aLa EyFrEn BaTA
-
Year 1999-2000 ng maadik ako sa larong billiards. Wala akong trabaho ng panahon na ‘yun kaya nang inalok ako ng isang barkada ko na magtrabaho sa kanyang bagong tayong negosyo tinanggap ko agad.
Ako namahala ng kanyang bilyaran na may walong mesa. Bibihira lang ako umuwi sa bahay kasi pede naman matulog doon. Hindi naman ako kagalingan ngunit nakakawili ang larong ito lalo na pag may pustahan mapa-9 balls, 15 balls, 8 balls o gagamit ng baraha. Inabot din ako ng mahigit apat na buwan sa bilyaran na yun na walang naipon kahit bola kundi ang bola at stick lang na dala-dala ko kahit saan.
Kagabi bumili ako ng gamit dahil may pa-try out sa kumpanya namin sa susunod na buwan. Pangatlong tako ko na ‘to, may kamahalan nga lang dito. Sa atin tumambay ka lang sa isang bilyaran makakabili ka magaganda pang second hand sa mga talunan sa pustahan.
Kailangan magpraktis muna baka sakali makasali sa company tournament namin dito. Sino ba pede lumaban ng tumbungan tumbukan dyan? Bukod kay master
July 13th, 2006 at 8:25 am
wow astig!
July 13th, 2006 at 8:34 am
dami mo nmn hobby
July 13th, 2006 at 9:30 am
ayan sa dami mong hobby napahanga mo tuloy si mam teks
July 13th, 2006 at 10:22 am
..yan tama yan kneeko, kesa basketball hehe…;) wag ka na manggugulo kila master ok? dami mo pala talent no? oops kelan mo ko ipipinta? hehe..pede ba pics. lang kokopyahin mo? hirap bumiyahe papunta jan sa Saudi eh, may sand storm di ba? :)hehe lol! joke lang po baka may magalit…trip ko lang mangulit ngayon ^_^
PEACE!! from Tokyo….kathy fades……………………………………..
July 13th, 2006 at 11:04 am
Akala ko tlga kanina sa unang tingin e pang samurai… hhehehe!!
July 13th, 2006 at 2:25 pm
naka naman… sargorista ka pala.. bwahaha whattaterm.. anyways, goodluck sa iyong ala efren reyes moves..
July 13th, 2006 at 11:28 pm
sa dami ng libangan buti meron ka pa oras para sa trabaho.. heheheh.
July 14th, 2006 at 5:37 am
haha! talaga tong si kneeks knucks,hilig sa
“balls” hehe
July 14th, 2006 at 6:44 am
akala ko chopsticks yan na bigay ni katyasan
tungkod pala ni ka BALdaDO! heheheh
July 14th, 2006 at 7:52 pm
…pards, jolens na lang tayo :-]
July 15th, 2006 at 7:02 am
Paint mo ba yan? watercolor or krayola?
Dalhin mo rito, may tournament sa Alissa Souk.
July 15th, 2006 at 10:26 am
ayan at least di ka na mapipilay saka feel ko this time magcha-champion na ang team ni master bwahahahahah
July 16th, 2006 at 11:58 am
di ako marunong mag-bilyar. haha. di nga ako nakikipaglaro sa mga pinsan ko eh, takot ko lang na masira ko billiard table nila. haha.
good luck sa practice-practice mo.
July 17th, 2006 at 4:52 am
@elle,
astigas ng mukha ko.
@teks, kunti pa nga eh hahaha
@melai, di naman magaling sa ibang hobbies hehehe
@kathy, opo tama ka rin.. malapit na ako magretiro sa basketball isasabit ko na ang uniform ko
sige sa tubig o sa buhangin kita ipipinta ok lang ba? hehehe
kunwari lang na madami ang talent
ooops wag makulit…hala fade away ka na
@naktubi, haiii ataiii hmmm parang samu nga ah
@jong, bago yan term mo ah hehehe… paran mymp ah.. efren bata moves in magical ways
@din-din, hati hati lang ang time… 8hrs lang naman ang work
@ghee, anything that goes w/ ‘balls’ count me on
@arielle, hmmmppp tsapstikin kita dyan eh…. tungkod pa nakakarami ka na huh hmmm
@royce, saan? bihagan ng jolens huh
@ann, pastel yan hehehe… nakupo marami magagaling dyan… d2 na alng ako
@kd, tama ka dyan, di na nga ako mapipilayan hehehe… ako nga siguro jinx hehehe….
@laureen, huh! nagwawala ka pala sa bilyaran sinisira mo ang mga misa? hehhe tnx…