Archive for May, 2006

aNak Ng NaNay

Monday, May 15th, 2006
    Binulabog ko bandang alas dyes ng kagabi, oras sa Pilipinas ang aking ina. Alam ko tulog na siya dahil maagang natutulog ang mga tao sa probinsiya. Subalit kailangan ko siyang batiin ng happy mother’s night day kaya pinagising ko siya sa pinsan kong kasama niya. Mga sampung minuto ko rin siyang nakausap.

    Wala akong naging reklamo sa nanay ko, palagay ko she’s the best. Simula ng mag-kaisip at mag-aral ako, alam ko na iba ako sa mga normal na bata. Hindi ako nagtatanong sa kanya kung ba’t ganito? Ba’t ganyan? Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

    Namasukan siyang katulong sa mga kakilala niya upang may makain kami. Iniiwanan niya ako sa mga kapitbahay at kukunin lang pag-uwi niya sa hapon. Maraming hirap ang dinanas niya, hindi ko na iisa-isahin pa.

    Minsan dumating galing US ang kapatid ng ama ko, aampunin daw ako. Mga 3-4 years old na ako noon. Pinag-isipan ng nanay ko yaon,tapos nagdesisyon siyang hindi niya ako ipamimigay kanino man.

    Hanggang sa pagsapit ko ng pitong taong gulang, kinupkop kami isang malayo ng kamag-anak dahil lahat ng anak niya ay nasa Estados Unidos at wala siyang kasama. Tawagin na lang natin siyang Nana, itinuring ko siyang pangalawang Ina, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Siya ang nagdidisiplina sa akin, nagturo ng mga dasal, nagbihis sa akin ng magagarang damit at nagbigay ng mga gamit na kailangan namin.Kaya dalawa ang naging nanay ko.

    Nagtrabaho ang nanay ko sa kanya kapalit ng pag-aaral ko hanggang makatapos ng kolehiyo. Nang mawala si nana, siya naman ang itinuturing na nanay nga mga anak niya kaya dumami kapatid ko.

    “Cutttttttttt…” sigaw ni Direk Carlo J. Caparas. Tama na raw drama ko hehe. Mahaba na eh.

    Para sa Nanay ko na walang sawang sumusuporta sa akin, kung saan ako masaya andyan din siya. Sa mag-isa niyang pagtaguyod sa akin simula ng ako’y wala pang buhok at hanggang ngayon ay nawawala na rin. Sa pag-alaga niya sa akin hanggang paglaki, ngunit sa kasamaang palad ay maliit pa rin.

    Saludo ako sa iyo aking Inay, ginampanan mo ang gawain ng isang ama’t ina. At para rin sa mga katulad niya, humahanga ako sa inyo.

    Happy Mother’s Day to all Lolas, Single Mommas, Hot Mommas, Mommas to be, basta mommas ah!!!

FlOaTiNg MiNd

Saturday, May 13th, 2006
    Para akong lumulutang habang naglalakad papunta sa abangan ng aming service coaster papasok ng opisina. Habang nasa sasakyan, pumikit lang ako pero gising ang diwa hanggang makarating sa aming pinapasukang kumpanya.

    Hindi kasi ako makatulog kagabi, dahil ng araw puro tulog ang ginawa namin. Dakong alas onse ng umaga nagising ako, hindi pa sana ako babangon ngunit ng maamoy ko ang luto ni master na sinigang na maya-maya biglang kumalam ang sikmura ko (sarap master hehe).

    Pagkatapos mananghalian balik ulit sa higaan, kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko bandang alas-kwatro ng hapon siguro tulog pa rin ako. Suma-total ng tulog ko’y mahigit labing-limang oras… wheeew.

    Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan lumabas kami. Si Deks punta netcafe at kami ni master bibili ng tubig inumin. Bago tumuloy sa grocery store, niyaya ko muna siyang magkape. Order ako ng cafe mocha at sa kanya naman ay cappuccino. At nang maubos, ikot-ikot naman kami bago bumili ng tubig inumin at tuluyang umuwi na sa aming tahanan.

    11pm… pabaling-baling lang ako at pagdilat tingin sa orasan. 12:30am, 1:30am, 2:30am, 3:30am 4:30am, 5:30am - wake up call.

    Ba’t kaya ako di nakatulog? Homesick? Nasobrahan sa tulog? O, kulang sa kape?

    Eto ako ngayon, antok na antok na. Di bale idlip na lang mamaya after lunch. Zzzzzzzzzzz

cAc(TuS) kO tO!

Thursday, May 11th, 2006
    Makalipas ang isa’t kalahating buwan
    Kulay ng alaga ko’y purong luntian
    Saan pa magmamana iyan
    Kundi sa amo niyang puno ng kalokohan

    Siguro kayo ay nagtataka
    Sa malaking ipinagbago ng alaga
    May mga bato-bato na,
    Munting tahanan sa gitna

    At dahil wala pang sapat na pera
    Bahay-kubo lang ang ipinagawa
    Dalhin ko man kahit saan
    Maituturing na akin ang bahay at lupa.

    ohhmycactus

bIg NiGhT

Monday, May 8th, 2006
    Isang makapigil hiningang labanan ang naganap kagabi sa pagitan ng Pasaway at Klasmeyts. Nanalo ang koponan namin, dalawang puntos lang ang lamang.

    Matibay ang loob ng mga kasamahan ko hanggang sa huli lumaban ng husto. Last quarter medyo uminit na ang labanan dahil sa ang isang kasamahan namin ay sinahod. Pagkatapos ng laban humingi din ng despensa ang grupo ng Pasaway dahil sa halos mga kakilala naman at ang iba ay kumpare pa.

    Gustuhin ko man maglaro ay ipinagliban ko muna dahil din sa mga payo ninyo. Habang hindi pa nagsisimula ang laro pinahilot muna ang pilay ko sa dati kong kasamahan sa kumpanya.

    Para sa kumpletong detalye bisitahin ito, klasmeyts. Sana tuloy-tuloy na ang panalo ng aming koponan.

    araykupo...

    ankle ko

fOr YoUr KiDs OnLy

Sunday, May 7th, 2006

baby cologne hehe

In 1997, Kelley Scanlon, an Epidemiologist, and her colleagues at the Centers for Disease Control received a call from Georgia health authorities with disturbing news. The parents of two infants had weaned their babies onto soy- and rice-based milk substitutes, even though both can lack crucial nutrients found in fortified cow’s milk and formula. As a result, the children were suffering from diseases that had all but disappeared in the United States: rickets (a severe deficiency of vitamin D) and kwashiorkor (protein deficiency). Without intervention, the infants could have grown up with bone or brain damage.

Soy and rice drinks continue to grow in popularity because they’re safe for adults and low in fat and cholesterol. But what some parents don’t know is that the drinks, if given to infants as primary sources of nutrition, can lead to health problems associated with kids in Third World countries. While national numbers aren’t available, doctors are reporting nutrition-deficiency cases?many linked to rice and soy milk?in otherwise healthy kids in the United States and Canada.

The problems associated with rice and soy milk are most pressing in kids younger than 2 because they don’t eat as wide a variety of food as older toddlers. (The American Academy of Pediatrics says infants younger than 6 months should get 210mg of calcium, mostly from breast milk, each day.) “We’re only seeing the tip of the iceberg,” says Scanlon of the CDC, who estimates that up to 80 percent of kids with milder cases of malnutrition may not be properly diagnosed.

Rice milk is chiefly made from brown rice and sweetener. The drink is often fortified with calcium, iron and B vitamins, but it’s usually low in protein. Without enough protein, says Albert Yan, a pediatric dermatologist at the University of Pennsylvania, babies’ skin becomes like “flaky paint” and their hair, lacking enough melanin, gets lighter. More seriously, they develop tissue swelling (edema) and their bodies fail to produce crucial immune factors.

Soy milk, by comparison, contains about the same amount of protein as cow’s milk, but not all brands are fortified with vitamin D. Unfortified brands have been implicated in cases of rickets, which drastically slows bone growth. Parents who feed infants a soy product should either pick a heavily fortified brand or give a vitamin D supplement along with it, according to the American Academy of Pediatrics. Breast-feeding moms are sometimes advised to use supplements; too, since breast milk doesn’t contain much D. And vegan moms’ milk can be low in another vitamin, B12.

The good news is the nutritional problems are often reversible. Those feeding rice- or soy-based beverages to children younger than 5 should see their pediatrician if their kids exhibit bowleggedness and delayed crawling and walking (symptoms of rickets) or distended bellies, lethargy and growth failure (kwashiorkor). Talk to your pediatrician and check your child’s diet against the AAP recommendations ). After all, it’s your job to do their body good.

Source: TheTipSheetNewsweek