Archive for September, 2006
Wednesday, September 27th, 2006
Kahit saan tayo mapadpad, di pa rin natin makakalimutan ang ating pinagmulan. Dito ako lumaki na sakop nito. Dito na rin ako nag-aral hanggang hayskul. Tapos pagtuntong ng kolehiyo ay sa Kamaynilaan na ako nag-aral.
Matagal ko nang gustong isulat ang tungkol sa isyu na ‘to ngunit ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko rin ang tulong ninyo.
Ganito po ‘yun. Marami na tayong nababalitaan na hindi magandang nangyayari pagdating sa pagmimina. Marami nang buhay ang nakitil at maraming nawalan ng tahanan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dadagdagan pa ba natin ulit?
Bakit ko nasabi ito? Dahil sa ngayon mayroong isang Nickel Mining Company na nais sumira sa kagubatan namin. Na suportado naman ng ibang pulitiko na nagmamaang-maangan na sila’y kasabwat. Tunghayan po dito ang lahat ng detalye at dito naman para sa inyong suporta online. Walang bayad, ang kailangan lang ay ang inyong pirma kung gusto niyo rin na maisalba ang aming bayan.
Wala man ako doon sa amin ngunit ang puso’t isipan ay nandoon pa rin. Sa mga hindi pa nakabisita sa bayan namin, ang masasabi ko lang ay isa ito sa mga lugar sa atin na may angking likas na yaman.
Sabayan ninyo ako sa pagsigaw. “No to mining in Sibuyan Island!!!”.
Ang mga link na ibinigay ko ay nasa sidebar po ng aking tahanan.
Maraming salamat po!
SAM (Sibuyanons Against Mining) - A worldwide organization of Sibuyanons and concerned citizens with the aim of protecting the ice-age Sibuyan Island from the pre-approved nickel mining activity. Willing to give their lives for the protection of the island where the world’s densest forest flourishes, the Philippine’s cleanest river flows, and the majestic Mt. Guiting-Guiting dwells.
Posted in ThIs Is Me, PoLitIcS, NaTuRe, FrIeNdS | 24 Comments »
Monday, September 25th, 2006
Maraming salamat sa mga dumalaw habang wala ako.
Masaya ang tatlong araw kong pagkawala sa opisina. Umatend ako ng isang kasayahan gabi ng thursday at pagdating ng friday ay naglaro naman ng badminton hanggang alas onse ng gabi.
Sa panahon ng Ramadan, syempre dapat respetuhin natin ang mga kapatid nating mga muslim na nagfafasting. Open ang cafeteria namin pero walang paninda, doon lamang kami kumakain ng mga baon namin at andun din kape at tubig. Iba’t ibang lahi pa rin ang pumupunta doon karamihan ay mga pinoy at puti na may kanya-kanyang baon. Walang baon gutom ang aabutin
hehe
Sports Update:
Mamayang alas-nuwebe ng gabi ay pangatlong laro namin sa volleyball. Isang laro lamang tuwing gabi, tatlong beses sa isang linggo, kaya matatagalan siguro matapos ang tournament.
Sana naman ay manalo na kami para makapasok sa magic four.
Posted in SpOrTs, ReLiGiOn, CeLeBrAtIoN | 19 Comments »
Wednesday, September 20th, 2006
Kaninang umaga pag-labas ko ng bahay ay malamig-lamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking mukha. Malapit na talaga ang tag-lamig, hindi na nakakairita kapag gumala dahil di na masyadong pagpapawisan.
Bukas ay di ako papasok hanggang sabado… bakit kamo hanggang sabado? Eto’y dahil National Day nila rito, September 23. So, it’s gonna be aloooong weekend. 
Tamang-tama sa mga aktibidadis ko na nakaplano na sa linggong ito.
Habang wala ako ng tatlong araw, mag-iiwan na naman ako ng isang sketch na ikinatuwa ko… mabilisan ko lang siyang iginuhit habang naglalarong mag-isa. Siya ay nakita ko sa loob ng isang American compound almost two weeks ago ng binisita namin ang isa naming kaibigan na doon nakatira… Hindi ko lang kung anong breed niya, sabi ng mga kasama ko sa kapitbahay lang daw ‘yun. Malapit siya sa mga tao… ngunit ako ay nagtago baka ako’y sakmalin at paglaruan din niya…
Kyuting
11 3/4″ x 8 1/4″
Pencil on Paper
See you next week.. meeeeoooooowwww
mag-kaibigan na kami ng pusa hehe
Posted in ThIs Is Me, ArTs, CeLeBrAtIoN | 25 Comments »
Tuesday, September 19th, 2006
Sports Update:
Unang talo namin kagabi, standing: 1 win-1 loss… Ginawa naman naming lahat pero di talaga umubra. Hirap din ang kalaban (mixed nation - pinoy, arabo, nepalis at indians) sa amin hanggang sa huli, binigyan namin sila ng magandang laban. Medyo nainis ako sa laro ko, may mga error ako na di dapat mangyari… pero bilog talaga ang bola. Next game will be on Saturday, kailangan lang naming manalo ng isang laban sa 3 susunod na laro para makapasok sa magic 4.

Posted in SpOrTs, FrIeNdS | 10 Comments »
Sunday, September 17th, 2006
PaO
8 1/4? x 11 3/4?
Pencil on Paper
I found this baby cute kaya humingi ako ng picture sa ina niya para mapagpraktisan ko. hehehe. Eto ang napili kung picture at napili rin ng kanyang ina na walang iba kung hindi si pipay. Ang sabi nga niya sa akin, that time daw ay tahimik lang at parang malalim ang iniisip ng bata kaya napagtripan niyang piktyuran gamit ang kanyang cellphone.
Ginamitan ko ng graph lines kaya pag sinuri niyo ng mabuti ay may guhit-guhit pa. Pero kung ginamitan ng charcoal matatakpan din ang mga yun.
Matagal na rin akong hindi nakagawa ng portrait by using charcoal. Siguro pag nakaluwag naman bibili naman ako ng gamit para sa charcoal painting. Hindi pa makaporma ngayon dahil sa hectic ang schedule, dagdagan pa ng mga rehearsals, pictorial at concerts…
Sports Update:
We won our first game last night. Dapat in two sets nakuha na namin, malaki ang lamang namin ng 1st set na umabot sa tabla tapos natalo 2 points lang ang lamang. Due to miscommunications at panggigigil kaya naging matamlay ang unang set. Lamang kami sa tao kesa sa kalaban namin. Wala silang play dahil walang setter or tosser at wala ring spiker. Pagdating ng 2nd set at decision set kinuha na namin ang panalo. Ang team na kalaban namin kagabi ay binubuo ng pinoy at indians na mga manlalaro.
Monday will be our second game. Malakas ang magiging kalaban naming team na pinaghalong pinoy, arabo, indians at nepalis. Kami lang ang purong pinoy sa anim na teams.
Have a blessed sunday sa inyong lahat!
Posted in ArTs, SpOrTs, FrIeNdS | 16 Comments »
Saturday, September 16th, 2006
Kahapon ang grand opening ng basketball & volleyball tournament ng company namin. Inaabot ng dalawang oras ang biyahe ko from Al-Khobar kaya late na ako ng dumating. Kung may sariling sasakyan aabutin lang ng isang oras ang biyahe. Ang team namin ang susunod na ipakilala ng dumating ako kaya takbo ang ginawa ko upang makahabol :).
Share ko sa inyo ang mga pictures…
Gumamit na lang kayo ng sunglasses kung kayo’y nasisilaw




Tonight will be our first game. Sana manalo at makapasok sa top four.
Posted in ThIs Is Me, SpOrTs, FrIeNdS | 16 Comments »
Wednesday, September 13th, 2006
Sleepless Night
12?x16?
Watercolor on Paper
2006
Isang gabing di makatulog, nakatutok lang ang mga mata sa ceiling at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan ko. Paminsan-minsan ay tumitingin sa bintana at hinahagilap ng tanaw ang mga bituin at buwan na tumatanglaw sa buong kabayanan. Pabaling-baling sa higaan naghahanap ng pwesto kung paano makatulog (patagilid, patuwad, pataob, pabaluktot), ngunit sa kasamaang palad ay… gising na gising ang diwa.
Homesick ata ako ng panahon na ‘yun ah. Sigurado ako lahat ng mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay nakakaramdam ng kalungkutan sa pagkakahiwalay natin sa ating mga minamahal sa buhay.
Ang abstract painting pala na’to ay aktwal na hitsura ng aming kwarto mula sa kinahihigaan ko. Tinanggal ko lang ang ibang bagay na nakakabit sa wall. Ang nakikita ninyo na parang mga katol ay yung mga samu’t saring gumugulo sa aking isipan. Last July ko pa natapos ‘to, di lang naipost agad, mas nauna pa naipost reflections dahil marami ang nag-request :).
Art month ko ngayon.. kaya enjoy lang kayo sa mga susunod ko pang ipopost
Posted in ThIs Is Me, ArTs | 19 Comments »
Tuesday, September 12th, 2006
Our Clinic conducts a voluntary ‘Medical Screening’ for all employees every year. For a reliable test result daw kelangan mag-fasting ng 10 - 12 hours. So di ako kumain agad ng breakfast kanina…
The test was approximately 10 -15 minutes and includes:
Height & Weight
Waist Measurement
Blood Pressure Check
Blood Glucose Test
Cholesterol
Triglycerides
Eto ang resulta ng tests… Please ignore the age and height.

Normal naman halos lahat, pwera lang sa cholesterol at triglycerides na mataas… anak ng pating. RBS/FBS - para sa sugar at parang bumaba ang timbang ko ah hmmm.
Siguro dahil sa laging broasted at fried chicken ang kinakain ko, lalo na ang wing part (my favorite part ng chicken) na mataas daw sa cholesterol. Pero binabalatan ko naman pag kinakain ah wheew. Ang mga dairy products ay nakakadagdag din daw ng cholesterol. Naman, naman… kailangan isda naman ang uulamin lagi, sabagay mas paborito ko nga ang isda. Mamingwit kaya ako hehehe… hmmm di na siguro, laging busy eh
Mga blogmates, kamusta naman ang kalusugan ninyo?
Posted in ThIs Is Me, hEaLtH | 15 Comments »
Sunday, September 10th, 2006
Got a new sketch book, a Winsor & Newton brand and a Faber Castell pencil set ranging from 5B-5H hardness. Naiwan ko kasi sa Pinas ang luma kaya bumili ako ng panibago. Eto ay magiging kasama ko kahit saan ako magpunta, iguguhit ng mabilisan ang mga nakikita kong bagay na gusto ko hehe.


Ang una kung napagtripan ay ang bed side table ko.
Sa unang drawer ay mga abubot ang nakalagay, tapos sa pangalawa ay mga boxer shorts, briefs, socks…

Happy Sunday everyone!
Posted in ThIs Is Me, ArTs | 27 Comments »
Wednesday, September 6th, 2006
Reflections
12″x16″
Watercolor on Paper
2006
An eye is like a mirror that all things we see reflects on it. We also used it to witness the magnificence of the nature.
Enjoy everyday life and do good things as long as we are still young… because someday will come that life melts like a candle… wick returns to ashes… and all of us want our souls be in heaven…
Sometimes, we need to sacrifice inorder to make other people happy…
Bahala na kayo umintindi ng gawa ko ah… Hahaba na masyado kung explain ko lahat.
Happy weekend sa mga taga-gitnang silangan… 
Posted in ArTs, NaTuRe | 26 Comments »