Archive for April, 2006

bLaNkO nGa

Monday, April 3rd, 2006

Lumilipad na naman utak ko sa labas, hindi ako makagawa ng maayos sa opisina. Sabagay wala naman masyadong ginagawa, kumbaga sa 8 otso oras na trabaho, 4 apat na oras lang talaga ginagawa ko dahil sa wala palagi ang amo ko.

Gusto ko na namang makauwi agad kasi mamimili pa ako mga gamit para pagandahin ng kunti ang luma naming bahay. Ako kasi ang naatasan ng 2 dalawa kong inmates sa bahay, pagdating sa interior design daw. Natapos ko na ring mailipat sa mga paso ang mga halaman na dapat alagaan mabuti kasi maliliit pa.

Syempre pagdating sa tindahan mamaya sigurado namang tawaran sa presyo, iiyak na naman sa akin ang mga tindero. :) Kahit wala akong kasalanan sa kanila gusto kung patawarin nila ako hehe.

Kung di dahil kay neng di ako mag-popost ngayon eh ang kulit kasi. Kung merong Tinyente Nene ang PBB meron namang General Neng ang mga bloggers hehehe… Hmmmm ??? Sana di niya mabasa ‘to baka masabunutan ako. Aray…

mIxDaYs

Saturday, April 1st, 2006

Salamat at bumalik na rin ang server namin, four (4) days din na wala kaming internet dahil sa sandstorm hehehe.

Nang mga nakaraang araw marami na ring nangyari. Natalo kami sa basketball dahil naglaro nga ako ilang minuto, dapat sinunod ko na lang payo ninyo na di ako maglaro eh wheew.

Nakalipat na rin si master sa haws naming bagong luma bagong lipat sa lumang bahay sabi nga nya.. dahil ang hagdanan ay pawang me ngatngat mga bitak-bitak na pero pagdating sa kwarto maayos at malinis naman kahit maliit lamang.

Meron na naman pala akong dalawang alaga, isang gumagapang at isang malago hehehe. Gagawan ko ulit sila ng tula pag lumikot ang aking kaisipan hehe. Mamaya pag-uwi ko hihimas-himasin ko sila at ililipat na sa tamang lalagyan. Naalala ko na naman ang mga alaga ko sa Pilipinas, wala na sigurong tumatabas sa mga sanga at dahon nila… Sa mga orchids na nakuha ko pa ng ako’y labin-dalawang (12) taong gulang pa lamang, boy scout kami noon ng umakyat kami sa taas ng Cantingas River. Hayyy nakakamiss din ang ilog na ‘to. Siguro nahahalata ninyo na mahilig ako sa mga halaman dahil ako po’y laking bundok Abu Sayaff (hindi Abu Sayad wheew) nga ang tawag ng mga kaklase ko ng college dahil long hair at bihira ako mag-ahit ng balbas at bigote. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo wala naman kayong magagawa eh hehehe ang ipinagmamalaking ilog sa probinsya ng Romblon. Sana po ay magustuhan ninyo ang mga larawang kinopya ko ng walang pahintulot noong 2002 pa sa webpage ng isa kong kababayan. Kung saang lupalop ka man ngayon, maraming salamat sa ‘yo kabuter hehehe. Ang pinakahuling larawan nga pala ay ang Tagbong Falls malapit din sa ilog.

Kung sino ang gustong sumama sa aking pagbakasyon sa susunod na summer ay ipag-alam lang sa may-akda. Magbaon lang ng de-lata, noodles at maraming daing, daing pera nyahaha. Ako na ang bahala sa bahay kubo. Oissst biro lang to huh. Baka sumama nga kayo. Hehe. April fools day nga pala… araw ko ba?

Cantingas River - cleanest inland bodies of water (River Category) for 2003 in Southern Tagalog Region (Region IV)