wAsTed
Sunday, October 8th, 2006-
Mahirap talaga magkasakit ang mga katulad naming nagtatrabaho sa ibang bansa. Walang magluluto ng pagkain, walang mapapakisuyuang bumili ng ganito at ganire.
Last tuesday, tinamaan ako ng sipon, sakit ng ulo at sore throat. Lagi kasing puyat dahil sa mga importanteng commitments na kinakailangan at dala na rin siguro sa pagbabago ng panahon, lumalamig na kasi.
Pero kahit may nararamdaman ako, ayoko naman na nakatambay lang sa bahay, kaya noong biyernes nanood kami ng stage play na binubuo at pinamamahalaan ng mga kababayan natin. Sinuportahan namin ung mga kaibigan naming actor at direktor. Nagkita-kita kami nina kd, ann & kids, nanood din sila dahil si tintin ay isa sa mga artista.
Pagkatapos naming manood ay kumain pa kami sa chili’s dahil may birthday at celebration na rin dahil sa success ng stage play. Ayun, alas-dos ng madaling araw na naman kami nakauwi kahapon kaya ng pumasok ako sa trabaho ay lulutang-lutang na naman.
Sa ngayon, may kunting ubo’t sipon pa ako. Salamat pala sa mga kaibigan kong nagbigay ng mga payo at sa pag-alala.
Sports Update:
Mamayang gabi ay may laro kami sa volleyball, magpapapawis muna. Sana manalo na kami para makapasok sa 2nd round.
