Archive for December, 2006
Sunday, December 24th, 2006
Noong nakaraang biyernes, umatend kami sa thanksgiving at christmas party ng SAHI (Saudi Arabia Hiligaynon Inc.). May nakilala akong mga kababayan at kamag-anak na dito rin nagtatrabaho. Kahit na southern tagalog na ang province namin, pwede pa rin kaming maging kasapi nito dahil naging bahagi din kami ng western visayas noon. Hindi rin kami umuwi ng luhaan dahil halos lahat ay nabunot sa paraffle nila.

******
Pasko na kupas… 2002, 2003, 2006… tatlong taon na dito ako magpapasko sa gitnang silangan. Kakalungkot man pero lilipas din ang araw na ito tulad ng paglubog ng araw… at sa pag-gising natin kinabukasan tuloy pa rin ang pakikibaka natin sa hamon ng buhay.
C’est la vie…. praktis lang hehehe.
Shot taken on our way home… after our weekend practice. Hindi kaya ng lente ko kaya malayo at tsaka tumatakbo pa ang sasakyan..
More shots HERE….
Maligayang pasko po sa inyong lahat at manigong bagong taon!
Posted in NaTuRe, OfW cOrNeR, CeLeBrAtIoN, SnApShOtS | 23 Comments »
Monday, December 18th, 2006
We had a great night last Friday… kahit nakakapagod ang biyahe na umabot ng more or less 10 hours back and forth masaya naman. Sa Liwasang Bonifacio, Philippine Embassy Riyadh, K.S.A. ginanap ang event.
Tatlong pyesa ang kinanta ng grupo, pagkatapos ng sports category. Hindi ko nakuhanan ng malapitan dahil nasa back stage na kami. I’m really proud sa mga contestants, kahit na giniginaw na ay emote pa rin sila. Umaambon that time, mabuti na lang hindi bumuhos ang ulan.
Hindi nasayang ang pagsuporta namin sa aming kaibigan na si Zena dahil siya ang nanalo at humakot ng maraming awards.
Natawa ako kay raquel at iskoo… hindi po ako kasali sa search, 30 yo above pwede pa siguro hahaha.

I met some photographers with their group named Cameraderie. Hope i can join them sometime. I took around 300 pictures, nakakaenjoy talaga hehe
Please check my Gallery for more pictures. Pinili ko na lang ang maganda sa paningin ko.
Thanks for the SE-Productions people for inviting us to perform and for their warm treatment toward us. Marami na naman kayong napasaya na mga kababayan natin at matutulungan sa bayan natin lalo na sa mga nasalanta ng landslide. More success to come!
Posted in FrIeNdS, OfW cOrNeR, CeLeBrAtIoN, EnTeRtAiNmEnT, SnApShOtS, WeAtHeR | 20 Comments »
Saturday, December 16th, 2006
Our mini concert last Thursday was a successful one. Ang nalikom naming salapi ay para sa dalawang bata na sina Miguel de Luna at Eloi Gabrentina, pareho silang dumaan sa kidney transplant. They are taking anti-rejection medicines for lifetime treatment. Sa sobrang mahal ng gamot ay hindi makayanan ng kani-kanilang mga magulang ang gastos kaya sa bantay bata-163 sila humingi ng tulong.


Nais kong magpasalamat kay ann (na naging photographer din) at kd dahil sa participation nina Justin at Josh. Ann, ikwento mo naman ‘yug tungkol kay josh hehehe…


Wala pa kaming pahinga dahil kagagaling lang namin ng Philippine Embassy sa Riyadh dahil nagperfom din kami sa Search for Ginoong at Binibining Pilipinas-KSA.
Sa susunod na ulit ang mga pictures, antok pa rin ako… Maraming salamat sa mga walang sawang bumibisita sa aking lungga.
Posted in FrIeNdS, OfW cOrNeR, CeLeBrAtIoN, EnTeRtAiNmEnT | 14 Comments »
Tuesday, December 12th, 2006
Eto na po ang pinakakahintay nyo…
Wala ako dyan kasi ako ang tagakuha hehehhe jokeee…
Mabuti na lang at hindi umulan ng kami na ang sasalang.
Kung hindi baka wala ng manonood sa amin.
Pagkatapos mananghalian ni Yani ay nagkaroon muli kami ng rehearsal. Hindi naman siya maarte, nagsuggest din siya kung ano pa ang mga dapat gawin para maayos ang presentation namin.
Around 1:30pm na yata kami nakasalang dahil pang-finale kami with yani. Nakakapagod, pero masaya naman.
Again, please click HERE for more pictures. Thanks… Sensya na ‘yan lang mga pictures wala pa ‘yung kuha ng mga official photographers.
Sa Thursday ay may mini concert naman kami sa isang British Compound. We will sing christmas songs. Ang malilikom na pera ay ibibigay sa bantay bata-163. May dalawang (2) bata kasi kaming tutulungan para sa patuloy na gamot nila. Hopefully maging successful muli. Makakasama namin dito ang mga anak nina Ann at Kd na sina justin at josh, luke anak ng kaibigan na kagrupo ko rin at tatlong batang kasama namin na nagperform din… sina kianna, nicole at cj.
Manood naman kayo…
Posted in ArTs, FrIeNdS, OfW cOrNeR, CeLeBrAtIoN, FaMe, EnTeRtAiNmEnT, SnApShOtS | 20 Comments »
Monday, December 11th, 2006
Bago ang presentation, iikot ko muna kayo sa venue… Prince Mohammed Bin Fahad Amusement Park, Half Moon Bay, Khobar.
May iba’t ibang rides na pwedeng paglibangan ng mga bata o matatandang isip bata… katulad ko hehehe :). Pero wala nang time kaya di na ako nakasakay. Tsaka wala rin ang tropa kong sina tintin, justin at josh… di kasi ako sinuportahan nina ate ann at kuya kd…. waaaaaahhhh…. Sigurado ako nasakyan na ni jong ang mga rides dito… hehe
Click THIS for more pictures… Thanks po.
Posted in OfW cOrNeR, CeLeBrAtIoN, EnTeRtAiNmEnT, SnApShOtS | 8 Comments »
Saturday, December 9th, 2006
Wednesday night dumating si Bayani. Sinundo siya ng Presidente ng grupo namin.
December 07, thursday ay buhos ang ulan magdamag. Ipinagdasal lang namin na hindi na umulan pagdating kinabukasan. Around 8:30pm, ay nagkaroon kami ng rehearsal w/ Bayani para alam niya kung saan siya papasok na part. Nakisaya rin siya sa munting tahanan na pinagdadausan namin ng praktis.
Napansin ko magkahawig kami ni yani sa ilong hehehe…


Muli, maraming salamat sa mga dumadalaw sa bahay ko kahit hindi na ako nakakasilip sa inyo.
Gusto nyo bang makita ang performance namin kahapon? 
Posted in ArTs, FrIeNdS, FaMe, EnTeRtAiNmEnT, WeAtHeR | 24 Comments »
Sunday, December 3rd, 2006
Posted in NaTuRe, FrIeNdS, WeAtHeR | 21 Comments »