bYe ErAp
-
Nalungkot ako sa balita ng pinsan ko tungkol sa pagkamatay ng ama ng former gf ko for seven years (1994-2001). Isa siyang optometrist, mabait na asawa, ulirang ama sa apat niyang mga anak.
Ang ikinamatay nya ay cancer of the liver, February lang na-detect at anim na linggo lang ang itinagal niya sa hospital. Nang nasa ICU siya, bumaba na ang blood pressure at unti-unting kinapos ng paghinga dahil naapektuhan na rin ang baga niya. Sa darating na April 16 ay 60 years old na siya, doon na mag-cecelebrate ang mag-anak sa Manila Memorial Park. Last March 13 pa namatay ngunit ngayon ko lang nalaman dahil kinokontak daw ako ng kapatid ng ex-gf ko ngunit hindi na ko makontak dahil nagpalit ako ng mobile number at bumalik na nga ako dito sa Saudi.
Naalala ko sa loob ng pitong taon na pabalik-balik sa bahay nila, pag wala akong pasok lagi niya akong niyayayang uminom sa karaoke bar. Sa kanya ko naramdaman ang maging isang anak dahil sa wala nga akong nakagisnang ama simula ng ako’y magkamalay. Tumutulong ako sa Optical Clinic nila pag wala akong klase sa eskwelahan. Ako ‘yung nag-dadala sa Quiapo ng mga salamin na pinapahinang,pinapatubog, pakulay ng salamin at marami pang iba. Malayo-layo rin ang bihaye dahil sa Valenzuela pa sila umuuwi, ganunpaman ako’y natutuwa dahil puntos ‘yun pagdating sa relasyon namin ng anak niya.
Minsan nga ‘yung ex-gf ko pa nga ang pinapagalitan nila pag inaaway ako. Mabait din ako ng mga panahong yaon dahil isa ako sa mga coordinator Sa Catholic Life in the Spirit Seminar sa lugar nila. Kung saan sila pumunta ay lagi akong kasama, parang isang pamilya.
Pero ng mag-trabaho ako sa Bacolod, nag-kalabuan kami ng anak nya at nagkahiwalay. Pagraan ng ilang buwan,nabalitaan ko na lang na nag-pakasal na at iniwan ako ng tuluyan. Siguro dahil sa panahong ‘yun ay wala pa akong plano sa buhay. Wheew, tama na nga nagagaya na ako kay lojika ah. Sabagay, lahat naman tayo,y may pinagdaanan na kalungkutan.
Nagtataka ba kayo kung ba’t Erap ang tawag ko sa kanya? Dahil kamukha niya si Erap. Sumalangit nawa ang ‘yong kaluluwa Tito Nonie.
April 8th, 2006 at 8:42 pm
i’m sorry ..kaya ka pala malungkot
nakikiramay ako sa pamilya ni ex mo
at sayo na rin sa pagkawala ni tito Nonie mo
April 8th, 2006 at 8:54 pm
nakikiramay ako
April 8th, 2006 at 11:12 pm
April 9th, 2006 at 8:51 am
nagulat ako sa post title mo, kala ko tuloy si erap estrada talaga yung pumanaw, parang tabloid style, kapangalan pala
nakikidalamhati ako sayo
April 9th, 2006 at 12:23 pm
@melai, opo lungkot talaga ako.
@sirena,
:(
@jlois, ganun talaga life…
@cruise, pede na ba mag-sulat sa tabloid?
April 9th, 2006 at 12:55 pm
nakikiramay ako dre, alam kong masaya na siya at mapayapang iniwan ang mundo dahil alam niyang hindi ikaw ang nakatuluyan ng anak n’ya!!!
April 9th, 2006 at 10:28 pm
lol!
malungkot na nga master e
pinasasaya mo pa!!!
wag mong pasayahin sus
hayaan mong namnamin niya ang lungkot
ng pagpanaw ng supposed to be biyenan niya
naman to oo!!!
April 10th, 2006 at 12:43 am
Talagang ganyan una una lang yan. Pero gaya nga ng sabi ni Master, he’s peaceful now na maiwan anak niya kasi may iba ng nagmamahal sa kanya.
April 10th, 2006 at 12:21 pm
@master, honga eh.. buti na lang di ako napangasawa baka lalo napaaga pa.
@melai, ninamnam ko na po ng isang gabing lumbay.
@arch, hala nakiayon na naman to kay master wheew…
April 10th, 2006 at 12:28 pm
aww. nakikiramay ako.
woah! ang tagal niyo a! seven years?! at bakit naman kayo nag break?
April 10th, 2006 at 7:54 pm
ah..napakasaklap…ako’y nakikiramay:(..ng mamatay ang tuta ko sobrang sakalap na sakin nun..ano pa kaya kung tao…
April 10th, 2006 at 8:25 pm
bianca, nakalimutang isuot nung ex n’ya ung helmet!
April 11th, 2006 at 12:51 pm
@bianca, kaya tumagal ayaw ko siyang pakawalan eh. hehe. Break na raw kasi mahina na tuhod ko.
@ruth, malungkot tlaga tayo pag me pumanaw na mahal natin sa buhay…
@master, anong helmet na naman yan?