aNak Ng NaNay

    Binulabog ko bandang alas dyes ng kagabi, oras sa Pilipinas ang aking ina. Alam ko tulog na siya dahil maagang natutulog ang mga tao sa probinsiya. Subalit kailangan ko siyang batiin ng happy mother’s night day kaya pinagising ko siya sa pinsan kong kasama niya. Mga sampung minuto ko rin siyang nakausap.

    Wala akong naging reklamo sa nanay ko, palagay ko she’s the best. Simula ng mag-kaisip at mag-aral ako, alam ko na iba ako sa mga normal na bata. Hindi ako nagtatanong sa kanya kung ba’t ganito? Ba’t ganyan? Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

    Namasukan siyang katulong sa mga kakilala niya upang may makain kami. Iniiwanan niya ako sa mga kapitbahay at kukunin lang pag-uwi niya sa hapon. Maraming hirap ang dinanas niya, hindi ko na iisa-isahin pa.

    Minsan dumating galing US ang kapatid ng ama ko, aampunin daw ako. Mga 3-4 years old na ako noon. Pinag-isipan ng nanay ko yaon,tapos nagdesisyon siyang hindi niya ako ipamimigay kanino man.

    Hanggang sa pagsapit ko ng pitong taong gulang, kinupkop kami isang malayo ng kamag-anak dahil lahat ng anak niya ay nasa Estados Unidos at wala siyang kasama. Tawagin na lang natin siyang Nana, itinuring ko siyang pangalawang Ina, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Siya ang nagdidisiplina sa akin, nagturo ng mga dasal, nagbihis sa akin ng magagarang damit at nagbigay ng mga gamit na kailangan namin.Kaya dalawa ang naging nanay ko.

    Nagtrabaho ang nanay ko sa kanya kapalit ng pag-aaral ko hanggang makatapos ng kolehiyo. Nang mawala si nana, siya naman ang itinuturing na nanay nga mga anak niya kaya dumami kapatid ko.

    “Cutttttttttt…” sigaw ni Direk Carlo J. Caparas. Tama na raw drama ko hehe. Mahaba na eh.

    Para sa Nanay ko na walang sawang sumusuporta sa akin, kung saan ako masaya andyan din siya. Sa mag-isa niyang pagtaguyod sa akin simula ng ako’y wala pang buhok at hanggang ngayon ay nawawala na rin. Sa pag-alaga niya sa akin hanggang paglaki, ngunit sa kasamaang palad ay maliit pa rin.

    Saludo ako sa iyo aking Inay, ginampanan mo ang gawain ng isang ama’t ina. At para rin sa mga katulad niya, humahanga ako sa inyo.

    Happy Mother’s Day to all Lolas, Single Mommas, Hot Mommas, Mommas to be, basta mommas ah!!!

26 Responses to “aNak Ng NaNay”

  1. leizel Says:

    pang komiks pala wento ng buhay mo kneeko hehehe…..kisses and hugs to your moms…mmmmwaaahhhhhhugsssssssssss

  2. neng Says:

    baket ba basta usapang-ina ang lungkot? :(
    kahit leyt na(kung saan-saan kcing lungga
    sumusuot ang daga)
    alles gute zum muttertag! lalo na sa mga nalulumbay!

  3. Baby Tutubi Says:

    E bakit ang Ina ko hindi mo ginrit? magtatampo kaya yun sayo! pero inferness paganda ng paganda ang dream house! heheh!!!
    Ang istorya ng buhay mo, hindi pang MMK o magpa kailan man. Alang panama.. Kung gagawa ako ng pelikula, buhay ng dalawa mong INa ang aking ibibida, o syempre maaawa ako sayo isasama na kitang extra.. wait .. nag-iisang anak kalang ba tlga? hmmm….
    Hapi mothers Day Ke MAMA, sa aking grandMa… maswerte sya to have u as her son, mabuti kang anak AMA AT mabuti akong apo.. hehhe

  4. kathy Says:

    …umm medyo naluluha na ko bigla mo naman sinabing cuttttt, grrrr!! kakaasar ka ;( nag-e emote pa lang ako eh, naudlot tuloy ;)
    …seriously speaking…hats off talaga ko sa mga nanay, of course to all Mom’s esp. my Mom and your Mom :)
    ..iloveyou Mom muahh! (di para sayo yan kneeko ;) para sa Mom mo ^_^ paki-send na lang kahit medyo late na.
    ..oops di na ko ban dito?hehe..tinanggap na rin comment ko yipeeee ^_^
    …hey,alin ako dun sa different Mommas?? tell me tell me ??

    -kathy-

  5. masterbetong Says:

    kaya pala bigla kang nagluto ng pritong talong at tuyo kagabi, nag-senti-sentihan ka pala. hehehehe!

  6. ethel Says:

    Una sa lahat Happy mothers day sa mama mo cackyut hehe.. akoy naguguluhan dami mo kaseng pangalan habibi.
    Ang galing mo sa pelikula tumutulo pa sipon ko dine heheh
    Pero lumabas naman ngalangala ko na naging panot ka?! hahaha coolit mo habibi.
    Teka hindi ako buntit ha, ikaw kaya ang mauntog jan cguradong himatayin ka hehe..
    Happy MOnday!

    yala masalam habibi

    PS. gwafa ng layout mo ngayon ah!

    PS pa uli akoy nawala bigla dito, kaya ang ginawa ko binaligtad ko tsinelas ko hehehe. namali ako ng comments nalagay ko sa previous post mo hehe.. nanibago lang ako sa haus mo habibi :)

  7. ann Says:

    Dapat lang talagang mahalin mo mga nanay mo. Naghirap pala sila sa pagpapalaki syo kahit di ka masyadong lumaki..hehehe.

  8. phoebe Says:

    wah! nanay ko naman nagmistulang katulong… mga tamad kasi kami dati. pero ngayon di na. hehe. teka, asan po ang inyong ama? wow, dalawa ina mo ehdi likas ka sa breast milk este sa pagmamahal pala. masarap nga ang maraming kapatid. Ako dalawa ate ko… ang dami diba. hehe.

  9. aloe vera Says:

    sigh! pa-senti ah, eh sa totoo lang parati ka sigurong sinasabunutan ng nanay mo dahil sa mga
    kalokohan, kaya naubos buhok mo :P:D

  10. arch Says:

    Kumusta na nga pala nanay mo? Di na ko nakabalik dun after hayskul. Enewi, treasure mo talaga family mo, nag-iisa lang yan! Dagdagan pa ba ang pag-i-emote . . . Pag-uwi ko sa June, daan ako senyo, tingnan ko kung marami pa rin roses and daisies, tsaka syempre, bayabas. dun pa rin ba kayo nakatira?

  11. kneeko Says:

    @leizel, hindi lang pang komiks pang pelikula pa hehe. Thanks.

    @neng, honga lungkot pag ganun. D aki makapagpost ng 14 eh, ban daw ako hehe.

    @tutubi, empre grit na rin un. Thanks.
    Hahaha ganun ba. Yup isa lang. Isandamukal hehehe

    Thanks again apotubi.

    @Kathy, eh mahaba pa kaya cut na muna hehe.

    Yup iba tlaga ang mga nanay.

    Ok ah.. pag nakausap ko nanay ulit sabihin ko hehe.

    Ban kaya kita hehe.

    Mommals ka dun sa mommas hehehe. ooopsss

    @master, sarap ng pritong tuyo at talong hehe. Honga eh minsan lang mag-senti L
    @ethel, salamat. Parami ng parami na nga pangalan ko eh. Hehe

    wala pang aksyon at rated-18 un hehehe. comedy at drama pa lang.

    San ka naman nauntog? Sa hangin? Hehe

    Ok na ba lay-out? Thanks.

    Hahaha ako rin namali ng una eh hehehehe

    @ann, opo ginagawa naman. Hirap na hirap nga silang palakihin ako wala naman nagawa. Wheew

    @phoebe, ayan dapat tulungan niyo nanay nyo. Sarap tlga dalawa ina hehe. ang ama ay me pamilya na.

    Ok yan dalawa ate mo.

    @aloe, hehehe… siguro nga ganun… sabunutan kita dyan sa ano eh… hmmmp

    @arch, ayun matanda na. Honga di ka na nagpunta dun sa bahay. Yup alam mo naman buhay ko hehe. thanks.

    Cge sabihin ko na dadaan ka doon. Para mapag-handaan ka hehe. iaabot mo na lang ang pasalubong ko huh hehe. kunti na lang roses, marami pa daisies sa likuran. Di ko pa nalalandscape eh. Hmmm bayabas wala na yata. Malaki na pinagbago dun. Hehe. basta pumunta ka sa bahay, isama mo gie.

  12. kaishie Says:

    wahahahaha ang drama natin ahh,… tuwa naman ako sa momi mo.. ang buti nya and talagang suppport all the way sya sayo… and sa nana mo rin na pinabuti ang kalagayan mo sa buhay.. hayyy grabe.. belated hapi mother’s day sa iyong ina.. BOW…

  13. ghee Says:

    aww..better late than never ang bati ko sa yo.

    ilang araw ko nang hinahanap ang comment box mo,nasa taas na pala? :)

    happy mothers day sa dalawa mong nanay..be proud of them and be happy :)

  14. aloe vera Says:

    HEHEHEH! :P

  15. TK Says:

    Ama totoo nga nag iisang anak kalang? base kc sa kwento mo ala ka nmang naisingit na kapatid mo.. ala ba tlga akong tito o tita man lang sa angkan mo? hehe!

  16. sweetskittles Says:

    sniff sniff.
    i do hope your mom reads this.

  17. melai Says:

    happy mothers day sa mom mo kahit huli na :)

  18. kneeko Says:

    @kaishie, paminsan-minsan drama din hehe. thanks..

    @ghee, honga tama ka kahit late ok lang.
    nalipat na eh hehe nalito rin ako nung una wheew.

    isa na lang nanay ko… sa kabilang buhay na ang isa. alam ko masaya siya doon :)

    @aloe, hmmmmp.

    @tk, yup. pero kalahating kapatid meron hehe..

    @switkitols, di nya mababasa to. :(

    @melai, salamat makakarating sa kanya :)

  19. yen Says:

    buti n lang sumigaw na c direk ng cuuuuttt.. kngdi baka naiyak na dn ako.. pwde pala pang MMK ang buhay mo eh hehe.. biro lang…

    ako nga d ko binati nanay ko nung mother’s day.. busy ako sa HK eh hahaha..

    im baccckkk…

  20. TK Says:

    Ah meron kang half-kapatid. bakit putol ba paa nya? or manananggal nman kaya? heheh! mayaman ba sya? papaampon ako sa kanya. pero syempre kaw parin ang orig kong ama, at pag me pinamana sya sa kin,, hahatian kita hehe

  21. lojik Says:

    huwaw nagdadrama rin pala si kneeko. “di bagay!” nyahah!

    mabuhay ang mga nanay!

    regards na lang sa nanay mo ah!

    pasenxa na late na kase maraming trabaho.(busy-busyhan)

  22. kneeko Says:

    @yen, pede na ba hehe.. me halong comedy naman hehe.

    pede mo naman greet nanay mo kahit late.

    welcome bak… pasalubong hehe

    @tk, waaaah kulit mo…. oo, putol lahat… manananggal..

    @lojik, di ba bagay hahaha..

    mabuhay… ok lang kahit late… unahin ang trabaho hehe

  23. TK Says:

    waaaaaaaaaaaa.. galit sya!

  24. bianca Says:

    Aww. Ang sweet naman ng post na ‘to. Sana makita ng Mom mo :)

  25. soul_seeker Says:

    Belated Happy Mother’s Day sa Nanay mo!

  26. aloe vera Says:

    pikon ka na? pa-hug na lang, sa nanay mo:P

Leave a Reply