Archive for October, 2006

TiRiNg DaYs

Monday, October 30th, 2006
    Noong nakaraang gabi nakapaglaro din ako sa semifinals round ng volleyball tournament namin. Dalawang beses na akong di nakapaglaro kasi mas importante ‘yung praktis namin sa blocking para sa nalalapit na show.

    Natalo kami ng gabing yun kaya wala na kaming pag-asa na mag-champion at ang habol na lang namin ay third (3rd) place. Maganda naman ang nilaro namin, kinapos lang talaga. Pero kahit papaano meron naman akong nakuha na gasgas sa kanang tuhod ng hinabol ko ang bola. Mamayang gabi me laro pang isa, hindi na naman ako makapaglaro dahil may appointment ako sa dentista. May kailangan pa kasing pastahan na ibang ngipin kaya uunahin ko muna eto. Pagkatapos ay tutuloy ako sa praktis ng choir namin.

    The following pictures were taken during one of our weekend practice.

LeIsUrE aCtIvItY

Saturday, October 28th, 2006
    Back to work na naman, nakakapanibago wheeww. Actually, di lang naman puro lakwatsa ang ginawa ko. Naisingit ko lang yung pagsama sa mag-switharts na kd at ann, at sa mga bata. Nakita nyo naman ang mga pictures sa blog ni ann kung gaano kami kasaya. :)

    Siguro dapat ko ng sabihin kung ba’t lagi akong nasa al-khobar every weekend. Ako po’y isang member ng all male choir na tinatawag na ‘prime note ensemble’- the 1st filipino acapella choir in saudi arabia na may 33 members. Matagal na akong niyayaya ng school mate ko ng highschool na kumpare pa, ngunit ng july ko lang napagdesisyunan. Nag-audition ako sa grupo, tapos after one week nakatanggap na ako ng tawag na pumunta sa praktis nila. Kapag bago ka pa lang ikaw ay nasa probationary period or trainee. Napasok ako sa trainee na agad, pero kailangan ko pa rin sumunod sa mga rules and regulations nang grupo na hindi naman kabigatan. :)

    Masarap na mahirap sa grupo, kapag malapit na ang show kahit weekdays may praktis kaya minsan antok-antok pa pagpasok sa ofis. Ikaw ba naman ang bumiyahe ng mahigit sa 100km,nag-iisa lang kasi ang sasakyan kaya may 2 tao talagang mamamasahe. Pito kaming members na nakabase sa jubail. Sa pagkanta di naman ako nahirapan dahil member din ako ng church choir sa pinas. Sa ngayon marami na rin akong natutunan, katulad ng vocal placement, pagbabasa ng mga nota, etc… Pero ang mas importante ay ang nakita kung samahan, pagtutulungan sa iba’t ibang aspeto ng buhay lalo na ang pagkaroon ng beneficiaries sa bantay-bata163 taon-taon, pati na rin ang bantay-kalikasan ng abs-cbn.

    Sa November 03, guests kami sa isang Filipino Fun Day , organized by OKOR (order of the knights of rizal) kaya dibdiban na naman ang praktis. Take note, unang salang ko eto sa entablado dito. Ang huli kung pagsasayaw ay noong college pa ako sa isang organisasyon namin. Ang repertoire namin na may choreography ay ang mga sumusunod, ‘mamayang hatinggabi’, ‘inday, inday sa balitaw’ at ‘kalesa’.

    Here are some pictures from our thanksgiving concert last September 21 inside saudi aramco compound… :)

    Last July, the group for the first time competed in the 2006 world choir games organized by musica mundi which was held in xiamen, china. They represented saudi arabia and brought home a bronze medal. Next choir olympics will be on July 2008, graz austria… Hope makasama ako…

    Check this for more details about us.

    Nak nang… alas kwatro na pala ng hapon, naiwanan na ako ng service waaahhh… tatawag na naman ako nito ng susundo sa akin wheeew… nalibang kasi eh hayyy…

    More updates later… maraming salamat sa mga dumadalaw… :)

AsSoRtEd

Wednesday, October 18th, 2006
    Wheew.. one week na naman akong walang update ah. I’ve been busy for the past few days, practicing some stuffs for our future shows hehehe. Kwento ko next time kung ano ‘yun, di ba ate ann? :)

    Inabot din ng 2 weeks ang ubo’t sipon ko, meron pa nga rin latak na lang. Sinabayan pa ng tooth ache kaya nakakaaburido. Pinatingnan ko sa clinic namin noong nakaraang araw tapos ang sabi ay wisdom tooth daw pero ang pakiramdam ko ay nabasag ang ung isang ngipin kung pinastahan. Kung kelan ka matutulog doon naman sumasakit kaya nakakaistorbo.

    Last night, pumunta na ako ng hospital para malaman ko kung ano talaga. Pagktapos mag-fill up ng form dinala na ako ng isang filipina nurse sa syrian lady dentist. Tiningnan niya kung ano ang problema, ang sabi niya ay nabasag nga ung ‘filling’. Nang simulan na niya ang pag-aayos tinanong niya ako kung gusto ko raw turukan ng pampamanhid. Sabi ko naman hindi na, saka na lang pag di ko kaya.

    Nakayanan naman hanggang matapos kahit medyo masakit :) Babalik pa ako sa October 30 for final touch at pati ang iba ko pang ngipin na kailangan ng amalgam/composite (non-cosmetic) fillings or root canal treatment ay ipapagawa ko na rin. Cover naman kasi ng health insurance kaya walang problema.

    ******
    Last week, ay umatend kami ng isang get-together dinner na tinatawag nilang “iftar” during ramadan. Hindi sana kami pupunta kaya lang intercontinental hotel ung nag-cater kaya go kami hehe. Hinintay munang lumubog ang araw bago kumain. Maraming pagkain ang nakahain, meron pa kaming naiuwi. Kahit parang kulog ang ubo ko at sumisinga pa, banat pa rin :)

    Baka isipin nyo na malaki subo ko… Kunwari lang yan :) prutas ang nilantakan ko :)

    ******
    Volleyball Update:

    Our semi-final game will be on sunday (22 oct) sana makapasok kami sa finals… pero imposible sa galing ng kalaban namin.

    ******
    Baka nagtataka kayo dahil mahaba ang post ko. Eto ay dahil next week ay “Eid Al-Fitr Holidays”. From 21 - 24 ay wala kaming pasok, pag tinopak ako hanggang 27 na un :) Sa pinas ata nagdeklara rin si GMA na ang october 24 din ay holiday para sa mga kapatid nating mga muslim. Gusto ko nga sanang pumasok para double pay pero hindi ako pinayagan ng boss ko.

    Maraming salamat po sa mga dadalaw sa bahay ko kahit wala ako. Huwag lang kayong magkalat huh. Sa mga kablogmates kong andito rin sa gitnang silangan… ano naman gimik nyo sa darating na holidays?

bLaCk & bLuE

Wednesday, October 11th, 2006



    Life
    16″ x 12″
    Watercolor on Paper
    2006

    An abstract painting again. A person who is depressed, the world turns black in his sight. All he wants is to end his life by jumping into the river and drown his self. In the upper part of the painting, there’s a white bird flying symbolizes our guardian angel, begging not to continue in his act of stupidity.

    This subject reminds me of a friend who committed suicide around June last year. In the middle of the night, she called me up crying that she will end her life because her boyfriend cheated her by not telling the truth that he’s already a family man. It hurts her so badly. I advised and encouraged her not to do such horrible things like that. After a long minutes of confiding her, she thanked me a lot, exchange good nights. Then i went back to sleep without worrying on what she confessed to me.

    The next day, around 8am still asleep my mobile phone rang again. First, i thought it’s her again but when i listened to the voice behind the other line… it’s her mom. She called me up because she found out in her daughter’s mobile phone that i was the last person whom she talked to. I was shocked when she told me that my friend was in the hospital caused of sleeping pills overdosed.

    To make the story short, my friend woke up the following day. She survived in her attempt to end her precious life. Now, she’s contended and happy for being single but still waiting for a man who will love her forever.

    Hmmmm… No… not me :)

    I’m telling you blogmates…. I don’t want any friend who has a suicidal tendencies behavior. Please leave me alone wheeehehehe… :) :) :)

    Without a doubt, life is beautiful… don’t waste time to do the things that will make you happy… :)

FiNaL fOuR

Monday, October 9th, 2006
    Sa wakas nanalo din kami last night. Lahat ay maganda ang nilaro, walang gigil at kaba kaya may sopas kaming pinagsaluhan hehehe. So, pasok na kami sa final four with 2win-2losses card. Meron pa kaming laro next week pero no-bearing game na kaya ok lang manalo o hindi.

    Inabot ng 3rd set ang laro, dapat 2nd set pa lang ay kuha na kaya lang naungusan ng 2 puntos. Binigyan lang magandang laban ang mga manonood hehehe..

    Ang sarap ng pakiramdam ng ako’y pinagpawisan. Naglabasan ang sipon at plema ko hehehe… Sana bukas ay magaling na talaga ako..