BrEaKfAsT oN kNeEkO’s tAbLe

    Kaninang umaga mas maaga ako ng gising sa usual wake up call ko na 5:50am. Try ko kasing magsaing ng kanin para sa baon ko, kasi lagi na lang kaning lamig ang binabaon ko para sa tanghalian.

    So, habang nakasalang ang sinaing.. ako nama’y nag-aalmusal ng wheat chocolate cereal with low fat fresh milk. Try ko lang ang chocolate flavor, sarap naman. Pagtapos kong maligo sakto ring naluto ang kanin kaya lagay agad sa baunan…

    Ano naman ang almusal nyo sa araw na ito? O ano ang lagi nyong inaalmusal?

22 Responses to “BrEaKfAsT oN kNeEkO’s tAbLe”

  1. Raquel Says:

    Ay si Kneeko parang may gatas pa sa labi, hahaha. Kumakain ka ng cereal with milk pa, pangpa kinis kutis ba yan?. Baby lang kumakain nyan ah…

    Lunch na agad sakin kse madaling araw na ako gigising.

  2. utakGAGO Says:

    kadalasan, ang almusal ko - may kanin.

    kahit ano naman pwede, kahit tira-tirang ulam nung kinagabihan. kahit kaldereta. ayoko lang talaga sa umaga na MAY SABAW, tulad ng nilaga, sinigang.

    at ayoko rin ng pancit canton o iba pa para sa agahan.

    KANIN TALAGA ANG DA BEST!

    *pero naglalaway pa rin ako sa cereals. hihihi*

  3. Vince Says:

    almusal naman tayo ngayon… sa akin as usual, dalwang pirasong pandesal at isang tasa ng tsaa wiht milk, yung lang, ah, may sandwich spread pala, nakakasawa na, walang kanin. :)

    kuy! sensya na nalito ako kaya yung na-post kong comment napunta sa kablang entry, sorry po.

  4. gracita Says:

    wow, diet ka ba? bakit cereals lang? sabagay, mas ok nga yan. magaan sa tyan. kasi pag kanin, parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. pero favorite ko parin ang kanin! longsilog, togilog, tapsilog…at kung anu ano pa basta may ilog, favorite ko for breakfast! :)

  5. ann Says:

    Ako almusal ko blog..hehehe.

    Breakfast ko rice dahil kasama na rin dun ang lunch.

  6. sasha Says:

    Almusal ko Quaker Oats saka coffee… minsan naman, ganyan din, cereal, ung Koko Krunch with fresh milk hehe tsarap!

  7. camille Says:

    yum yum! cereals. haha.

    hindi na nga ako nakakapagbreakfast eh. tsk tsk.

  8. mousey Says:

    uy pakner parang parehas tayo ng mangkok ganyan na ganyan may tenga. hehe

  9. yen Says:

    buti nga ikaw kht kaning lamig at least kanin! e ako araw2 n lang sandwich ang lunch ko oha! pero d naman ako namamayat. puro tinapay lang kinakain ko sa ofc. gs2 ko yang almusal mo pero hndi ako pwde mag almusal ng gnyan or kht ano sa umaga, kc for sure matatae ako sa byahe hahahaha.

  10. yen Says:

    buti nga ikaw kht kaning lamig at least kanin! e ako araw2 n lang sandwich ang lunch ko oha! pero d naman ako namamayat. puro tinapay lang kinakain ko sa ofc. gs2 ko yang almusal mo pero hndi ako pwde mag almusal ng gnyan or kht ano sa umaga, kc for sure matatae ako sa byahe hahahaha.

    labo naman nitong comment m sbi duplicate comment daw ako at nsabi ko na daw to… wtf???!??

  11. yen Says:

    ayy uu nga duplicate nga hahaha… churi churi…

  12. eden Says:

    wow sarap naman ng breakfast mo brother:)at kanin for lunch? d best yan!

    ako breakfast ko kanina? ok 2 scrambled eggs(with salt and pepper) and 2 toast with butter and jam(yaks kaya d ako pumapayat eh)

    nice shot!

  13. karmi Says:

    wow, enge cereal kuya..

    actually, di ako masyadong nag-aagahan.. dati nga kapag pumapasok ako ng iskul. MILO lang iniinom ko, solb na.. oo, importante ang agahan, pero di lang talaga ako nasanay na kumakain ng umaga..

    tapos ngayon, since dumarating ako ng umaga, kumakain din ako ng konting agahan, tapos tulog na.. hehehe.. :)

  14. Steel Says:

    I eat breakfast sometime around 9 to 11 am. Minsan isang kainan na lang para altanghap!

    Koko krunch…mmmmm!!!

  15. manilenya Says:

    naks naman nagamit na ang canon SLR nya …tsk tsk tsk..pero alalahanin mo pre sandaling panahon lang sayo yan ..lapit na bertday ko diba bukod sa kape naipangako mo na sakin yan wahehehehehe bilang ka na lang less than 30 days lol!!

  16. Ferdz Says:

    Ang galing! I like the quality of the photo and saturation. Ayus yung composition. You can sell this as a stock photo.

    I usually have quaker oats mixed with fruits and also some ham and eggs with wheat bread

  17. kneeko Says:
      @raquel, hehehe ayan tinanggal ko na..meron pa ba?

      baby pa naman ako kasi kunti pa ang buhok :)

      @utakGAGO, ok pa rin nga ang kanin basta may ulam hehe..

      pang-mabilisan kasi ang kautlad ng cereals eh…

      @vince, oh magkanin ka naman… aba tea with milk ka rin huh..

      honga eh nakita ko :) ok lang po

      @gracita,kunwari lang diet hehehe… lumalaki na kasi ang tiyan ko eh wheew.. sarap naman ang mga faborito mong kainin nakakamiss tuloy hehehe..

      lalo na sa tabing ilog kumakain :)

      @ann,honga almusal mo b-log agad hindi halata hehe

      @sasha, aba pede rin ako quaker oats hehe..

      @camille, wag kaligtaang mag-almusal… :)

      @mousey, pareho ba? free yan sa knorr noodle soup ata yun.. ganun din ba sau?

      @yen, yen & yen…sinabihan na ngang duplicate eh hehhehe chulit chulit talga :)

      sa inom na yan hehehe lagi ata kau tagay eh… dapat me baon ka palang inidoro o arinola sa paglalakbay mo? hehehe

      @eden, yup minsan naman tuna burger pag lunch..

      sarap din ng almusal mo ah..

      thanks..

      @karmi, eto o.. ganun ba.. sanayn mo na kumakain ka ng agahan huh..

      honga pala night shift ka minsan sa work…

      @steel, parang brunch na ung 11am ah… sabagay ganun din ako pag andyan sa pinas.. dahil tanghali na nagigising..

      @manilenya, nakupo… isang sakong kape na lang muna hehehe

      @ferdz, thanks idol.. :) san naman ung mga bumibili ng stock photos?

      quaker oats mixed w/ fruits? di ko pa try un ah…

  18. manilenya Says:

    lanya ayaw ko ng kape sawa na ko sa kape nu

  19. kathy Says:

    … pareho kayo breakfast ni Rina :) nyeee
    kiddo…

    tea time… gusto mo? ;)

  20. nona Says:

    waaaa!!!!late ako….
    sarap niyan ama…favorite ko yan COCO CRUNCH…minsan kahit walang milk pinapapak ko siya…
    breakfast ko?…toast bread with butter and orange marmalade, with coffee…

  21. Jaja Says:

    hindi na rin ako nakakapagbreakfast,diretsong lunch na ako kasi bandang lunch na ako nagigising.pero hindi pang-lunch ang kinakain ko, oatmeal and milk lang ang lunch ko.nyahahaha

  22. Pipay Says:

    Wlang breakfast…kape lang…3 pcs ng dates. yun na.

Leave a Reply