AsSoRtEd
-
Wheew.. one week na naman akong walang update ah. I’ve been busy for the past few days, practicing some stuffs for our future shows hehehe. Kwento ko next time kung ano ‘yun, di ba ate ann?
Inabot din ng 2 weeks ang ubo’t sipon ko, meron pa nga rin latak na lang. Sinabayan pa ng tooth ache kaya nakakaaburido. Pinatingnan ko sa clinic namin noong nakaraang araw tapos ang sabi ay wisdom tooth daw pero ang pakiramdam ko ay nabasag ang ung isang ngipin kung pinastahan. Kung kelan ka matutulog doon naman sumasakit kaya nakakaistorbo.
Last night, pumunta na ako ng hospital para malaman ko kung ano talaga. Pagktapos mag-fill up ng form dinala na ako ng isang filipina nurse sa syrian lady dentist. Tiningnan niya kung ano ang problema, ang sabi niya ay nabasag nga ung ‘filling’. Nang simulan na niya ang pag-aayos tinanong niya ako kung gusto ko raw turukan ng pampamanhid. Sabi ko naman hindi na, saka na lang pag di ko kaya.
Nakayanan naman hanggang matapos kahit medyo masakit
Babalik pa ako sa October 30 for final touch at pati ang iba ko pang ngipin na kailangan ng amalgam/composite (non-cosmetic) fillings or root canal treatment ay ipapagawa ko na rin. Cover naman kasi ng health insurance kaya walang problema.
******
Last week, ay umatend kami ng isang get-together dinner na tinatawag nilang “iftar” during ramadan. Hindi sana kami pupunta kaya lang intercontinental hotel ung nag-cater kaya go kami hehe. Hinintay munang lumubog ang araw bago kumain. Maraming pagkain ang nakahain, meron pa kaming naiuwi. Kahit parang kulog ang ubo ko at sumisinga pa, banat pa rin







Baka isipin nyo na malaki subo ko… Kunwari lang yan
prutas ang nilantakan ko
******
Volleyball Update:
Our semi-final game will be on sunday (22 oct) sana makapasok kami sa finals… pero imposible sa galing ng kalaban namin.
******
Baka nagtataka kayo dahil mahaba ang post ko. Eto ay dahil next week ay “Eid Al-Fitr Holidays”. From 21 - 24 ay wala kaming pasok, pag tinopak ako hanggang 27 na un
Sa pinas ata nagdeklara rin si GMA na ang october 24 din ay holiday para sa mga kapatid nating mga muslim. Gusto ko nga sanang pumasok para double pay pero hindi ako pinayagan ng boss ko.
Maraming salamat po sa mga dadalaw sa bahay ko kahit wala ako. Huwag lang kayong magkalat huh. Sa mga kablogmates kong andito rin sa gitnang silangan… ano naman gimik nyo sa darating na holidays?
October 18th, 2006 at 7:57 am
sarap naman! haba ng holidays! gagawin ko yan sa Nov 1-3… para diretso weekend.. 5 days din yun! hehehe
good luck sa laban! kulet ng pics mo pakner hehe
October 18th, 2006 at 11:33 am
aba mga nagfeeling bata!…bagay!^_^
sarap naman niyo, haba ng holiday…
ganda ng picture, yung me sunset at yung feeling lungkot lungkutan na may nakaupo…pwedeng lagyan ng kwento.(ano kaya title?)*esep*
Goodluck sa laro niyo sana nga makapasok kayo sa finals, galingan mo itay! walang imposible! basta galingan niyo…(haba ng comment ko ah…)
October 18th, 2006 at 11:34 am
Galeng ng mga ampon mo ah, pers and sekand onor…:D…mana sa itay..:)
October 18th, 2006 at 12:56 pm
eid mubarak! kami baka 1 wk ang off.. from 23 ang start kaya direcho na ng wkend un… pero ako sa nov 4 pa ko pasok kc leave na naman ako ng 1 wk after eid heheh.. kala m naman dami ko gimik ngyng holidays.. wala naman haha! kami dn may eid iftar sa sheraton naman pero baka d n ko pumunta dun at baka mag beach na lang kami hehe… pagaling ka!!! at talgang hndi yan wisdom tooth kc tapos ka na sa edad n yun haha.. biro lang!
October 18th, 2006 at 1:29 pm
nakalimutan ko na ang EID. oo nga pala, next week na yun! ang saya saya at bakasyon na naman!!
mukang napasarap ang iftar dinner natin ha? kahit kame, nahihirapan kameng tumanggi sa invitation lalo na kung sa masarap na resto ang kainan, hehe…
October 18th, 2006 at 1:54 pm
dadi! buti naman at magaling ka na!masakit bang magpapasta??
dadi..wag kang manghina ang loob..matatalo nyu yung kalaban nyu! AJAH!! yeah!!
October 18th, 2006 at 2:52 pm
naks! grabeh food trip ah! pero buti nalang di umatake ang tooth ache mo dun hehhe…hhmm laki nang subo ah! kunyari pa sha, obyos eh! hehhe…
tagal mong mag update baldo, buti nalang na tyempuhan ngayon pag bisita ko meron na.
Nice pics, gusto ko yong sunset, luv it!
October 19th, 2006 at 8:51 am
assorted comment:
at least nabawasan kahit papano ang sama ng pakiramadam mo. dapat lang laging enough rest and proper diet. *salamat po dok! hakhak!
waaah! i hate toothache! parusa talaga.
mukhang naenjoy mo naman pagsama mo eh. mukhang sulit. ganda ng sunset.
volleyball naman? gudluck…
wow. sarap! haba ng bakasyon!
October 19th, 2006 at 9:50 am
hay. kahit saang lugar talga, maganda ang sunset
October 19th, 2006 at 12:52 pm
naku super naman pala bakasyon mo eh
kind regards! love those pictures:)
October 19th, 2006 at 2:04 pm
ang sarap naman ng kainan na yan. kainngit!
October 19th, 2006 at 4:23 pm
ang kuleeeet mo talaga pare ko!! ano kaya yang show na yan??! aabangan ko talaga!!
matagal nga talaga ang ubo’t sipon! nakakainis.. minsan para kang asong kakahol-kahol! susme! at least ngayon, mga latak na lang! gagaling kna at magiging champion n kayo sa volleyball!! gudlak kuya!
taypsss ko naman yung mga picture lalo na yung naka-upo! dramatic ang dating..
October 19th, 2006 at 5:40 pm
kneenong.. buti naman at medyo ok na damdam mo..
kaw ba ung emote sa may upuan? hehehe.. ganda ng kuha ah..
gudluck sa laro kuya!!!
October 20th, 2006 at 1:41 am
sabi ko sa’yo eh.. tali mo na lang yan sa door knob.. wala ka nang pro-problemahim.. wala nang mababasag… hehehe.
“Baka isipin nyo na malaki subo ko… Kunwari lang yan
prutas ang nilantakan ko”
tsk. kuya, palusot ka pa eh.. hahaha!
Gud luk sa linggo.. galingan nyo! =)
October 20th, 2006 at 5:57 am
may 7up pa pala? hahahaha
kamusta naman dito?
October 20th, 2006 at 8:46 am
muslim ka? wow. regular holiday kami sa 24. weeeee.
October 20th, 2006 at 2:04 pm
ang saya naman! hunks!
October 20th, 2006 at 2:59 pm
grabe namang ubo yan,parang kulog?hehe
di kita nakilala sa pic,ikaw pala yung may cap..
sossy naman pala,go na shempre.
ganda nung pic nong sunset
October 20th, 2006 at 7:46 pm
Awright din ang chibugan nyo at InterCon pa nag-cater-wow! Masuwerte ka’t covered kayo ng Med-Den benefits. Super mahal ang root canal procedure dito kung wala kang insurance. Para ka ng bumili ng 2nd hand car! Ingat ka sa kalusugan mo…
October 20th, 2006 at 10:58 pm
Looking good in “hat” a, he he he. Sige tuloy mo lang yang pagsali-sali sa show. Malay mo next time, nasa Pinoy Dream Academy ka na, he he he. Wag lang si Rosita piliin mong lab team, he he he. Si Irish, pwede na, he he he.
October 20th, 2006 at 11:44 pm
eid mubarak na at mukang dami mong plano at walang update d2 ah hehe
October 22nd, 2006 at 7:27 am
naayyyyy ang NGA-AB..daku-dako gid ah!!! basi nick waya ikaw ninda ginapakauna dira???? heheheheh!! nag-abot na ang imo ginahuyat didto sa pungkuan???? sin-o gid baya adto ang imo ginahuyat???? enjoy ur vacation…regards sa tanan dira!!
October 22nd, 2006 at 7:53 am
life’s like that mah fren..sometimes we have to deal with the odds of life..well, di naman talaga ganun ka odd kasi ipin lang…mmm…ala lang ako ma-say…nice pix esp the sunset.
October 22nd, 2006 at 7:55 am
wooohhh..sunset yun o sunrise?hehe…sira mata ko…;)
October 22nd, 2006 at 11:31 am
isa sa mga mahirap na sakit ay ang sakit ng ipin lalo na kung aataki sa gabi, naku parusa talaga. sana oks na ipin mo
ganda din pala ng sunset sa middle east!
October 22nd, 2006 at 12:05 pm
hellow… matagal tagal akong hindi nakabisita… musta!!!
hari raya puasa! hahaha….
wow long break! ka-inggit… have fun!!!
October 23rd, 2006 at 6:11 am
Grabe… ang haba ng bakasyon ah… kakainggit naman, promise!
Kailan kaya kami magkakaroon ng ganyan kahabang bakasyon na kapag ginusto pang mag-extend ay puwede?
ENJOY YOUR LONGGGGGGGGGGGGGGGGGGG VACATION!
PS.
Anong drama ‘yung nasa pang-apat na pix? *smile* peace tayo!
October 23rd, 2006 at 3:39 pm
Nice sunset photo…relax
October 24th, 2006 at 12:09 pm
wow! parang ang sarap tumambay dyan sa bench habang pinapanuod ang paglubog ng araw..kung kelan ko naman naisipang mangapitbahay saka naman kau nagsisiwalaan..enjoy ur holidays kuya kneeks!
October 24th, 2006 at 12:17 pm
pagaling ka na baka mapahaba pa ang pagbabakasyon mo dahil dyan sa mga sakit-sakit mo..gudluck po sa game!! as of now..nasa beginners club parin ako ng volleyball team namin..hehe
October 26th, 2006 at 5:01 am
Tagal namang kainan to. Update ka na!
October 28th, 2006 at 9:46 am
kamusta na ang show at volleyball nyo, kwento mo naman
happy weekend.