…

    I love wearing these native wristbands/bracelets, necklace and anklets. Recently, colleague ask me if what are the things i’m wearing… I just told them that it is a protection against bad spirits… :)

    Here are some of my native accessories collection, came from puerto galera, camiguin, romblon, subic, baguio and china (but made in tibet) given by a friend.


    Please click THIS for more. Thanks :)

    These are the simple things that makes me happy. :) For now, i’m starting to accept any gifts coming from you my blogmates.. You know what i mean :)

    For this coming two weeks i’m not be able to visit your blogs, we are very busy with our choir practice for the incoming all filipino community day…

    One more thing…… ah hmmm ate ann helpppp….

BrEaKfAsT oN kNeEkO’s tAbLe

Tuesday, November 14th, 2006
    Kaninang umaga mas maaga ako ng gising sa usual wake up call ko na 5:50am. Try ko kasing magsaing ng kanin para sa baon ko, kasi lagi na lang kaning lamig ang binabaon ko para sa tanghalian.

    So, habang nakasalang ang sinaing.. ako nama’y nag-aalmusal ng wheat chocolate cereal with low fat fresh milk. Try ko lang ang chocolate flavor, sarap naman. Pagtapos kong maligo sakto ring naluto ang kanin kaya lagay agad sa baunan…

    Ano naman ang almusal nyo sa araw na ito? O ano ang lagi nyong inaalmusal?

MeEt My NeW bAbY

Saturday, November 11th, 2006
    Last thursday, nagpasama ako kay KA PEPE na isang professional photographer d2 pati na rin sa ‘pinas. Marami kasi siyang alam na mga bilihan ng mga camera.

    Hindi pa ako nakakabili ng camera sa tanang buhay ko kaya pakakaingatan ko siya at mamahalin dahil mahal din ang presyo :). Tatlong buwan at kalahati na food & housing allowance ang ibinayad ko para makuha lang ‘yun. Sigurado payat na ako sa panahon na ‘yun dahil wala ng makain hehehe. So here you go, my new baby.

    Pagkatapos ng practice namin sa choir kahapon ay napagtripan kong kuhanan ang bahay na aking tinutuluyan tuwing weekend. Pati na rin ang mga nakadisplay ay pinagpraktisan ko. Mabuti na lang hindi pa nagsasawa sa akin ang mga kaibigan kong ito. Ang mag-asawa na ito ay schoolmates ko ng highschool.


    [erwin & marian with their two sons, luke & seth (inaanak ko)]

    Please click THIS to view more pictures or go to my gallery section.

GoNe FiShInG

Wednesday, November 8th, 2006
    Habang naglalaba at nagluluto ako ng hapunan kagabi bandang alas-sais… nag-ring ang cellphone ko, nasa kabilang linya ang isang kaibigan. Pupunta daw sila (matt, bong at rommel) sa dagat at mamimingwit. Pangatlong beses na nila akong niyayaya kaya lang busy ako sa ibang libangan kaya di nakakasama sa kanila. Sabi ko naman pag maaga matapos ang aking mga ginagawa, susunod ako.

    Samakatuwid, natapos ko ng maaga ang aking mga ginagawa. Kumain lang ako ng hapunan, nagbihis at sumunod sa kanila. Habang nasa daan ako, tumawag ulit… nagpapabili ng meryenda. Kaya dumaan muna ako ng tindahan at bumili ng softdrinks at chichirya.

    Pagkaraan ng 15 minuto nasa dagat na ako, me huli na silang tatlong pirasong isda. Hindi lang kami ang naroroon, meron pang ibang mga pinoy na nagpapalipas din ng lumbay sa pamamagitan ng pamimingwit. Malamig na ang simoy ng hangin at bilog pa ang buwan na tumatanglaw sa mapayapang karagatan. Naglakad-lakad muna ako sa baybayin habang nakikinig ng musika ng ‘cueshe’ sa aking mp3player.

    Pagbalik ko sa pwesto nila, tanong ako kung may huli na ulit. Sagot nila wala pa raw. Lumipas ang isa, dalawang oras wala na silang huli. Ba’t kaya? Dumating lang ako ah… :) Tapos kumakanta-kanta lang naman ako :)

    Inantok na si rommel kaya nagkayayaan ng umuwi bandang alas diyes ng gabi. Bukas ay mamimingwit ulit sila, gustuhin ko man sumama at bumili ng gamit hindi talaga uubra dahil sa praktis namin sa choir.

    Happy weekend ahead!!!