Archive for May, 2006

sOn Of A BeAcH

Wednesday, May 31st, 2006
    Tuwing hapon o di kaya pag walang pasok sa eskwela ang mga kasing-edad kong kabataan noon ay palaging naglalaro sa tabing-dagat. Naghahabulan, nagbabatuhan ng buhangin, magpapalipad ng manipis na bato sa alon, nagsusulat ng pangalan at pagandahan ng pag-gawa ng kastilyong buhangin.

    Kahapon naisipan kong pumunta ng dagat, saktong low tide. Mahigit dalawang daang metro lang ang layo nang aming tirahan kaya saglit lang andoon na ako.

    Pagdating ko, may mga pinoy na namimingwit, alam ko nagpapalipas ng oras lang din sila. Nagtanggal ako ng tsinelas habang naglalakad at namumulot ng mga bato at empty shells na nalinis ng alon.

    Hindi na masaya dahil wala na ang mga kalaro ko, hindi na maibabalik ang nakaraan. Puro na lamang masasayang alaala ang naiwan sa aking isipan. Kahit mag-isa, nalibang pa rin ako hindi ko namalayang isang oras na pala ang nakalipas kaya umuwi na ako.

    Pagdating ko sa bahay, luto na hapunan namin. Nakisuyo lang ako kay master na ipagpatuloy niya muna ang pagluluto at sasaglit lang ako
    sa dagat ngunit napatagal ng kunti. :)

    ismagol at kayu

    tuhod ko

    kastilyong baybay

    malibuhok beach

    “Treasure and keep the good memories in your hearts, disregard the bad ones and go on with your life.”

    Keep smiling guys…. even if you’re alone :)

FaMiLy’S PrIdE

Monday, May 29th, 2006

Today, i received an email from my cousin… share ko lang sa inyo.
________________________________________________________
hi, niko. attached is the invitation for my first show. IDIOmaTIC Expressions ang title. Compilation ng iba’t ibang pinoy idioms at kasabihan. Attached din ang depiction ng bawat painting. Kaw na muna bahala mag imagine kung ano itsura ng mga paintings. Tsaka na lang yung ibang pix kc di pa nadevelop. musta na lang jan, pre. Ingatan mo yung pwet mo… :)

nonong
________________________________________________________
Lotsu Manes holds his first one-man exhibition, IDIOmaTIC Expressions, at the West Gallery in SM Megamall, Mandaluyong City. The title’s play on words refers to everyday Filipino folk idioms, sayings or beliefs that relate to the viewer pragmatic approaches to life borne out of local practices, or border on idiocy brought on by ignorance, false hopes and simplistic fantasies. It is viewing existing society’s Generations X and Y, and giving it definition through the all-too-familiar, Filipino idioms or traditional proverbs (kasabihan). These sayings, given a fresh perspective, not only give advise on how to live our day-to-day lives righteously, but serve as a social commentary on current issues and practices Filipinos are used to (nakasanayan na), good or bad, which make up the daily patchwork of experiences and stories culled from a masa Filipino community.

Nasa Kabataan Ang Pag-Asa ng Bayan (The Country’s Hope Lies on the Youth)  size 5’ x 4’ - oil on canvas

Nasa Kabataan Ang Pag-Asa ng Bayan (The Country’s Hope Lies on the Youth) is a 5feet x 4feet painting that shows an image of a child laborer who, instead of having quality education and playtime, is bound to the rigors of hard work. Even his toy, a basketball, is chained on top of his school books, seemingly an insurmountable burden that he cannot lift to play and enjoy, with books he cannot study or browse through. The father figure who is supposed to take care of the family financially nonchalantly reads a newspaper while a leather belt is ominously displayed on the wall, promising unsubtly that punishment awaits the child if ever he decides to act his age. The boy’s prematurely burdened spirit is reiterated by the listless flying of a paper airplane tied to the wall clock, held captive in a relentless adult world.

Using centuries-old oil painting techniques on canvas, Lotsu Manes’ works portray contemporary issues encroaching the twenty-first century – media’s infiltration of the Filipino basic unit of society, the disintegration of family values, child labor, the loss of childlike wonder and innocence, poverty and the destruction of the environment. Since winning the First Prize in the 29th Shell National Student Art Competition in 1996 and being a Finalist in Metrobank Foundation’s Young Painters Annual in the years 1996 and 1997, the Philippine Women’s University Fine Arts Painting major has settled into a simpler life of being a family man away from the madding art scene crowd. His art making process has evolved from being a “deadline painter” to an artist more systematic in his approach to life and his career. Given a choice to leave the country as an overseas contract worker, he decided to stay in the Philippines and continue his art practice with the knowledge that he is able to keep his family intact amidst the struggle of everyday survival. Wielding fine brushes and rendering lifelike hues to his subjects with the painstaking technical skill and an eye for realism of a traditional oil painter, Manes currently does portraiture and restoration work for museums and private collectors.

IDIOmaTIC Expressions can be seen at the West Gallery, Artwalk, 4th Floor SM Megamall Building A, Mandaluyong City, from May 18 - __ , 2006.

To you Cousin… congratulations!!! Natupad din ang pangarap mo. Hope someday ako naman susunod sa yapak mo… :)

Ipost ko next time ang mga iba pa niyang gawa para makita ninyo o kung nasa Pinas kayo pwede nyong bisitahin sa Megamall.

wIsH gOt One

Sunday, May 28th, 2006
    Nang nakaraang Huwebes, inimbitahan kami ng isang kaibigan na kasama ko sa isang kumpanya dati dahil 1st birthday ng kanilang bunsong anak na babae na si Jameela Anne. Kahit pagod ako dahil nagpahilot ako ng hapon na yaon hindi na ako nakatanggi ng daanan nila ako sa bahay.

    Pagdating namin sa tinutuluyan nila hinanap ko agad ang may birthday pero ayaw pang lumapit kasi akala niya hindi kami tao ng kasama kong si Matt. Ako lang ata ang mukhang hayup ah nauna kasing lumapit kay Matt wheew. Pero ng mapagtanto ng bata na pwede pala akong paglaruan, lumapit din sa wakas. Kelan pa kaya ako magkakaroon? Magpabuntis na kaya ako este sino kaya gusto magpabuntis sa akin?

    Balik tayo sa handaan, habang nagluluto sila kami naman ni Matt pinalobo ang mga lobo (tama ba yun?) at nag-cut out ng pangalan ng baby para idikit sa pader.

    Habang wala pang bisita bawat daan ko sa mesa kumukurot ako ng mga nakahaing pagkain hehe.

    Mga ilang sandali dumating na rin ang mga bisita nila pati mga kasamahan niya sa trabaho na kasamahan ko rin noon.

    Mga alas dyes ng gabi nauna na kaming umuwi… kahit papaano nakakabawas din ng homesickness pag may ganitong pagtitipon.

    takot ato laki ilong tito waah

    mamaya na kodakan... gutom na kami

    inom muna ato tubig to

    akala mo makukuhanan mo ako na malaki subo huh

BoY bAwAnG eN GoLdI LoCkS NuPtIaL

Tuesday, May 23rd, 2006
    Padre: Boy, tinatanggap mo bang maging kabiyak si goldi hanggang kamatayan.

    Boy : Opo, padre tinatanggap ko.

    Pagdating kay Goldi, tinanong din siya ng pari ng parehong tanong kay boy.

    Goldi: Opo padre, nabiyak na po.

    Mabuhay ang bagong kasal!!!

    Nakikita nyo naman sa picture kung pano magmahalan sina Boy at Goldi di ba? Ang bilis dumami hehehe.

    Pasalubong ‘yan sa akin ng isang kasamahan galing bakasyon sa Pinas. Dapat magpasalamat sa akin ang pamunuan
    ng Goldilocks at Boy Bawang dahil libre advertisement dito.

    Hmmm Crackkk krookk sarap ng boy bawang, mamaya naman si goldi na amoy pinipig. hehehe

    boy en goldi

uNfAiRnEsS aCt

Saturday, May 20th, 2006
    Lunch time sa cafeteria kanina habang inaabot ko ang meal ticket sa supervisor, nagulat ako sa reaksyon ng isang kasamahan kong pinoy na nakapila rin sa unahan, mga apat tao ang pagitan. Ibinalik niya ang pagkain niya sa server (isang Bangladeshi) .

    Pagkatapos kong kumuha ng pagkain umupo na rin ako sa kinauupuan ng tropa kong mga pinoy.

    Tapos, tinanong namin ang kasamahan namin kung ba’t ganun ang reaksyon niya habang nakapila. Ang nangyari pala, nakisuyo siyang dagdagan lang ng kunti ang ulam na binigay sa kanya kaso sabi ng Bengla, light meal ticket lang daw kaya hindi pwede tapos malakas pa ang pagkasabi kaya parang napahiya siya sa mga nakapila.

    Pero sa totoo lang, nahahalata din namin na basta Saudis, ibang Indiano, kalahi nila at lalo ng ang mga puti ay nagkakandarapa pa silang magbigay kung ano ang gusto at tatanungin pa kung me kulang eh pareho-pareho lang naman ang meal ticket na binibigay namin. Pwera na lang sa mga nagbibigay ng full meal ticket. Ok, lang sana na sitahin kung kami lang ang nag-rerequest ng ganun pero nakikita namin na hindi nila sinusunod ang patakaran nila.

    Pagkatapos kumain pinuntahan ng kasamahan ko ang supervisor nila at kinausap tungkol doon sa nangyari. Humingi pa siya ng despensa sa reaksyon niya.

    Kahit saan talaga hindi nawawala ang diskriminasyon, walang pinipiling sitwasyon, oras at lugar.

    Mabuti na lang at hindi ako ang napatapat sa Bengla na ‘yun baka nabalahibuan ko siya, pati balahibo sa butas ng taenga niya bubunutin ko at lagyan ng alcohol.