Archive for November, 2006

MeEt My NeW bAbY

Saturday, November 11th, 2006
    Last thursday, nagpasama ako kay KA PEPE na isang professional photographer d2 pati na rin sa ‘pinas. Marami kasi siyang alam na mga bilihan ng mga camera.

    Hindi pa ako nakakabili ng camera sa tanang buhay ko kaya pakakaingatan ko siya at mamahalin dahil mahal din ang presyo :). Tatlong buwan at kalahati na food & housing allowance ang ibinayad ko para makuha lang ‘yun. Sigurado payat na ako sa panahon na ‘yun dahil wala ng makain hehehe. So here you go, my new baby.

    Pagkatapos ng practice namin sa choir kahapon ay napagtripan kong kuhanan ang bahay na aking tinutuluyan tuwing weekend. Pati na rin ang mga nakadisplay ay pinagpraktisan ko. Mabuti na lang hindi pa nagsasawa sa akin ang mga kaibigan kong ito. Ang mag-asawa na ito ay schoolmates ko ng highschool.


    [erwin & marian with their two sons, luke & seth (inaanak ko)]

    Please click THIS to view more pictures or go to my gallery section.

GoNe FiShInG

Wednesday, November 8th, 2006
    Habang naglalaba at nagluluto ako ng hapunan kagabi bandang alas-sais… nag-ring ang cellphone ko, nasa kabilang linya ang isang kaibigan. Pupunta daw sila (matt, bong at rommel) sa dagat at mamimingwit. Pangatlong beses na nila akong niyayaya kaya lang busy ako sa ibang libangan kaya di nakakasama sa kanila. Sabi ko naman pag maaga matapos ang aking mga ginagawa, susunod ako.

    Samakatuwid, natapos ko ng maaga ang aking mga ginagawa. Kumain lang ako ng hapunan, nagbihis at sumunod sa kanila. Habang nasa daan ako, tumawag ulit… nagpapabili ng meryenda. Kaya dumaan muna ako ng tindahan at bumili ng softdrinks at chichirya.

    Pagkaraan ng 15 minuto nasa dagat na ako, me huli na silang tatlong pirasong isda. Hindi lang kami ang naroroon, meron pang ibang mga pinoy na nagpapalipas din ng lumbay sa pamamagitan ng pamimingwit. Malamig na ang simoy ng hangin at bilog pa ang buwan na tumatanglaw sa mapayapang karagatan. Naglakad-lakad muna ako sa baybayin habang nakikinig ng musika ng ‘cueshe’ sa aking mp3player.

    Pagbalik ko sa pwesto nila, tanong ako kung may huli na ulit. Sagot nila wala pa raw. Lumipas ang isa, dalawang oras wala na silang huli. Ba’t kaya? Dumating lang ako ah… :) Tapos kumakanta-kanta lang naman ako :)

    Inantok na si rommel kaya nagkayayaan ng umuwi bandang alas diyes ng gabi. Bukas ay mamimingwit ulit sila, gustuhin ko man sumama at bumili ng gamit hindi talaga uubra dahil sa praktis namin sa choir.

    Happy weekend ahead!!!

ThIrD pLaCe? 5Th AnIv…

Saturday, November 4th, 2006
    Mamayang gabi ang huling laro namin sa volleyball para sa third place. Sana manalo kami… Pagkatapos nito ay next year na ulit ang paliga ng kompanya pero meron pang kasunod na indoor games sa darating na disyembre katulad ng billiards, bowling, table tennis, etc. Hindi ko pa alam kung sasali pa ako dahil sa busy ako lagi.
    *********
    Ang larawan na eto ay kuha ng isang linggo, sa aming bahay na pinagpapraktisan ng kanta. Umabot na sa limang(5) taon ang choir na sinalihan ko. Para maging masaya ay hinati sa apat ang grupo, bawat grupo ay may presentation.. mapadrama, comedy at sayaw. Hindi ko na ipapakita ang ibang pictures mahirap na hehehe:)

    *********
    Hindi kami nakasalang kahapon sa Filipino Fun Day. Nag-back out ang grupo at iba pang mga artists. Ang dahilan ay hindi ko rin pwedeng sabihin, mahirap na. Basta ang pagkakaalam namin ay hinanap daw kami ng mga taong gusto kaming makita sa entablado.

    Sa December 8 na kami muling mapapanood, sa Filipino Community Day together with Bayani Agbayani… See you there!!!