5 MiNuTeS ExTeNsIoN
-
5:50am, wake up call ko tuwing may pasok. Antok pa ako kanina kaya humirit pa. Anak ng pating… 6:12 na ulit ako nagising. Dali-dali akong nag-tootbrush, naligo at nagbihis. Habang pababa ng bahay 6:28am, inaayos ko rin ang long sleeves ko pero di ko na nagawang magtuck-in dahil sa pagmamadali.
Kelangan kasi before 6:30am andun na sa antayan ng sasakyan at inaabot ng 5 mins walk papunta roon, kaya lakad-takbo ang ginawa ko. Nang malapit na ako nakita ko ang service namin na umalis na mga 15 meters ang layo sa antayan. Mabuti na lang at nakita ako ng isa kong kasamahan kaya nasabihan niya ang driver na huminto. Kung hindi, magtataxi ako papasok, mahal pa naman ang pamasahe SR25 (around P350) wheeew.
Hingal kabayo ako habang paakyat ng sasakyan. Kunti lang ang pawis ko dahil hindi naman humid.
Sa panahon ngayon, “Time is platinum not just gold”.
September 2nd, 2006 at 7:49 am
nyahahaha napilitang mag-post :p
September 2nd, 2006 at 9:29 am
buti na lang binasa ko ulit di ko kasi nakita yung naligo e
September 2nd, 2006 at 10:56 am
Delikado talaga ang snooze o 5 minutes extension… ilang beses ko na rin napatunayan yan buti na lang malapit lang ang dorm ko sa campus.
September 2nd, 2006 at 11:44 am
Maniwala ako syong nakapaligo ka, lagi kasing puyat eh.
September 2nd, 2006 at 1:01 pm
bat tinanghali ka nang gising?
naglaro ka n nmnn ng favorite toy mo? hahaha!
September 3rd, 2006 at 5:04 am
tama ba narinig este nakita ko ,kelan ka pa natutong maligo ha dati wisik wisik ka lang eh hehehe yan lagi kasing puyat hehehe o simulan na karaoke session na yan ng malaman kung pwede nang isalang sa recording outfit ko ;P
September 3rd, 2006 at 6:59 am
@teks, hehehe… wala raw update eh… napilitan tuloy hehehe
@melai, pre… di mo talaga ako makikita habang naliligo wala ka naman sa loob ng banyo eh ehehe
@garnet, honga eh wheeew.. kelangan pagkagising wag na idlip ulit..
@ann, 3mins lang tapos na akong maligo ano… 2x pa akong naliligo sa isang araw… sa umaga at bago matulog hmmp
@ghee, hehehe sarap maglaro ng toy eh.. nakakarelax wheeew
@kd, grrrr… bat mo pinagkakalat na wisik wisik lang… kelan naman ang kantahan? magpapaturo ako kay tintin hehehe…
September 3rd, 2006 at 7:18 am
hi kneeko, mahal pala ng taxi dyan…d2 s kuwait 1KD lang(P175)so doble ang rate..kanina late din ako nagising.. no choice nagtaxi din ako papunta s office..
September 3rd, 2006 at 7:22 am
kneenong kasi… puyat parati! hehehe
next tyms po, sabihin nyo dun sa bus, magpa-late naman para di kau naiiwan… hehehe
September 3rd, 2006 at 8:25 am
Hahaha… wala lang, natawa lang ako sa nabasa ko/post mo. Alam ko feeling kapag naghahabol ng oras/nagmamadali, madalas kasing mangyari sa akin ‘yan… ‘Di ka naman ba nahulog sa hagdan kamamadali mo?
September 3rd, 2006 at 6:52 pm
yan na nga ba ang nangyayari sa mga 5 mins extension eh.. kya ako 2 ang alarm clock.. isang 440am at isang 5am.. pnakalate na ung 5am na gising kc kelangan by 530 umalis na ko ng bahay kng ayaw ko maiwan ng bus hehe.
September 4th, 2006 at 5:18 am
@miles, yup mahal basta papasaok ng industrial city…
@karmi, hahaha di naman.. minsan na-late din un..:)
@wendy, honga eh buti di ako nahulog sa hagdan namin na di pantay pantay ang steps wheew
@yen, aba aba nabuhay ah… ayos ah 2 pang alarm… kaw ang matindi sa puyatan ano…
September 4th, 2006 at 9:30 am
… run kneeko run ^_^ ok naman pala eh…at least nakita ka ng co-worker mo ;)ur lucky!o tapos na ba yung painting mo?
September 5th, 2006 at 5:13 am
haha sa panahon ngyaon. chinese gold. haha time is gold pala.. naku buti hindi init microwave dyan ngayon. kundi tagaktak ang pawis mo…
September 6th, 2006 at 8:24 pm
buti na lang hindi ka bumangon ng five minutes too late (ayay, kanta yun ah. hahaha.)
SR25? ikaw ba ay nasa saudi…tili yatang hindi ko alam ang lokasyon mo. hehe.