CaLLing?

    Tuwing semana santa sa bayan namin, me isang santong imahen na binibihisan sa bahay para sa prusisyon bukas - biernes santo. Siya ay si Maria Magdalena ang makasalanang babae na naisulat sa bibliya. Matagal na rin sa amin ‘yun dahil simula ng bata ako lagi nang kasama sa prusisyon. Sa tantiya ko mahigit na 50 taon pero matibay pa rin kahit kahoy lang.

    Sa mga oras na ito’y binibihisan na nang Nanay ko o baka tapos na kaninang umaga pa at nadala na sa simbahan. Isinasakay sa kariton at tinutulak namin paikot sa bayan simula at nagtatapos din sa harap ng simbahan. Pero ng ako’y humantong ng 11 years old, naging isa na akong sakristan hanggang sa edad na 16. Marami rin akong kalokohan na di pwede sabihin hehehe.

    Pagka-graduate ng highschool, sa seminaryo dapat ang bagsak ko ngunit pinili kong mag-aral ng Engineering sa isang unibersidad sa Metro Manila sa dahilang sikat ka kapag umuwi ng probinsiya . Karamihan sa kamag-anakan namin ay pawang nag-aral sa seminaryo. Sa mahigit 10 na mga kamag-anak kung lalaki na pumasok sa seminaryo, 3 lang ang naging pari ngunit 1 na lang ang natitira dahil lumabas ang 1 at nag-asawa, ang 1 naman ay nagumon sa bawal na gamot kaya pinagbawalan na siya ng Obispo na mag-misa o pinatawan ng Apostolic discipline - tama ba? Ang iba naman ay lumipat sa ibang eskwelan at sinunod kung anong gusto na kurso.

    Ang half-brother ko naman pagkagraduate niya sa UST Seminary ng 2002 yata ‘yun di ko na matandaan, nakalaya na rin at me ilang taon pa siyang makapag-isip kung babalik pa siya o hindi na. Ayun hanggang ngayon di pa bumabalik, nagresign na rin siya sa Letran College kung saan siya’y nag-tuturo.

    Kaya ngayong semana santa, nag-iisip ako ng malalim kung ako kaya’y pumasok sa seminaryo - nakatagal kaya ako? Nakalista na kaya ako sa tatawagin ni Jesus Christ… Tatanggapin ko kaya alok niya? Natandaan ko pa ang tanong ng Obispo sakin minsang panauhin namin siya sa isang hapunan sa bahay.
    “Oh Nick, kelan ka papasok sa seminaryo?”
    Ngumiti at sinagot ko, “Bishop, wala pang calling.”

    Aahhhhh lalo tuloy sumasakit ulo ko sa…

13 Responses to “CaLLing?”

  1. leizel Says:

    hmmmmm….may balak ka bang bumalik sa seminaryo??

  2. jlois Says:

    wag mo nang hintayin ang calling kneeko, baka nga wala talaga.pwede k nmang mag-serve kay jesus christ kahit hindi ka mag-pari.

  3. arch_aces Says:

    Mmm, di ko comment sa calling. Comment ako sa makasalanang babae na binibihisan sa house niyo. Meron kasing study sa National Geographic na Mary Magdalene is the most trusted disciple of Jesus Christ. Remember, sa kanya nagpakita si Jesus upon ressurection which his male disciples vehemently disagree. Sa kanya sinabi ni Jesus ang salitang “Touch me not for I have not ascended yet to my father in heaven.”

    Also, in the fiction novel Da Vinci Code (lalabas na ang movie version nito after the holy week), it shows na she’s married to Jesus Christ. According to religious scholar, maaring di totoo na Jesus was ever married, but, “If” totoo na he’s married, they are sure na Jesus’wife is walang iba kundi si Mary Magdalene.

    Caution: Pardon to the believers, but I am not insinuating any, I’m just imparting what I heard, okey.

  4. micah Says:

    gusto nyo palang mag-sakristan ha?

  5. melai Says:

    kneeko,
    di halata

    melai

  6. bianca Says:

    wow. astig naman ng angkan niyo :)

    sa tingin ko, tama yung ginawa mo na.. pinili mo kung anu gusto mo! hahaha. good luck! :)

  7. masterbetong Says:

    fr. mouse? padre daga? panget!

    wag mo na karirin yan! saka sabi nga ni kabise para kang “payat na aso”

  8. kathy Says:

    ..hehe buti na lang di ka tumuloy kundi mas dumami pa kasalanan mo nyee (joke lang po,wag ka iyak ha^_^)
    tsaka tama sabi ni master..Fr.Mouse?(di bagay)haha..pakabait ka na lang sa pusa ok?

  9. lianne Says:

    pari? hala! haha! good luck na lang. basta don ka sa gusto mo. ;)

  10. pintor Says:

    @leziel, papasok at lalabas lang mga wala pang 1 oras. hehe

    @jlois, tama ka po. lay minister na lang kaya ako…

    @arch, controversial nga ‘yang da vinci code… pero papanoorin ko pa rin.

    @micah, sakristan mayor hehehe

    @melai, anong di halata huh hmmmm na luko-loko ako?

    @bianca, hehe ito ang gusto ko - royal tru orange… hehe

    @masterbetong, daga na tapos aso na naman? wheew

    @katya, honga nga dami na yata kasalanan ko? nakiyaon na naman kay master hmmmp

    @lianne, tnx po… gusto kung mag-swimming sa balong malalim… :)

  11. Royce Says:

    ‘Preng Nick, pag vocation mo ang mag pari, di na pagiisipan pa yan. Dadalhin ka na lang doon ng kalooban mo…Baka kailangan eh paghintay ka pa ng “sign”? Good luck to you…

  12. pintor Says:

    @royce, tama ka dyan… thanks..

  13. vince Says:

    hmm, tagal na itong post na ito, pero pwede makikiraan and post na rin?

    Sigurado ka ba na si Maria Magdalena yung bini-bihisan ng nanay mo dati? :D parand di yata?

Leave a Reply