Archive for September, 2006

PaLuAn Na…

Saturday, September 16th, 2006
    Kahapon ang grand opening ng basketball & volleyball tournament ng company namin. Inaabot ng dalawang oras ang biyahe ko from Al-Khobar kaya late na ako ng dumating. Kung may sariling sasakyan aabutin lang ng isang oras ang biyahe. Ang team namin ang susunod na ipakilala ng dumating ako kaya takbo ang ginawa ko upang makahabol :).

    Share ko sa inyo ang mga pictures… :) Gumamit na lang kayo ng sunglasses kung kayo’y nasisilaw :)

    Tonight will be our first game. Sana manalo at makapasok sa top four.

nOsTaLgIa

Wednesday, September 13th, 2006



    Sleepless Night
    12?x16?
    Watercolor on Paper
    2006

    Isang gabing di makatulog, nakatutok lang ang mga mata sa ceiling at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan ko. Paminsan-minsan ay tumitingin sa bintana at hinahagilap ng tanaw ang mga bituin at buwan na tumatanglaw sa buong kabayanan. Pabaling-baling sa higaan naghahanap ng pwesto kung paano makatulog (patagilid, patuwad, pataob, pabaluktot), ngunit sa kasamaang palad ay… gising na gising ang diwa.

    Homesick ata ako ng panahon na ‘yun ah. Sigurado ako lahat ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay nakakaramdam ng kalungkutan sa pagkakahiwalay natin sa ating mga minamahal sa buhay.

    Ang abstract painting pala na’to ay aktwal na hitsura ng aming kwarto mula sa kinahihigaan ko. Tinanggal ko lang ang ibang bagay na nakakabit sa wall. Ang nakikita ninyo na parang mga katol ay yung mga samu’t saring gumugulo sa aking isipan. Last July ko pa natapos ‘to, di lang naipost agad, mas nauna pa naipost reflections dahil marami ang nag-request :).

    Art month ko ngayon.. kaya enjoy lang kayo sa mga susunod ko pang ipopost :)

hEaLtH ChEcK 2006

Tuesday, September 12th, 2006
    Our Clinic conducts a voluntary ‘Medical Screening’ for all employees every year. For a reliable test result daw kelangan mag-fasting ng 10 - 12 hours. So di ako kumain agad ng breakfast kanina…

    The test was approximately 10 -15 minutes and includes:

    Height & Weight
    Waist Measurement
    Blood Pressure Check
    Blood Glucose Test
    Cholesterol
    Triglycerides

    Eto ang resulta ng tests… Please ignore the age and height. :(

    Normal naman halos lahat, pwera lang sa cholesterol at triglycerides na mataas… anak ng pating. RBS/FBS - para sa sugar at parang bumaba ang timbang ko ah hmmm.

    Siguro dahil sa laging broasted at fried chicken ang kinakain ko, lalo na ang wing part (my favorite part ng chicken) na mataas daw sa cholesterol. Pero binabalatan ko naman pag kinakain ah wheew. Ang mga dairy products ay nakakadagdag din daw ng cholesterol. Naman, naman… kailangan isda naman ang uulamin lagi, sabagay mas paborito ko nga ang isda. Mamingwit kaya ako hehehe… hmmm di na siguro, laging busy eh :(

    Mga blogmates, kamusta naman ang kalusugan ninyo?

SkEtChEs ‘N tHiNgS

Sunday, September 10th, 2006
    Got a new sketch book, a Winsor & Newton brand and a Faber Castell pencil set ranging from 5B-5H hardness. Naiwan ko kasi sa Pinas ang luma kaya bumili ako ng panibago. Eto ay magiging kasama ko kahit saan ako magpunta, iguguhit ng mabilisan ang mga nakikita kong bagay na gusto ko hehe. :)

    Ang una kung napagtripan ay ang bed side table ko. :) Sa unang drawer ay mga abubot ang nakalagay, tapos sa pangalawa ay mga boxer shorts, briefs, socks… :)

    Happy Sunday everyone!

dAiLy LiFe

Wednesday, September 6th, 2006



    Reflections
    12″x16″
    Watercolor on Paper
    2006

    An eye is like a mirror that all things we see reflects on it. We also used it to witness the magnificence of the nature.

    Enjoy everyday life and do good things as long as we are still young… because someday will come that life melts like a candle… wick returns to ashes… and all of us want our souls be in heaven…

    Sometimes, we need to sacrifice inorder to make other people happy…

    Bahala na kayo umintindi ng gawa ko ah… Hahaba na masyado kung explain ko lahat. :)

    Happy weekend sa mga taga-gitnang silangan… :)