sIxTy SiX hUnDrEd AgAiNsT fRiEnDsHiP
-
Jubail KSA, taong 2004, buwan ng Hunyo, pangalawang biyernes, alas-siyete ng umaga…pagkaraan ng 10 minutong ligo sa aming banyong komunal, isang nakakapanghina at nakakatulig na eksena ang nadatnan ko sa kwarto.
Ano ang gagawin ninyo kung madatnan ninyong wala na ang cellphone mo na nakatago sa ilalim ng unan na may kasamang wallet? Meron pang cellphone sa side table ngunit ang may kamahalan lang ang nawala at walang nagalaw sa wallet mo? Dalawa lang kayo sa kwartong magkasama? Kaklase mo ng kolehiyo at kumpare pa?
Sino ang lakas loob na pumasok sa kwarto? Sino ang nakakaalam na sa ilalim ng unan tinatabi ang mga importanteng gamit ko tuwing ako’y maliligo sa umaga?
Karamihan na pumupunta sa kwarto ay sa pintuan lang lagi, di makikita ang loob dahil may harang pa na kurtina at nasa dulo ang kama ko. May pagkamasungit pa ang kasama ko sa kwarto na noon ko lang nalaman.
Masaklap pa, di pa tapos bayaran nawala na agad sa loob lamang ng dalawang buwan.
Marami pang katanungan na ipinaubaya ko na lang sa TAAS.
Wala akong pinanghinayangan sa mga nangyari bagkus naging aral sa akin ‘yun sa pagpili ng mga tunay na kaibigan at hindi na bibili ng mamahalin na cellphone sana.
Hindi nasusukat sa tagal ng pagkakakilala ang pagiging magkaibigan… Ito ay nasusukat lamang sa pagtitiwala sa isa’t-isa, pagtutulungan na walang hinihintay na kapalit at walang halong inggitan.
“Trust is the best policy”
June 8th, 2006 at 9:52 am
since online ako and nakita ko yung pop out saying “1 new message”… tinignan ko na rin kung sino… and i found your comment…
ngayon ako naman ang magcocomment sa purong tagalog… *naks kaya ko kaya… hehehehe
base sa aking nabasa, may isang lamang katanungan na naglalaro sa aking isipan… bro how sure are you na yung ‘friend’ mo nga ang kumuha? follow up question… may puweba ba?
anyways, nakaka-relate naman ako kasi mas matindi pa dyan bro ang nangyari sa akin… ang kagandahan nga lang lahat ng nawawala ko as in LAHAT bumabalik… isa na siguro sa mga nawala kong gamit na bumalik ay ang aking wallet at pda!
kaya ang aking maipayo ay just pray… ako i just prayed lang talaga then bumabalik nman… effective sya bro… hehehehe
God bless!
June 8th, 2006 at 10:09 am
Kung 2 lang tlga kayo sa room na yon, palagay ko alam nman nyang siya ang alam mong kumuha… pero dahil nga sabi ni Paul wala kang prueba, gaya ng picture o video… kaya tatahimik ka nlang… moral lesson? maging maingat nalang next time…
Nangyari na samin yan, on the day of my wedding… nawala mga alahas ng Mama ko worth… wag nalang.. basta pwede ka ng makabili ng condo sa Ayala Alabang. Ang salarin??? Kamag-anak at super malapit sa amin… dahil ayaw naming me masaktan o masira ang family nanahimik nalang kaming lahat khit kumukulo ang dugo ko sa kanya..
Moral Lesson? baka naging pabaya din ang Mama ko kaya nasilaw ang walang kaluluwang yun…
Aba mahaba pa ata ito sa post mo… heheh! na carried away ako!!. maiblog nga rin ito!!
June 8th, 2006 at 11:32 am
let me re-live that day:
phone ringing
master: hello! ano ba ang aga nambubuwisit ka!
mouse trap sama ka ba sa opis?
master: ano gagawin ko doon?
mouse trap diba aayusin mo network?
master: tinatamad ako e! next week na lang!
after about 15 minutes:
knocking on the door, master is still sleeping
mouse trap dre! nawawala cellphone
master: t@ng ina wag mo nga ako lokohin! kakatawag mo pa lang sa akin e!
mouse trap nawawala nga!
master: pucha! pati ba naman ikaw ninakawan pa ng kaibigan mo.
marami pang nag-comment ng katulad sa akin. isa lang ang ipinagpapasalamat ko, kahit ninakaw yung 6600 mo binayaran mo pa rin utang mo sa akin! Hehehehe!
kidding aside, look at you now & look at him, sino ngayon ang mas blessed, bili na lang tayo ng n80!
June 8th, 2006 at 4:39 pm
tsk tsk tsk.. di ba nahiya o nakonsensya yong kasama mo? ang epal nun anoh? cguro kong ako yon binatukan ko kagad.
Naalala ko rin nung kolehiyala pa ako hehe aba yong levis Jeans ko isang beses ko lang nasuot. Nang nilabhan ko shempre sinampay aba sinungkit ng taga kabilang dorm, argh! Aba nag parinig talaga ako na ipa kuhlam ko, hehe… josmio, panakot ko lang yon di naman ako naniniwala ng kuhlam. aba mga ilang araw naka tupi sa may hagdanan hehe… umipek pala yong panakot ko.
June 9th, 2006 at 6:30 am
“trust is the best policy…”…mmmm..korak ka dyan!pagdating sa trust dyan ako madaling mabola…mdali kasi ako magtiwala…nway, sayang din yung celfon mo ha!di madali kitain ang datung ngayon!…n friendship..pinakaimportante ang tiwala..yun nga lang minsan yung least expected mo pa na tao will betray you…sana lang nakatulog ng mahimbing gumawa nun sayo..:(
June 9th, 2006 at 8:00 am
…sayang naman, sana pinasalubong mo na lang sa amin yun heheheeh
…enwei, hintayin mo na lang ang panibagong blessing na bigay ni Lord sayo, for sure di lang doble ang babalik sayo at di rin lang doble ang mawawala sa kanya.
June 9th, 2006 at 11:09 am
ibig ba sabihin nyan, cp ang wish mo sa pasko?
aws, 2004 pa pala yon! heheh
so, pede na rin ba akong makautang? pambili ng trash, trash can!
ang baba naman ng halaga ng pagkatao niya
June 9th, 2006 at 1:37 pm
may tanong lang ako, after m nadiscover na nwala ung fone mo, ksma m n dn bang naglaho ung friend m? sabay b clang nag disappear? at kng hndi, tinanong m ba cia kng cia nga ang kumuha (although prang ang awkward nga nun hehe), at nung nangyri ung incident n un cnu2 ang tao sa paligid nio aside sa friend mo?
sori dming tanong, prang gs2 ko lng cia masolve hehe.
happy wkend n lang
June 9th, 2006 at 4:45 pm
tama,”trust”..napaiksing salita pero napakalalim ng kahulugan..
ako rin,may phobia sa room mate nung single pa ako..at huli na ang lahat nang malaman ko,dami ko na palang jewelry na nawala,pati accessories..buti mumur lang
pero,sabi nga ni masterbetong;
“look at you now,and look at him”..so,mas blessed ka kesa sa kanya..
naisip ko rin yun,ano na kaya ang nangyari sa “friend” kong yun?
June 9th, 2006 at 10:08 pm
Di ba 3 lang kayo sa room nyo? Yun ba sana yung dapat kasama nyo last friday dito? Buti na lang di kayo natuloy..hehehe.
June 10th, 2006 at 5:33 am
@paul, nasagot ko na sa blog moa ng katanungan mo. pero sasabihin ko pa rin ang ibang detalye d2.
may mga nakaranas na sa kanya ng ganun, malingat lang may nawawala na.. dahil kaibigan ko siya me tiwala naman ako na hindi nya tataluhin.
pero nagkamali pala ako… 2 beses akong nawalan ng pera parehong food allowance ng empleyado. una sa opisina, kaming dalawa lang ang may susi.. tapos pangalawa sa kwarto naman, nasa envelope sa loob ng bag ko… wala akong magawa kundi manghiram sa mga kakilala upang may maibigay lang sa mga tao.
tama ka dyan.. dasal lang din… triple pa ang bumalik.
@babytubi, marami na talaga akong naririnig sa kanya. nasaksihan ko pa minsan may mga kinukuha siyang gamit sa opisina. tama maging maingat na lang talaga lalo na sa pagpili ng kaibigan.
aba! me kapareho ka rin ah… isang araw bago ang kasal ng pinsan ko nawawala wedding ring nila sa cabinet. alam rin nila kung sino ang kumuha empre malapit din na kamag-anak..
mabuti na alng hindi ako mahilig sa ginto… kung pede nga lang sana ang singsing na gamitin eh native na lang na gawa sa kawayan o yantok
@master,me reenactment pa ah hehe… empre naman utang dapat bayaran.
sana naman magbago na siya… para sa pamilya niya.
mahal ang n80 eh… tama na ko sa 4610… 3510 at 1100
@ethel, di pedeng mabatukan eh… 6 footer :)… muntik na nga akong sapakin ng kinompronta ko eh, buti na lang di niya tinuloy baka basag mukha ko :)…
nakupo usong -uso yan pag mga estudyante, lalo na sa mga boarding houses at dorm…
kulam ba kamo? :):)
@ev, ako minsan lang gumagamit ng trust este mali pala :)… oo naman dalawang buwan na sahod ko yun eh… tama ka dyan, minsan dahil sa inggit yan.
di ata nakatulog ng mahimbing nun… pero sana ngayon nakatulog na ng mahimbing
@clown, lumang modelo na yun 2 yrs ago na eh…
ok na ako ngayon… sabi ko nga triple na ang bumalik eh hindi lang doble
@neng, wish ko makapunta ng venice italy
utang na loob wag ka mangutang sa akin
:)
@yen, mga ilang buwan umuwi na siya sa pinas… dahil me ginawa rin pala siyang kabalbalan sa pinapasukan niya at dahil na rin sa palagi siyang pinag-uusapan ng mga tao.
kinompronta ko talaga siya tungkol sa mga nawala before, nabigla siya sa ginawa ko… dahil sabi niya dati nawalan din daw siya kasama ang ID niya pero nakita kong ibinalik niya sa ofis namin.
pagkatapos kong kausapin lumipat na ako ng kwarto nina master baka kasi di kami makatulog pareho sa isang kwarto.
wala naman mga tao… tulog pa karamihan dahil friday - off d2 d ba?
hapi tlaga weekend :):)
@ghee, tam ulit… ano kaya tawag sa phobia sa kaibigan? “friendophobia?” “buddyphobia?”:)
yan dapat tlga mumur lang hehehe… like native accessories…
baka nagbago na friend mo… mabibiyaan din siya sa huli..
@ann, toink, toink at toink pa
:)
simulan mo sa umpisa ang pagbabasa… toink toink again & again
:)
June 10th, 2006 at 6:00 am
hehe sensya ka na kneeks naligaw kami ni wisheart, dapat eh sa quipo kami pero naibaba sa makati. Kagabi habang nagbabasa si wishert ng post mo at ako naman ay hmmm ano ba ginagawa ko kagabi hehe, bigla akong nagulat sa boses ni wishert:
wisheart..dada nawalan ng cell si kneeko!
Ako: haaa kaya pala noong wednesday eh sa landline nya ako tinawagan.
sino kaya ang kumuha noon???
nagyong umaga ko lang napansin na lumang balita na pala ito hehehe
June 10th, 2006 at 6:26 am
imaw? kinawatan ka na naman? hay naku nick, paborito ka gid man ja baya nga kawatan ng mga kaibahan mo dira..kasi mabuot ka eh!! dapat minsan paluwason mo man ang imo sungay..tsk tsk tsk!!! kawawang celfone!! kaya sa masunod, maskin diin ka, nagapaligos or nagakauyo ka..day-a ang wallet kag celfone mo..panigurado lang!! isipa nalang na mas kelangan nya siguro ng atik ngayon kaya naubra niya adto..diba???? ingatzzzzzzz nalang lagi.
June 10th, 2006 at 9:24 am
jan ko balak mag-holiday sa August!
sama ka?
utang na lang ako sa labas kung di
fastbreak ka naman
pala pede sa loob (kornik) waaahhh
ubot na si boy
kahit isang pack lang!
June 10th, 2006 at 10:33 am
hahaha! nadamay pa tuloy si KD… sabi nga nya eh katatawag lang nung wednesday ah. hehehe…Umaga na kasi naduling yata ako.
June 10th, 2006 at 12:50 pm
@neng, send mo naman sa akin mga pix sa email ko pag natuloy ka…. thankss…
next week meron naman boy bawang hehehe
@ann, honga eh hehehehe…. hmmmm ano kaya gawa niyo? bat naduling ka? hahahaha
June 10th, 2006 at 12:59 pm
Ako rin Pareng Kneeko may re-enacment para sayo, ganito:
@Kneeks fafa: Whaaa! nawawala ang celfone ko.
@Kumpare: Talaga? Bka nahulog lang sa ilalim ng kama
*Kneeko peeping under the bed*
@Kneeko fafa: Whaaaaa! Wla naman eh.
@Kumpare: Imposibleng mawala yun. Dadalawa tayo dito eh, ibig bang sabihin may ‘dagang’ bahay dito na tumatangay ng celfone? Oi, pare, wala ako jan ha! Di ako klepto! Bka masapak pa kita jan!!!*face turns red*
@Kneeko fafa: huh? (thinks:di naman ako nananangay ng celfone ah)Sayang Pare, ireregalo ko sana sayo talaga ang celfone na yun eh. Malapit na bertdey mo diba? Sayang, nawala eh. Next time na lang ako mag reregalo sayo ‘tol.
Whaaaaa!ahahaha! Isipin mo na nga lang na gift mo sa kanya yun para malubag ang loob mo.
P.s. Ingat, bka mawalis mo ang sim card mo isang araw.
June 11th, 2006 at 10:12 am
@kd, hehehe…. nabigla nga rin ako may miss kol eh.. baka kako nadaganan lang ang celfon nu tapos nadayal ang number ko hehehe:)
@lir,dati pa lir… adtong 2004 pa..
@pipay,hahahaha….antindi mo rin ah… baka mawalis ko nga ang sim card.. o di kaya maapakan ko sa may beach hehehe:)
June 11th, 2006 at 2:16 pm
wahahaa!! hinagilap ko agad cellphone ko! hayip sa joke ah..
ahihihi
eto naman akin
common filipino mistakes
1.”ale pagbilhan ng colgate, ung close up.”
-an labo
2.”srdo mo ung pinto! lalabas ang aircon!”
-may paa pala ang aircon?!
3.”Yaya! salubungin mo ang skul bus ni jr!”
-edi namatay c yaya?!
4.”Anak tumabi ka s sasakyan!”
-pinatay din ang anak
5.”tinuka ako ng ahas!”
-may pantuka pala ang ahas?
at ang d best sa lahat
.
.
.
6.”Asan na ang tsani magbubunot ako ng kili-kili”
-binubunot pala ang kilikili!
bwahahahaa!!
-_-”ok nice try..
November 16th, 2007 at 9:10 pm
may customer kami dito sa internet cafe (maliit lang naman) 2 teacher na gay. tapos nakiihi, eh wala kaming public CR para sa mga customers. so dun sila nag wee-wee sa kwarto. after that i found out na nawalan ako ng pera. tapos tinrace ko kung san sya teach..pinuntahan ko..kinausap…pero hindi pinahiya…that day kasi sila lang naamn ang nakiihi samin eh….tapos ngayon…ako na kinakasuhan ng malicious msichief…nasira daw reputasyon nya…tama po ba yun