5 MiNuTeS ExTeNsIoN
Saturday, September 2nd, 2006-
5:50am, wake up call ko tuwing may pasok. Antok pa ako kanina kaya humirit pa. Anak ng pating… 6:12 na ulit ako nagising. Dali-dali akong nag-tootbrush, naligo at nagbihis. Habang pababa ng bahay 6:28am, inaayos ko rin ang long sleeves ko pero di ko na nagawang magtuck-in dahil sa pagmamadali.
Kelangan kasi before 6:30am andun na sa antayan ng sasakyan at inaabot ng 5 mins walk papunta roon, kaya lakad-takbo ang ginawa ko. Nang malapit na ako nakita ko ang service namin na umalis na mga 15 meters ang layo sa antayan. Mabuti na lang at nakita ako ng isa kong kasamahan kaya nasabihan niya ang driver na huminto. Kung hindi, magtataxi ako papasok, mahal pa naman ang pamasahe SR25 (around P350) wheeew.
Hingal kabayo ako habang paakyat ng sasakyan. Kunti lang ang pawis ko dahil hindi naman humid.
Sa panahon ngayon, “Time is platinum not just gold”.