Archive for March, 2006

cAcTuS(kăk’təs)

Tuesday, March 28th, 2006
    Ako ay may alaga isang halaman na mataba
    Siyam na pulgada ang haba taas mula baba,
    Kulay niya?y luntian na may mumunting tinik
    Kapag iyong nasagi ika’y mapapaigik.

    Isang araw habang ako,y nakahiga
    Sa gawi niya’y napasulyap ng ‘di sadya,
    Hinagod ko ng tingin at akmang hahawakan
    Ngunit nag-atubili baka ako’y masaktan.

    Ginawa ko’y bumangon na lamang at aking diniligan
    Kumuha ng pantusok at binungkal ng dahan-dahan,
    Upang maiwasan na masagi ni katiting man
    Ang alaga kong kay gandang pag-masdan.

    Sa isang lingon, lapis ay aking namataan
    Hagilap ng papel at iginuhit pagkaraan,
    Labinlimang minutong iginugol ako’y napangiti
    Sa kasiyahang dulot na ‘di maitatanggi.

    Mangyari po lamang na inyong tunghayan
    Ang kinalabasan ng alaga kong kulu-kulubot ang katawan,
    Naipangako sa sarili na siya’y alagaan
    Hanggang siya’y lumaki ng tuluyan.

    Bow :)

    cackoto

GiViNgWaY

Monday, March 27th, 2006
    Unang laro ng aming koponan kagabi sa 5th Inter-Friendship Basketball Tournament. Hindi ako nakapaglaro dahil sa dami namin, labing pito (17) kami sa iisang team, karamihan naman dito ay pawang shifting ang schedule ng trabaho nila. Ngunit kagabi ay kumpleto, kaya ng ako’y dumating sa tagpuan namin sa bahay ng isang tropa napag-usapan namin kung sino ang maglalaro. Una akong nag-boluntaryo na sa susunod na lang na laban (March 30-Huwebes) lalaro at ang iba naman ay nag-sunuran na. Pinaglaro namin ang mga kasama na malayo pa ang inuuwian at hindi rin sila makapaglaro sa susunod dahil nga sa shifting ang trabaho nila at nakakahiya naman pag hindi sila nakapaglaro.

    Pagkatapos ng kunting briefing kami ay sabay-sabay na lumabas ng bahay, sila ay papunta na ng venue tapos ako naman ay nag-paalam na at magbibihis muna bago sumunod na lang sa kanila.

    Pagkadating ko ng bahay ako’y dagling nagbihis, patugtog ng jazz music at nag-tanggal ng tartar. Tinamad na rin akong sumunod sa mga tropa ko dahil malayo din pag nilakad, halos 1km din naman papunta sa pag-dadausan ng laro.

    Humiga na lang ako at nagbasa ng Bon Appetit magazine at sa ilang sandali ako’y nakaramdam ng antok. Bago makatulog hinagilap ko muna ang kalendaryo sa bed side table at minarkahan ng ekis ang araw ng linggo (March 26) tanda ng pagbabawas ng araw ng pamamalagi sa ibayong dagat.

    “Ang nagpaparaya ay pinagpapala.”

    *Kaninang umaga napag-alaman ko na nanalo pala ang koponan namin… :)

bAhaY KubO

Saturday, March 25th, 2006

At last got a permanent home… Welcome, welcome, welcome…

ChArMiNg DrEaMeR

Thursday, March 23rd, 2006

Martin Luther King Jr. and his wife Coretta march together along a rural Mississippi road with the March Against Fear
Coretta Scott King (1927-2006)

  • Wife of Martin Luther King.
  • Because of her, the legacy of Martin Luther King lives on this day.
  • With her hardwork and determination, she founded the Martin Luther King Jr. Center for Nonviolent Change.
  • Established Martin Luther King’s birthday as a national holiday (US only).
  • She was the pillar of her family, supporting her husband while raising four children during what were chaotic times. For those who are mothers know that raising children, particularly black children then and even in today’s society, is not an easy task. She was truly phenominal.

It is important that we understand that the dream equality for all people was not just Rev. Dr. Martin Luther King’s dream but a dream shared by him and Coretta Scott King. It was through her vision as well that today we are closer to that dream.

Wheew what a great woman she was… I just remember the celebration of IWD 2006 two weeks ago .

*Source - AARP Bulletin

SoJoUrN - aUfEnThAlT - sOgGiOrNaRe - VeRbLiJf

Tuesday, March 21st, 2006

wheew nakakasilaw sila ah

Limampu’t isang (51) araw na ako d2 sa bago kong kumpanya, sana wala namang maging problema dahil panandalian lang naman ang trabaho dito sa ibayong disyerto.

Enjoy naman ako sa mga bago kung kasama sa bahay ni kuya. Sino kaya ang unang ma-evict? Pwede kayong bomoto sa pamamagitan ng pag-post ng comment dito. Meron pa kayong natitirang tatlong daan at labing-apat (314) na araw para bomoto.

Simula daw ng dumating ako naging magulo na buhay nila. Wala naman akong ginagawa… Mahiyain nga ako sa harap ng camera eh. Ano sa tingin ninyo?

dReAmS pArT 2

Monday, March 20th, 2006

infinite dreams
“Infinite Dreams”
30″ x 20″ (Triptych Panel)
Oil on Canvas
2005
- countless, endless, unlimited, immeasurable, unbounded, never-ending dreams.

Lahat tayo’y may mga pangarap; pangarap na hindi lang nag-iisa. Hindi tayo nakukuntento sa isa, hindi pa natutupad ang unang pangarap meron na namang kasunod. Sabagay, wala namang bayad ang mangarap. Hindi nakakapagod at naeehersisyo pa ang puso dahil sa malalim na buntong-hininga. Mapapangiti ka pa minsang mangarap ng gising o tulog man.

Ang iba naman, napapapikit pa kung mangarap ng gising, nangangarap na katabi sa pag-tulog ang isang modelo sa FHM or playboy magasins. Whewww.. nawawala na naman ako ah hehehe. Baka kung saan na naman mapunta ang kuwento ko. Sarilinin ko na lang ang karugtong? Hmmm, sino kaya pagpantasyahan mamayang gabi nyahaha. Tama na nga baka maging R-18 na ‘to hehehe.

O siya, magkanya-kanya muna tayong mangarap ng gising dahil hindi pwede matulog nasa opisina pa ako.hehe.

DrEaMs

Sunday, March 19th, 2006

Malapit na naman ang Metrobank Art and Design Excellence (MADE) - National Competition na ginaganap taon-taon. May sculpture, watercolor painting, oil painting categories. Dapat nakagawa na ko ng entry ko para maipasa sa buwan ng Mayo pero andito ako sa ibayong dagat kumakayod para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko, hmmm kelan pa kaya un? Isa pa iniwan ko sa Pinas ang mga gamit sa pagpipinta dahil mabigat sa bagahe, kaya d ako makasali.

Last year, nagkaroon ako ng entry dahil na rin sa pinsan (Lotsu) ko na laging sumasali sa mga patimpalak sining. Kaya lang hindi na siya pwedeng sumali sa taong ito dahil hanggang 35 years old lang. Ako, meron pang 3 taon para makasali. Oo, wala na ako sa kalendaryo ngunit nasa lotto 42, mega lotto at super lotto pa naman ang edad. Hehehe.

Hindi man lang nakapasok sa semifinals ang entry ko dahil sabi ni Lotsu, karamihan sa judges ay pawang mga social realism ang area of expertise at wala masyado sa abstract. Ok lang meron naman akong natanggap na certificate of recognition at marami pa akong nakilalang mga sikat pintor.

chain of dreams
“Chain of Dreams”
20″ x 30″
Oil on Canvas
2005

Mga pangarap kong nais matupad, gaya ng paglalakbay sa mga historical art countries, particularly in Venice (City of Canals), NE part of Italy. Namamasyal habang nakasakay sa river boat (vaporetti) o di kaya nakikisabay sa pagpipinta sa mga dumadayong mga pintor na nakatambay sa St. Mark?s Square and the Piazetta, dito makikita ang Gothic Doges’ Palace (14th?15th cent.), the campanile (325 ft/99 m high; built in the 10th cent.; rebuilt after it collapsed in 1902); the Moors’ Clocktower (late 15th cent.) atbp. Dito sa lugar na ?to, makikita ang mga paintings na gawa nina Titian, Bellini, Carpaccio, Mantegna, Giorgione, Veronese, et al.

Whew. . . kailan kaya matutupad ang pangarap ko na makarating sa the city of artists? Ako lang ang nakakaalam hehehe.

Sa Metrobank, maraming salamat sa walang sawang pag-suporta sa mga kabataang pintor.

CoMiNg InTo LiFe…

Friday, March 17th, 2006

coming into life
Coming into Life
24″ x 18″
Oil on Canvas
2004
- Three leaves, seventeen roses, nineteen thorns, seven large stones & four small stones.

Sa isang dako ng Silangang bahagi ng Pilipinas….. Mga alas tres ng madaling araw isang nilalang ang bumulahaw ng iyak at tumawag ng pansin sa mga kapitbahay… Isang sanggol mula sa kung saang planeta ang iniluwal ng kanyang butihing ina. Biglang nagtakbuhan ang mga nakasaksi sa kadahilanang hindi malaman kung tao o hayup ang natunghayan nila. Ang sanggol na unang naaninag ang sindi ng lampara, dahil wala pa ang sikat ng araw…

Eto siya ngayon nakikiblog sa inyo. Ehem

Maraming salamat sa inyong lahat dahil kung wala kayo, wala din ako ngayon dito….

PaTiEnCe…

Thursday, March 16th, 2006

Last night, pagkatapos kong makikain ng hapunan sa bahay ng tropa. Nag-ikot ikot muna sa bayan (Jubail) pampatay ng oras. Tapos naalaala ko na wala pala akong laundry basket, puno na kasi ang plastic bag kong tambakan ng labahan.

Pumunta ako sa mga tindahan na ang presyo ay hindi tataas ng 10 Saudi Riyals syempre nagtitipid. Unang tindahan na napasukan, wala sila ng hinahanap ko. Sa pangalawang tindahan me nakita na ako tatlong klase pa. Syempre pinili ko pinakamura. Tinawag ko ang attendant ibang lahi na nakikipaghuntahan sa katrabaho nya. Tinanong ko sa kanya kung me kulay pa na iba. Ang sagot sa akin (English na pabaluktot), “Tingnan mo na lang kung anong kulay nandyan.” Tanong ako ulit (pabaluktot na english din) kung me size pa na iba, sagot naman niya, “Kung ano ang nandyan yan na yun, ‘wag ka na maghanap”.

Grrrrr? sa isip-isip ko matutuyuan ako ng utak sa isang ‘to ah. Kaya iniwanan ko na lang siya dala-dala ‘yung napili kong laundry basket at lumapit sa isa pang attendant Indian. Sinabi ko sa kanya kung ba’t ganun sumagot ang kasama nya. Bago lang daw ‘yun tsaka Bangladeshi di raw alam ang sinasabi. Tapos dinugtungan pa kung marunong daw ako magsalita ng Bangladeshi magkakaintindihan daw kami nung isa. Wheew, anak ng eto na naman kako. Malapit na ko mapikon ah. Binalik ko na lang tanong sa kanya, “Ikaw marunong ba ng Tagalog?”, sabay talikod, bayad sa cashier at mabilis na tumalilis palabas sa tindahan na ‘yun. Nakahinga din ako ng malalim ng nasa labas na ako. Tuluyan ng umuwi sa tirahan ko para makapagpahinga, pati ang nayanig kong utak…

Kayo ba mahaba ang pasensya?

“Patience”is the ability and willingness to wait a long time or to carry out a task that takes a long time, especially one that is by itself not heavy, but boring. It also means not easily getting angry or not showing anger in situations of human communication where the other is unreasonable. It is commonly referred to as a virtue, though it is not one of the traditional theological or cardinal virtues.

wHy PiNtOrAdOr?

Monday, March 13th, 2006

pintorador (pin.to.ra.dor.) - pintor na tumatagay ng Fundador habang nagpipinta. Sino kaya yun?