sIxTy SiX hUnDrEd AgAiNsT fRiEnDsHiP
Thursday, June 8th, 2006-
Jubail KSA, taong 2004, buwan ng Hunyo, pangalawang biyernes, alas-siyete ng umaga…pagkaraan ng 10 minutong ligo sa aming banyong komunal, isang nakakapanghina at nakakatulig na eksena ang nadatnan ko sa kwarto.
Ano ang gagawin ninyo kung madatnan ninyong wala na ang cellphone mo na nakatago sa ilalim ng unan na may kasamang wallet? Meron pang cellphone sa side table ngunit ang may kamahalan lang ang nawala at walang nagalaw sa wallet mo? Dalawa lang kayo sa kwartong magkasama? Kaklase mo ng kolehiyo at kumpare pa?
Sino ang lakas loob na pumasok sa kwarto? Sino ang nakakaalam na sa ilalim ng unan tinatabi ang mga importanteng gamit ko tuwing ako’y maliligo sa umaga?
Karamihan na pumupunta sa kwarto ay sa pintuan lang lagi, di makikita ang loob dahil may harang pa na kurtina at nasa dulo ang kama ko. May pagkamasungit pa ang kasama ko sa kwarto na noon ko lang nalaman.
Masaklap pa, di pa tapos bayaran nawala na agad sa loob lamang ng dalawang buwan.
Marami pang katanungan na ipinaubaya ko na lang sa TAAS.
Wala akong pinanghinayangan sa mga nangyari bagkus naging aral sa akin ‘yun sa pagpili ng mga tunay na kaibigan at hindi na bibili ng mamahalin na cellphone sana.
Hindi nasusukat sa tagal ng pagkakakilala ang pagiging magkaibigan… Ito ay nasusukat lamang sa pagtitiwala sa isa’t-isa, pagtutulungan na walang hinihintay na kapalit at walang halong inggitan.
“Trust is the best policy”